Louise delos Reyes open to do kissing scene with Jasmine Curtis-Smith in LGBT-themed film

IMAGE Louise delos Reyes Instagram account

Louise delos Reyes (in photo) and Jasmine Curtis-Smith play lesbians in the Cinema One Originals 2016 entry Baka Bukas Pwede Na.



Mapapanood si Louise delos Reyes bilang isang lesbian sa pelikulang Baka Bukas Pwede Na na entry sa 12th edition ng Cinema One Originals film fest.

Ito ang kauna-unahang project ni Louise sa Cinema One Originals kung saan tungkol sa LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgenders) ang tinatalakay ng pelikula sa direksyon ni Samantha Lee.

Kapareha ni Louise dito si Jasmine Curtis-Smith na gaganap din na lesbian.

Bukas naman kaya si Louise para sa kissing scene with Jasmine kung sakaling kailanganin ito sa istorya?

Tugon niya, “Very open naman, if that is part of my character and story talaga, I’m willing to do it.

“Saka parang dun ko mate-test talaga how far can I go. Abangan na lang nila.

“First time kong magkaroon ng ganitong role sa big screen.

“Although nagkakaroon naman ako ng ganung role sa TV.

“I was paired with Lovi [Poe] before. This time, it’s a different attack.”

Ano ang preparation na ginagawa ni Louise para sa gagampanang role?

“Actually, medyo boyish naman talaga ako.

“Siguro ang pinaka-challenge lang is how will I look at Jasmine as a partner or with love.

“Kasi dapat maramdaman ng mga tao yung tension.”

Nakapanayam si Louise ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang pictorial ng 2016 Cinema One Originals para sa pelikulang Baka Bukas Pwede Na.


CONNECTED. Isang artista na naghahangad ng kasikatan daw ang role ni Louise sa Baka Bukas Pwede Na.

Nagulo raw ang buhay ng karakter nito nang ma-in love ito sa kanyang best friend, at si Jasmine nga iyon.

Kuwento ni Louise, “Actually, 'di pa kami nakakapag-shoot but nag-bonding na kami, story conference.

“Nakakatuwa lang kasi sabi nga ni [Direk] Sam lahat kami, parang it’s weird pero nakakatuwa.

“Parang mayroon akong friend na friend ni Sam, may friend ako na friend din ni Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kahit papaano may connection kami, I’m very excited, actually.”

Hanga rin daw siya kay Jasmine, “Yes, she’s a very good actress.

“And nakikita ko, ang lalim niya sa pag-arte. So I’m very excited kung ano ang magiging rapport naming dalawa sa eksena.”

Lahad pa ni Louise, “Sobrang happy ako kasi this is my first time in Cinema One Originals.

“And it’s good to be back sa paggawa ng indie kasi so far three years ago na yung last indie film ko.”

Ang huling indie film ni Louise ay ang Island Dreams (2013) na kabilang sa New Wave section ng 39th Metro Manila Film Fest.

(To learn more about this year's entries, read: 7 finalists of Cinema One Originals 2016 unveiled)






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN