Daniel Padilla showed true feelings in movie: "Kailangan kami na may tingin ng pagmamahal."

by Rose Garcia
Sep 3, 2016
Daniel Padilla reveals his five-year love team with Kathryn Padilla served as his peg for their movie Barcelona: A Love Untold: "Sa mga eksena na kailangan kami na may tingin ng pagmamahal… Parang hinuhukay mo lang ang mga nangyari noong nakaraang taon, inilalabas mo sa eksena."


Malapit nang ipalabas ang pinakakahihintay ng mga Kathniel fans, ang pelikulang Barcelona: A Love Untold nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

A love untold nga ang tema ng pelikula ng magka-love team, ganuon din ba ang totoong relasyon nina Daniel at Kathryn, hindi pa nila maibunyag?

Ayon teen actor, “Ano na lang, as in, kung ano ang nakikita niyo sa screen, sa tulong na rin ng limang taon.

“Kung paano kami magtinginan ni Kathryn, siyempre, sa mga eksena na kailangan kami na may tingin ng pagmamahal.

“And siguro dahil na rin yun sa limang taon.

“Parang hinuhukay mo lang ang mga nangyari noong nakaraang taon, inilalabas mo sa eksena.

“So, malaking tulong sa mga eksena namin ni Kathryn.

“Yun na muna ang sasabihin ko sa ngayon.”

CHALLENGES. Mismong ang co-star nila na si Aiko Melendez ang nagsasabing revelation daw ang acting nina Daniel at Kathryn sa pelikula.

Kumusta nga ba ka-trabaho ang isang Olivia Lamasan bilang director?

Continue reading below ↓

“Ang hirap talaga ng eksena run, hangga’t pinipiga ka, pinipiga.

“Ilalabas at ilalabas, hangga’t bukas ang puso mo kay Inang, hangga’t open ka sa kanya.

“Kapag sinarado mo, walang mangyayari,” tugon ni Daniel.

Kuwento pa niya, isang eksena raw sa trailer ng Barcelona: A Love Untold ang isa sa mga pinakamahabang takes niya.

“Yung mga English-English dun,” natawang sabi ni Daniel.

“Hindi ko alam paano ang gagawin, iniisip ko na ang emosyon ko, iniisip ko pa ang linya ko.

“Medyo nahirapan ako sa parteng yun.”

Naka-ilang takes siya?

“Four hundred yata,” natawang biro pa niya.


GOOD VIBES. Bukod sa magagandang lugar, ang isa raw sa hindi makakalimutan ni Daniel nang gawin nila ang Barcelona: A Love Untold ay ang samahan nila ng mga taong nakatrabaho nila rito.

“Mas nakilala namin yung mga ilang nagta-trabaho run na tumulong sa amin.

“Mas nalaman namin kung paano ang buhay nila run.

“Konti lang naman ang mga staff namin at crew, so kami mismo, naging staff and crew rin.

Continue reading below ↓

“Ang sarap ng… naging team kami, sobra ng nag-bonding kami.

“So iba yung samahan na nangyari sa Barcelona, mas naging maganda ang takbo para sa trabaho.

“Yun naman ang maganda run, yung bond at saka yung kainan.

“At saka, walang star-star run, walang space para magkaroon ng star dun, yun ang nabalik sa amin.

“Hindi naman nawala, pero mas naramdaman namin,” saad ni Daniel.


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla reveals his five-year love team with Kathryn Padilla served as his peg for their movie Barcelona: A Love Untold: "Sa mga eksena na kailangan kami na may tingin ng pagmamahal… Parang hinuhukay mo lang ang mga nangyari noong nakaraang taon, inilalabas mo sa eksena."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results