Nathalie Hart almost backed out of Siphayo because of frontal nudity

Siphayo star Nathalie Hart locked herself in a bathroom to cry as she asked herself: "Bakit ba ako napasok dito at bakit ko kailangang maghubad?"



Muntik nang mag-back out sa pelikulang Siphayo si Nathalie Hart dahil sa daring scenes niya rito with Luis Alandy.

Ito ang launching movie ni Nathalie sa ilalim ng direksiyon ni Joel Lamangan.

Maselan ang tema ng pelikula dahil magkakaroon si Nathalie ng relasyon sa
tatlong mag-aama na ginampanan nina Allan Paule, Joem Bascon, at Luis.

Showing na ang Siphayo sa October 5, 2016 at kasama rin sa pelikula sina Isabel Lopez at Elora Espano.

Aminado si Nathalie na sobrang kinabahan sa mga maseselang eksena sa pelikula.

“Nang in-accept ko po ang movie na ito, siyempre ay kinabahan po ako. Kasi hindi naman madali iyong ginawa ko. Napakahirap naman talaga yung ginawa ko na magpakita ng skin.

“From the films I’ve done before, it’s always pa-sweet, pa-tweetums. Tapos ngayon ay eto na…

“I mean, it’s not a porn movie, pero super daring po talaga. Kasi, mayroong frontal nudity and may back nudity. Not naman na kita iyong ibaba, of course!

“Sa shooting naman, we always have plaster.

“Pero para sa isang babae na maghububad ka na maraming tao sa paligid, napakahirap po niyon,” saad ni Nathalie sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ng Q&A sa presscon na ginanap sa Max Roces Avenue last Sunday.

Dagdag pa niya, “Iba kasi kapag nandoon ka sa pelikula na nagsu-shoot pa lang kayo at iba yung pinapanood na ito, na na-edit na. Maraming tao sa shooting at makikita nila lahat ang ginagawa mo and ibang usapan na siyempre iyon.

“Hindi ko naman sinasabi na conservative ako, kasi nagsu-swimsuit naman talaga ako kapag nasa beach. Ay naku! Wala akong pakialam, nagsu-swimsuit talaga ako!

“Pero siguro ngayon, mas kumportable na ako sa sarili kong balat. Alam mo iyon?”

May instance ba na halos sumuko ka na at ayaw mo nang gawin ang pelikulang ito?

Pag-amin ni Nathalie, “Gusto ko nang sumuko noong second shooting day namin. Kasi, nai-stress po ako na kailangang ipakita ko ang katawan ko at kailangang hipuin din ang katawan ko.

“Kasi siyempre ay love scene iyon, hindi naman puwedeng hawakan lang iyong kamay ko dahil love scene nga po, e!

“Si Luis Alandy ang ka-eksena ko that time at talagang hindi ko kinaya!

“Hindi lang kulong-CR ang nagawa ko, kundi hagulgol talaga, napa-iyak po ako,” natatawang saad niya.

Patuloy pa ni Nathalie, “Ito iyong tipong napapatanong ako sa sarili ko habang umiiyak na, ‘Bakit ba ako napasok dito at bakit ko kailangang maghubad?’”

Paliwanag pa niya, “Pero maiintindihan naman po siguro ng direktor at ng mga producer na sina Ms. Baby Go at Romeo Lindain kung bakit ganoon. Hindi naman nila siguro ako sasabihan na may attitude ako.

“Kasi ang attitude, di ba, yung may masamang ugali? Siguro emosyon, iyon yung lumabas sa akin, kaya ako napa-iyak at nagkulong sa CR.”

Natauhan lang daw siya nang sabihan ni Direk Joel na, ‘I'm not a porn director.’

“Parang medyo kumalma po ako noong time na iyon. Kasi, alam ko naman po na respetado siyang director and alam ko rin naman po na hindi siya talaga porn director,” nangingiting saad ng aktres.

Dagdag pa niya, “Pero kung babae ka at sinasabi sa iyo na maghubad ka at hindi ka naman talagang [sanay na] naghuhubad… Kasi ang hirap naman talagang ilantad mo ang katawan mo, mahirap ang maghubad.

“But I’m very happy na natapos na po iyong film. Hindi ko pa po napapanood
iyong movie, ayaw nilang ipakita sa akin. Sa October 3 [premiere night] ko na lang daw makikita iyong pelikula.

“Teaser pa lang ang nakita ko. Kaya excited akong makita ang kabuuan nito,” nakangiting pahayag pa ng tisay na aktres.

Pahabol pa niya, “Isa pang masasabi ko, siguro ay hindi ko magagawa ang mga daring na eksena ko rito, kung hindi si Direk Joel ang direktor nito.”

Ano ang reaksiyon mo dahil pinuri siya ni Direk Joel sa acting niya rito?

Sagot ng 24-year-old actress, “Sana nga po ay totoo ang sinasabi niya, I mean, siguro I still don’t have the confidence at the moment. Kasi po ay ‘di ko pa nakikita yung movie.

“Iyong confidence ko siguro ay darating din iyan kapag nakita ko na iyong film.

Kasi po iyong mga nagawa ko dati is always supporting, so, di ko pa naipapakita talaga kung ano ang puwede kong maibigay sa isang pelikula.

“Pero kung sinabi ni Direk Joel na okay ako sa film, siyempre ay nakaka-overwhelm yun talaga. Kasi para sa akin, isa siya sa pinaka-respetadong director at pinapangarap ko talagang makatrabaho si Direk Joel.

“And happy naman po ako, kasi the fact na kasama sa New York film fest itong Siphayo, napakalaking bagay nito. Na ang movie na pinaghirapan namin ay makikita sa ibang bansa, napaka-overwhelming talaga dahil ito rin ang launching movie ko.”

Ang Siphayo ay binigyan ng R-16 rating without cuts ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).







UPCOMING TELESERYE. Naikuwento rin ni Nathalie na magkakaroon siya ng teleserye very soon, ngunit hindi pa niya ito puwedeng banggitin.

Nasabi rin ng aktres na isa sa ultimate dream niya ay ang makatrabaho ang ABS-CBN actor na si Coco Martin.

“Si Coco Martin talaga yung ultimate dream ko na makatrabaho. Kasi kung pag-uusapan iyong husay talaga sa pag-arte, siya na talaga. Para sa akin sa mga lalaki, siya na talaga.

“I mean, maraming mahusay na artista pero for me, siya na talaga ang dream come true na actor kapag nakatrabaho ko. Kikiligin ako talaga kapag nakatrabaho ko si Coco, hindi dahil gusto ko siya or crush ko siya.

“Cute si Coco at guwapo, pero hindi ko sinasabing crush ko siya. Kundi dahil gusto ko lang talaga siyang makatrabaho dahil napakagaling niya talagang artista.

“Kung kunin akong guest sa Ang Probinsyano? E, di bongga!” nakangiting saad pa ni Nathalie.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN