Singer-actor Lance Raymundo does nude scene in "Fidel"


"May partial nudity sa akin, wala lang contact sa rapist ko. Bale implied yungeksena, pero after that, nang iwan ako ng rapist na halos mamamatay na angkatawan ko, siyempre ipinakita kung ano yung aftermath nun. Kaya siyempre,hindi naman puwedeng nakabihis doon, kaya pumayag ako sa eksenang ‘yon dahilkailangan talaga, e," says Lance Raymundo about a scene in Fidel.



Bagong career path ang tinatahak ngayon ni LanceRaymundo. Kung dati ay mas kilala siya bilang singer at nakababatangkapatid ni Rannie Raymundo, very soon ay makikilala na rin siya bilang isangseryosong aktor.



Limang pelikula ang ginagawang sabay-sabay ngayon ni Lance, kabilang dito angMotorcycle ng Cinema One Originals by John Red, with JasonAbalos and Jao Mapa; Desisyon ng StarCinema; Saya na isang period film na isasali sa Cinemanila at Toronto andVancouver Film Festival; Xenoa 2; at ang Fidel na pinagbibidahan niya.



Bukod sa planong isali sa Cannes Film Festival, biggest break ni Lance angFidel, isang indie film na base sa true-to-life story ng isang OFW na inabusong kanyang among Arabo. Kabilang sa highlight ng pelikulang ito ang rapescene kay Lance ng isang Arabo played by burlymodel/actor John Hall.



Sinabi ni Lance na hindi siya nagdalawang-isip sa eksena—sodomy-rape—kahit pa daring ang dating nito at kailangan niyang maging naked at magpakitang butt.



"Noon ay singer pa ako. This year kasi, sinimulan ko yung career sa movies.Actually, lima yung sabay-sabay na ginagawa namin ngayon. Pero yungpinaka-starring ako, yung sa Fidel," panimula ni Lance nang nakapanayam siya ngPEP (Philippine Entertainment Portal) last Friday, August 22, sa National PressClub Celebrity Night sa Intramuros, Manila.



Patuloy niya, "Itong Fidel is yung ilalabas sa Cannes Film Festival. Kasama korito sina Andrea del Rosario, Snooky Serna, Maria Isabel Lopez, John Hall, and manymore. It's an all-star cast, e.

"Ako si Fidel dito, isa siyang overseas contract worker namay nagawang krimen sa country na nagtatrabaho siya sa Middle East, ‘tapos aynalagay siya sa death row. So, it's based on a true-to-life incidenttalaga na ginawa lang mas cinematic. Para siyang lalaking version ni FlorContemplacion na ang setting ay sa isang Arab country."

DARING SCENES. Inamin din ni Lance na napasabak siya sa mga daring at maseselang eksena ritosa Fidel.


"There's one scene na kailangang gawin para mas maipakita yung story. Samovie kasi, he got sodomized by this Arab, e, pero it's done in a way na walanamang naagrabyado sa artista. Iyong Arabo was played by John Hall andpareho kami, both have modeling contracts na may mga clauses. Kasi I representMET Tathione and he represent another brand, so may limitations din. Perowe're abe to compromise para maipakita pa rin ng realistic yungkuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"May partial nudity sa akin, wala lang contact sa rapist ko. Bale implied yungeksena, pero after that, nang iwan ako ng rapist na halos mamamatay na angkatawan ko, siyempre ipinakita kung ano yung aftermath nun. Kaya siyempre,hindi naman puwedeng nakabihis doon, kaya pumayag ako sa eksenang ‘yon dahilkailangan talaga, e.


"So, yeah, masisilip yung butt ko rito, nakadapa ako after the rape scene,e. Part of the job ito and wala naman akong qualms sa mga ganitong eksenadahil napakaimportante nun, e. Kasi if you put yourself in a role ‘taposyun yung nangyari sa ginagampanan mo, lalo't base ito sa true-to-life story, youwon't feel shy.


"‘Tsaka yun yung mindset na nakuha ko sa pamilya ko, dahil mga artista rin angpamilya ko, na talagang you forget who you are. Na hindi ako si Lance, ako siFidel and ito ang nangyari sa kanya kaya kailangan naming ipakita iyon,"mahabang lahad ng singer-actor.

BACKGROUND IN ACTING. Ikinuwento rin ni Lance ang naging acting experience niya.



"Ang pinaka-background ko sa acting is noong ginawa ko ‘yong stage play naRomeo & Juliet where I played Romeo, 2002 ito. ‘Tapos nang ni-reviveito noong 2007, kinuha nila ulit ako. So, parang ito ang pinaka-workshop ko, ‘yonlang. Pero kasi hindi ba ang mommy ko ay artista, so I think all my lifena I'm living with them, parang workshop na rin siguro ‘yon."



Naniniwala siyang pag-arte ang talagang calling niya, pero naimpluwensiyahandaw siya ni Rannie kaya siya naging singer muna.

"Kasi yung tanda ni Kuya sa akin is like tenyears, e, so, sobrang iniidolo ko siya. So minsan, you try to patternyourself sa idol mo kaya I trained myself na maging singer. Luckily naman aynagawa ko rin ang gusto ko, pero bata pa lang ako, nakikita ko na rin na hiligko ang pag-aartista. Pero hindi ko muna ginawa dahil akala ko ay gusto kotalagang maging tulad talaga ni Kuya. Pero yung calling ko talaga, kungnasaan ‘yon ay doon ka rin mapupunta. And itong simula ng 2008 was theyear na talagang natanggap ko sa sarili ko na ito pala talaga ang mundoko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I think ito talaga ang calling ko. Kasi ang pinaka-una kong break was not evenhere in the Philippines. After nang nag-close yung Romeo & Juliet, mayisang TV series sa Singapore na kinuha ako as one of the main cast. Ito yungIncredible Tales sa Channel 5 doon and ito yung equivalent ng either GMA-7 orABS-CBN sa Philippines. It's a TV series, parang anthology na maypagka-fantasy.



"So, after the tapings in Singapore, when I got back here, napasok naman ako saDaisy Siete. After that, nai-offer na nga sa akinitong lead role sa Fidel and yung other four movies, kaya tuluy-tuloyna."



AWARD-WORTHY PERFORMANCE? Sa tingin ba niya ay pang-award ang pelikulang ito?



"I'm hoping, kasi talagang piniga ako ni Direk, e," nakangiting saad niLance. "It's by Direk Sandy Bacolod, siya yung assistant director ng 100na nanalo si Mylene [Dizon], Konsiyerto, at Boses. And ngayon ay full-fledgeddirektor na siya. Pinanood ko ang mga movie na ‘yan at nakita ko kung paanonila idinirek dito si Mylene and 'yon din yung ginawa nila sa akin.



"Although I don't wanna assume, pero I wanna hope dahil siyempre, gusto ko na ‘yongpinaghirapan ko, kasi talagang in-immerse ko ang sarili ko na noong nasa setako, feeling ko nga ay hindi na ako si Lance. Pati ‘yong mga pulis nagumanap doon, mga Arabo talaga, e. So kapag nakakaramdam ako ng pagod athirap, nandoon naman yung satisfaction na worth it ito, dahil ginastusan atpinaghirapan talaga e," pagtatapos ni Lance.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN