Nathalie Hart admits she had breast enhancement; tells director, "I don't want to be a porn actress!"

IMAGE Mark Atienza

Nathalie Hart admitted, "I was 32B, now I am 32C." The lead actress of Siphayo had frontal nudity for this indie film that featured her four love scenes with different guys.



Inamin ni Nathalie Hart na noon pa ay sumailalim siya sa breast enhancement procedure sa ibang bansa.

"Yeah, I had it done," sabi ng former StarStruck contestant sa solo presscon niya sa Blue Rockets Cafe, Quezon City noong October 3.

"I had boobs already before but I just added one cup more. I think if you're going to be adding so much, dapat proportional.

"In the past, I was 32B, now I am 32C.

"I just wanted to be enhanced. It's upsized but it's not really so big."

Nang sumali siya sa StarStruck V: The Worldwide Invasion noong 2009, nakilala siya bilang Princess Snell pero noong 2014, ginawang Nathalie Hart ang kanyang screen name.

Para sa kanyang latest movie titled Siphayo, aminado rin si Nathalie na nahirapan siyang gawin ang intimate scenes para sa naturang sexy drama.

Dapat sana ay showing na ngayong October 5 ang Siphayo pero na-move ang playdate sa ibang araw.

(To view photos taken during the premiere night, click: Nathalie Hart talks about double breast exposure)


Ayon kay Nathalie, masasabing erotic ang mga love scenes niya sa dalawang leading men na sina Luis Alandy at Joem Bascon.

“Yung hesitation sa movie, napakahirap kasi if you’re in a private setting, meron kang boyfriend, tatanggalin mo ang top mo, parang okay lang or with your Mom or nasa gym ka, nagpapamasahe kayo, it’s okay, it’s so easy to take off your clothes.

“Pero kapag first time kasi, siyempre, magda-drama ka nung time na yun. And then, who wouldn’t understand my situation, yung lalaki nga, ayaw mong magpahawak tapos, biglang hahawakan ka and you’ll accept it.

“Of course, it’s a movie that’s why it has a different context. Pero siguro, kinakabahan din ako and I’m very nervous at that time.”

Kumportable naman daw siya sa dalawang leading men niya na sina Joem at Luis.

Iba lang daw talaga kapag first time at napaka-visual pa ng eksena ng love scenes nila.

“I’m comfortable with them. Iba kasi kapag kunwari you’re doing a love scene with someone, even though you’re comfortable with them and you like them as a co-worker, it’s a different story kung hahalikan mo na yung lalaki at hahawak-hawakan ang katawan mo.

“The nervous factor on that, parang lalong umaakyat at nate-tense ka.”

Nilinaw naman ni Nathalie na hindi naman daw nag take advantage sa kanya sina Luis at Joem.

“They didn’t take advantage of me. Mahirap din kasi na first time mong gagawa ng ganun, tapos ang director mo ay si Joel Lamangan pa. Si Direk Joel, he’s not very easy--I mean, hindi ka niya kakapain, ikaw ang dapat sumunod sa kanya.

“So, kung first time mo at gagawa ka ng ano, dapat talaga ready na ready ka. E, at that moment in time, hindi ko talaga ko ready.”

Inamin naman ni Nathalie na napagsabihan talaga siya ni Direk Joel.

Kuwento ni Nathalie na bago niya nagawa ang maseselang eksena para sa pelikula, nagkulong siya sa banyo at umiyak.

Aniya, “Tinalakan ako! Pumasok na siya sa room and umiyak na ko. That time, tumawag na ako sa manager ko, kay Tito Leo Dominguez. Sabi ko, Tito, puwede ba kitang makausap for a minute, then pumasok na yung producer namin, pumasok na si Direk.

“Tapos sabi ko, 'Tito, I don’t want to do porn. This is not what I want in life.' E, kasi, sometimes when you’re naive or kinakabahan ka, name-mental block ka na lang, ‘di ba?

“So it was like, when you’re doing a love scene, they will have to touch your boobs. My god, porn na ba ‘to? Tapos sabi niya, hindi naman siya porn talaga.

“Then si Direk, sabi niya, 'I’m not a porn director!' Ako, sabi ko, 'I don’t want to be a porn actress! This is not what I want in life.'

"Tapos si Direk, nakakaloka, sabi niya, 'I’m not a porn director!' This is a proper movie. I did a proper scene and this is a love scene and you have to do it, you read the script!

“Tapos ako, sabi ko, I understand, kaya lang, blah, blah, blah. Nakikita niya, hysterical na ko. Ni-relax naman niya yung self niya and he’s still the Joel Lamangan na nagsasabi ng opinyon niya but he’s kind of relaxed himself.

“Siyempre, yung actor, nagda-drama na, so he needs to understand.”

Nang mag-calm down naman daw siya, ginawa na rin daw niya ang naturang erotic scene ka-eksena si Luis.

Ayon kay Nathalie, “Noong ginawa ko na, wala na, all out na so I won’t do another take.”

Kumusta naman si Luis?

“Wala naman, sabi niya sa akin, you have to relax. Sabi ko sa kanya, 'Don’t talk to me.' Gagawin ko na lang ang eksena. Sabi ko sa kanya, don’t talk to me at the moment kasi, parang kinakabahan talaga ko. Then, ginawa ko na. After that, I’m happy, pero yun kasi, hindi lang yun ang love scenes ko run, there’s other love scenes.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nathalie Hart describes when she did her frontal scene for #Siphayo

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on




OTHER MOVIES. Bukod sa Siphayo, mapapanood rin si Nathalie sa iba pang pelikula: ang Tisay kunsaan leading men niya sina JC de Vera at Joel Torre at ang Balatkayo kung saan co-stars niya sina Aiko Melendez at Polo Ravales.

Tinanong namin si Nathalie, pagkatapos ng mga ginawa niya sa Siphayo na umabot na sa frontal nudity, may ide-daring pa ba siya sa mga susunod na proyekto?

“I don’t know!” saad niya.

“I think this is my boldest, well, I don’t want to say it’s a bold movie because it has a story itself. I think, Direk Joel won’t accept a project if it’s just to show your body.”

Nagkaroon din siya ng mga kissing scene kay Joseph Marco sa My Rebound Girl, may love scene din daw siya kay Polo sa Balatkayo, pero pinaka-daring daw talaga ang ginawa niya sa Siphayo kunsaan may four love scenes siya.

“The thing that I’ve done in the other movies is not the same with this movie. I think, this is the craziest that I’ve accepted,” natawang sabi ng half-British, half-Pinay actress.

Babalik daw sana si Nathalie sa Mumbai, India bago niya ginawa ang Siphayo.

May plano siyang magtayo ng kumpanya para sa online shopping. Gusto rin niyang mag-specialize sa pagde-design ng mga alahas at nag-aral siya sa G.I.A. Jewelry Design.

Ayon dito, “I studied there for jewelry, gusto kong mag-design ng jewelry. I was doing jewelry designing there and everything is so conservative. Yung Mama ko, conservative rin.

“Noong time na yun, I mean, open-minded ako. I’m sexual myself but it’s just that--it’s on a private matter. Hindi ko naman kailangang ilabas kung anuman ang ginagawa ko.”

Sa isang banda, nasa pamilya rin daw nila talaga na mahilig sa arts at design.

“My sister is in ceramics and into arts as well. Lumalaki ako, kasama na rin yun sa ginagawa namin when we’re bored. Nagdu-drawing kami or may ginagawa ako."







ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN