Kathryn Bernardo on Barcelona: "Sobrang espesyal talaga ng project na ito sa amin ni DJ."

by Rose Garcia
Sep 3, 2016
Kathryn Bernardo says working with Olivia Lamasan is like going back to school. "Para kaming nag-take ng panibagong course with Inang sa set. Kasi kung ano ang pinag-aralan namin dati, hindi pa yun enough, ang dami pa naming i-improve."


Ipapakita nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pag-mature nila bilang artista sa kanilang pelikula na Barcelona: A Love Untold ng Star Cinema.

Ano naman ang naging katangi-tanging karanasan nila habang ginagawa ang pelikula lalo’t matagal-tagal din silang nag-shooting sa Barcelona?

Lahad ni Kathryn, “Kung experience ang pag-uusapan, parang ang hirap pang pumili ng isa.

“Kasi tatlong linggo kaming nag-shooting sa Barcelona, every day yun.

“Hindi namin masasabi na naging madali, hindi smooth lahat.

“Siyempre, darating tayo run sa kasi four hours na lang ang sleep, pagod lahat.

“Physically and emotionally, but then worth it po talaga lahat.

“Ang ganda-ganda ng lugar at masaya kami kasi napakita yun sa movie.

“Parang kahit anong hirap yung ginawa namin sa shooting, parang sobrang espesyal talaga ng project na ito sa amin ni DJ.”

TOUGH DIRECTOR. Ibang-iba nga raw ang mga karakter nilang dalawa sa pelikula kaya espesyal daw itong talaga sa kanila.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Kathryn, “Yung character namin, parang napamahal na sa amin.

“Kaya napaka-hands-on po namin, worth it po talagang lahat.”

May balitang nakakagalitan daw sila ni Direk Olive dahil nakakailang ulit sila ng takes o mali ang ginagawa nila.

Nakagalitan nga ba sila?

“Parang lahat ng eksena run, hindi namin nakukuha ng isang take lang.

“Ultimo paglakad, pagtingin, paghinga, lahat yun.

“Kaya sabi namin ni DJ, nag-back to zero kami.”

Sobra nga raw siyang piniga ni Direk Olivia Lamasan para lumabas ang totoong emosyon ni Kathryn.

Aniya, “Pigang-piga, as in, talagang all-out talaga.

“Hindi namin alam kung paano niya napapalabas ang emosyon kahit gaano kasimple o kabigat ang scene.

“At grabe po ang guidance sa amin ni Inang sa movie na ‘to.

“Kung paano namin i-deliver ang lines, kung paano pag-iyak sa eksenang ‘to and lahat yun, binabantayan niya.

“And we’re very thankful na tinanggap talaga ni Inang ang project na ‘to, grabe po yung pasasalamat namin.

Continue reading below ↓

“Siyempre, lahat ng artista, gustong maka-trabaho si Inang and kami, nabigyan kami ng pagkakataon na mas nakilala namin si Inang.

“Kung paano siya sa set and ang dami-rami naming natutunan sa kanya.

“Para kaming nag-take ng panibagong course with Inang sa set.

“Kasi kung ano ang pinag-aralan namin dati, hindi pa yun enough, ang dami pa naming i-improve.

“Yung ganyan and masaya kami na naging open kami kay Inang para sa mga new learnings namin.”




Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo says working with Olivia Lamasan is like going back to school. "Para kaming nag-take ng panibagong course with Inang sa set. Kasi kung ano ang pinag-aralan namin dati, hindi pa yun enough, ang dami pa naming i-improve."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results