"Torotot" is graded "B" by Cinema Evaluation Board


(From upper left corner) Baron Geisler, MauiTaylor, Yul Servo, and Precious Adona topbill the sexy crime-drama Torotot.Directed by Maryo J. de los Reyes, this movie is currently being screened in SMcinemas and Robinsons Movieworld.



Rated B by the Cinema Evaluation Board ang pelikulang Torotot,isa sa mga Filipino films na bahagi sa Brussels International IndependentFilm Festival sa Belgium. Ang indie film na ito ay tungkol sa dalawang kuwentoat kaso ng pangangalunya (adultery).

Ang pelikulang ito ay inspired ng isang broadsheet articlena isinulat noong 2000 ni Julius Babao tungkol sa kaso ng destierro. Ito aytumutukoy sa uri ng kaparusahan sa "crime of passion" kung saan ang isang asawaay napatay ng kanyang asawa matapos itong mahuli sa akto na nakikipagtalik saiba.

Imbis na parusahan ang nakapatay (o "natorotot"), siya ay dinadala sa ibanglugar upang makapagsimula ng bagong buhay.

Ayon kay Direk Maryo J. de los Reyes, matagal na niyangkonsepto ang tungkol dito para gawing materyal. Ang natatandaan pa namin,tatlong taon na ang nakararaan nang mabanggit ni Direk Maryo na tipong personalfilm para sa kanya ang Torotot na ang script ay matagal na ring nabuo ngpremyadong scriptwriter na si Jun Lana.

Dalawang married couples ang mga pangunahing tauhan dito.Ang unang couple ay binubuo nina Maui Taylor at Baron Geisler. Angpagkaka-acquit sa naakusahan ng pagpaslang ay batay sa matitibay na ebidensyangnagpapatunay na hindi pinlano ang pagkakapatay at, without reasonable doubt,ang pagkakahuli sa akto ng pagtataksil ang nagtaboy sa lalaki para patayin angbabae at ang kalaguyo nito.

Sa kaso ng mag-asawang ginagampanan nina Yul Servo atPrecious Adona, gustong bigyan ni Direk Martyo ng study of contrast angmanonood depende sa magkaibang situwasyon ng pangangalunya.

Ayon pa rin mismo kay Direk Maryo, ang sarili niyang kumpanyangStudio 56 ang nag-line produce ng proyekto. Naidaing ng pamosong direktor nahindi kasama sa kabuuang production cost ang bayad sa kanya bilang direktor. Inother words, isinakripisyo ni Direk ang talent fee niya para lamangmag-materialize ang isa sa mga proyektong pinapangarap niyang maiaskatuparan.

Naglalaro sa P3 million ang budget na inilaan sa pelikula,kasama na ang para sa publicity at promotions. Indie digital ang tipo ngpelikula, pero sa kalidad ay masasabing topnotch ito at mas mataas kungikukumpara sa pangkaraniwang indie production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Baron at Yul talaga ang personal choices ni Direk pararito, at sumulpot ang ideyang ang mga bidang babae ay si Maui at ang baguhangsi Precious (fresh from being a finalist in the Be Bench competition),sa suhestiyon na rin ng pamunuan ng Viva Digital.

Masasabing malaking pagsubok sa mga artistang ito ng Torototang hinihingi ng characters na kanya-kanyang ginampanan sa pelikula. Angbentahe ng Torotot ay ang katotohanang maituturing na Actors' Directorsi Maryo J at napapaarte niya nang higit sa inaasahan ang kanyang mga artista,turf ng direktor ang ganitong uri ng domestic drama na kontrobersyal ang tema.

R-13 ang rating ng Torotot na siyangpinapalabas sa SM cinemas at Robinsons Movieworld.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN