Is Jasmine Curtis-Smith open to doing first onscreen kiss with a woman?

IMAGE Mark Atienza

Jasmine Curtis-Smith (in photo) is doing more indie films than mainstream movies and she's proud of it. She is open to shooting kissing scene with Louise delos Reyes for Baka Bukas Puwede Na, their 2016 Cinema One Originals entry.



Bida si Jasmine Curtis-Smith at si Louise delos Reyes sa LGBT-themed indie film na Baka Bukas Puwede Na.

Ito ang entry nila sa 2016 Cinema One Originals Film Festival na directed by Samantha Lee.

Masayang pahayag ni Jasmine, "First time na may entry na kasama ako.

"Masaya ako kasi yun talaga ang gusto kong gawin.

"Ikutan sana lahat ng film festival dito sa industriya, gusto ko lang ma-experience.

"Yun talaga ang gusto kong gawin, gumawa ng pelikula."

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na gaganap siyang lesbian.

Kuwento ni Jasmine, "Ako si Alex 'tapos may best friend ako, si Louise.

"Yung story umiikot sa dalawang mag-best friend na na-in love.

"LGBT, oo, it touches on that but, more importantly, it's about a story of two human beings talaga.

"More than anything it's about love."

Bukas naman daw siya sa kissing scene kung sakali, "If it's needed, yes.

"So far in my career I don't think na may naka-kissing scene na ako.

"So this would be a good challenge and experience for me.

"Kasi hindi siya simpleng just a couple na male at female, it would be a good challenge."

"Ang typical first onscreen kiss mo, lalake sa babae.

"Siyempre mabibigla lahat ng tao, pero okay lang kasi mayroon siyang touch na kakaiba.

"Not only for the project but for me na rin."

(To learn more about the entries for the 12th edition of Cinema One, read: 7 finalists of Cinema One Originals 2016 unveiled)


OUT OF THE BOX. Karamihan sa mga pelikulang ginagawa ni Jasmine ay mga indie film.

Bukod sa Baka Bukas Puwede Na ay isa ring indie film ang nakalinyang gawin ni Jasmine.

Ayon sa aktres, iba talaga ang indie film kaysa sa main stream sa maraming aspeto.

"Siguro what I observe mas wiling to collaborate yung mga tao in that industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas may room kang makipag-usap sa boss mo, sa director mo.

"Although sa mainstream naman, slowly ina-adopt nila yung ganung way of working.

"Pero siyempre mayroon pa ring protocol or sinusundan na rules and regulations ang mainstream.

"Sa independent mas carefree, may chance na mas maging free ka.

"Di ka natatakot na kahit na ano ang gawin mo.

"'Tsaka pag masaya ka, masaya ka, out of the box ka talaga.

"At kahit in the box ka, puwede kang tumawid sa labas na di ka nabibigyan ng stigma na ganun ka lang."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN