Shaina Magdayao plays revenge-seeking Lily in Cinema One Originals entry

IMAGE From Instagram account of Shaina Magdayao

Shaina Magdayao proud of her Cebuano co-workers in the 2016 Cinema One Originals movie Lily where she plays a mother who wants to exact revenge. 



Bibigyang buhay ni Shaina Magdayao ang isang popular urban legend sa Cebu sa horror-thriller na pelikulang Lily.

Katatapos lang gawin ni Shaina ang naturang pelikula na entry ng director na si Keith Deligero sa 2016 Cinema One Originals Film Fest.

Kwento ni Shaina, “Para siyang suspense/thriller/horror movie. It entitled Lily, it’s an urban legend sa Cebu, mayroon silang sinasabi na isang babae, isa raw siyang witch, isa raw siyang aswang.

“Yung sa childhood ng director namin yun ang kinalakihan niyang story, kung anu-anong klaseng mga tales about Lily but ito nilagyan nila ng sariling flavor kasi ni-humanize nila ng kaunti.

“Nilagyan nila ng back story kung bakit ganun si Lily and then mapapaisip ka kung misunderstood ba talaga siya o isa ba talaga siyang aswang."

Ang leading man ni Shaina ay si Rocky Salumbides na gumaganap bilang Mario.

Magkakaroon ng anak ang dalawa ngunit dahil sa isang trahedya, magkakahiwalay sila. Susundan ni Lily si Mario upang maghiganti sa kanya.

Sabi pa ni Shaina, marami siyang challenges na ginawa habang tinatapos ang Lily lalo’t isang aswang o mangkukulam ang papel na ginagampanan niya dito.

Isa na rito ang pagsasalita ng Bisaya sa halos buong panahon na ginagawa ang pelikula.

Ani Shaina, “What interesting is the whole film is in Bisaya. We shot it in Cebu, so buong team is Bisaya.

“Nakakaintindi naman kasi talaga ako pero I cannot speak.

“During shooting mayroon akong speech coach, siyempre proud Bisaya, Cebu si Daddy.

“Finally I got to do something na mapagmamalaki ko na Cebuana ako.”

Pagdating naman sa istorya nito, sabi ng dalagang aktres, “Medyo heavy kaysa sa mga dati kong ginagawa.

“Ito ang first time na nag-horror ako na susundan mo ang journey ni Lily, kung ano ba ang pinanggagalingan ni Lily, ano ba ang nangyayari sa kanya, yung back story niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mayroon kaming past, present, so medyo mahirap yun when it comes to acting.

“At the same time dumarating yung mine-memorize mo yung sinasabi mo kasi nasanay kasi ako na feelings na lumalabas lang talaga.

“Ito may accent na iniisip so medyo nahirapan ako, pero I make sure na prepared ako going to the set.

“Talagang nire-review ang mga lines ko.”

Bukod sa mga ito, kakaiba rin daw ang karanasan niya rito kumpara sa paggawa niya ng mainstream movie.

“Ang sarap lang ng feeling na may freedom ka kasi like makeup wise, wala talaga akong makeup dito.

“Ang refreshing lang kasi siyempre lagi akong ayos, dito maski powder, lipstick, wala.

“Noong shooting, isang beses lang ako sa isang araw puwedeng mag-brush ng buhok pagkatapos maligo, that’s it.

“Walang blower, air dry lahat tapos hardcore independent film making talagang nagawa din namin dito.”

PROUD CEBUANO. Samantala, proud na proud naman si Shaina sa husay at galing ng mga nakasama niya sa pelikula, kung saan nakita niya at napatunayan talaga ang husay ng mga Cebuano.

“Mayroon kaming prosthetics na sobrang ikinapa-proud ko kasi dito in Manila ito ang kinalakihan ko, mainstream, di ba?

“Sa mainstream mayroon kang 200, 300 na tao, na crew. Doon, we were 20.

“The cameraman is also the audio man also nag-iilaw, sobrang galing.

“'Tapos yung prosthetics ko, direktor din siya, nag-aral siya sa Germany.

“Shino-showcase nito yung talent ng Cebuanos.

“Sabi ko, sana in Manila ganito rin na you can be really productive pala maski maliit lang kayo, maski iilan lang kayo.

“Talagang pinagmamalaki ko, sabi ko nga kay Dad, 'Dad grabe ang mga Cebuanos ang gagaling nila.'

“Nakakatuwa na nakatrabaho ko yung mga ganung klase ng tao.”

Bukod sa pelikulang Lily ay nakalinya rin na gagawin ni Shaina ang isa pang pelikula at isang teleserye.

“Yes mayroon may serye at may movie pero di pa puwedeng sabihin. This year? Yes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After this pictorial we have a meeting for soap naman.”

Sa huli sabi ni Shaina, “Ako lagi akong nagpapasalamat dahil di tayo nawawalan ng trabaho, ng opportunities.

“Nagsimula ang taon na ito ng maganda at magtatapos din siya ng maganda.”



#BTS #LILYtheMovie #CINEMAONEORIGINALS2016 ? this November ????

A photo posted by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao) on





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN