Paolo Ballesteros not bothered by gender issue; will he shoot kissing scene with Dennis Trillo?

IMAGE Noel Orsal

Paolo Ballesteros says his daughter understands why he dresses up as a woman sometimes: "Nakikita niyang nagsusuot ako ng mga wigs, mga sapatos. 'Tapos, napapanood niya sa TV, sa Internet, alam niyang that's for work."



Hindi naman daw nababahala si Paolo Ballesteros na muling mapapag-usapan ang gender issue niya, lalo na't gaganap siya bilang isang true-blue gay sa pelikulang Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? ng Viva Films.

Sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Paolo tungkol dito sa October 7 presscon sa Le Reve Events Place sa Quezon City, simple lang ang sagot niya.

Aniya, "Meron ba?

"Okay lang, pero dahil nga diyan, heto merong movie.

"Na-justify ang pagiging bakla sa movie.

"So, keri lang."

Pero dahil nga sa wala pa naman diretsang pag-amin o pag-deny mula sa kanya, marami pa rin ang naguguluhan tungkol sa totoo niyang pagkatao.

Ano ang take niya rito?

Ayon sa "boyfriend" ni Dennis Trillo sa movie, "Hindi, kasi ano, hindi pa rin ako sure.

"Secret, walang clue. Basta.

"Tingnan niyo na lang, watch-watch na lang.

"Kasi nga, action speaks louder than words."

DAUGHTER'S REACTION. Ano naman ang reaction ng kanyang anak na babaeng si Claire kapag napapanood siya sa telebisyon na nakadamit babae?

Pagsisiguro ni Paolo, "Okay naman siya.

"Well, bata pa naman, but since baby pa siya nasa akin na siya, at nakikita naman niya na nagmi-make up ako, nakikita niyang nagsusuot ako ng mga wigs, mga sapatos.

"'Tapos, napapanood niya sa TV, sa Internet, alam niyang that's for work.

"Even my pamangkins, alam nilang trabaho ko lang yun."

Hindi ba nalilito ang kanyang anak?

Paano kung isang araw ay magtanong ito tungkol sa kasarian niya?

Ano ang magiging sagot niya?

Pakli ng 33-year-old actor-TV host, "E, di sagutin kung magtanong."

Hanggang ngayon naman kasi ay isa pa ring misteryo ito kahit sa publiko.

Saad niya na nakatawa, "Ganun ba?

"Sino ba ang nagtatanong?

"E, ewan ko. Ganun talaga."

VERSATILITY AS ACTOR. Paano nga kaya siya makakawala sa ganung imahe lalo na kapag...

"Gustong kong maging action star?" dugtong ni Paolo na nakatawa pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede rin, maging Tomb Raider.

"Okay lang, kasi meron akong... 'Ah, heto si Paolo, magaling sa ano 'yan...'

"Kumbaga, meron akong isang ganun, pero still, I consider myself as an artist pa rin.

"Like, halimbawa yung pagmi-make up ko, di ba?

"Marami akong nagagayang mukha.

"I mean, ganun din sa personality ko, marami pa akong gustong gawin.

"At saka, bawat role kasi na nakukuha ko, I make sure na parang iniiba ko ang hitsura ko.

"Parang ganun, para maging iba ang dating."

KISSING SCENE WITH DENNIS? Samantala, natanong sa kanya kung meron ba silang kissing scene ni Dennis sa pelikula na magbubukas na sa October 19.

Pabirong sagot ni Paolo, "Direk [Jun Lana], puwede pa."

Seriously, gusto ba niya?

Tugon naman niya, "Yung seryoso, tinatanong pa?

"Oo," sabay baling sa kanyang leading man na katabi lang niya, "Dennis..." na parang naghahamon siya.

Sa parte naman ni Dennis, wala naman daw problema dahil nagawa na niya ito dati.

At kung para raw sa ikagaganda ng kanilang pelikula ay handa rin niyang gawin ito.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN