Anne Curtis enjoys working with GMA-7 talents Dennis Trillo and Paolo Ballesteros

IMAGE Noel Orsal

Anne Curtis on leading man Dennis Trillo: "Napaka-mysterious naman ng taong ito." She co-stars with him and Paolo Ballesteros for the movie Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? 



Si Anne Curtis bilang isang ABS-CBN star ay unang pagkakataon pa lang na nakatrabaho niya ang parehong GMA-7 talents na sina Dennis Trillo at Paolo Ballesteros.

Magkakasama ang tatlo sa VIVA Film's rom-com movie na Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?

Parang natupad nga ang wish ni Anne nang dumating sa kanya ang bagong pelikula na mapapanood na sa mga sinehan sa October 19.

Ayon kay Anne, "Ako, sa kanilang dalawa, yun na nga, si Dennis, finally nagkatrabaho na kami.

"Palagi ko ngang sinasabi sa VIVA when will I get to work with someone different. Si Dennis, palaging on top of the list.

"Nakakatuwa na finally, nabigyan na kami ng tamang movie together. Sobra siyang quiet na tao kaya tina-try ko talaga na chikahin siya ng bonggang-bongga.

"Sabi ko, napaka-mysterious naman ng taong ito. Tapos hayun, nakita ko na makuwento rin naman pala siya. Kaya masaya siyang ka-work."

Si Paolo naman, story conference pa lang daw ng pelikula nila ay alam na niyang makakasundo niya ito.

"Storycon pa lang, alam ko ng makakasundo ko siya ng bonggang-bongga.

"It's a lot of fun working with him. Bigla na lang may pumapasok sa tent, nagtatanong, 'Ano pagkain mo?' So I'm just happy that through this movie, I made new friends."

Ang karakter ni Anne ay palaging na-i-in love sa gwapong boyfriend na gay pala.

"I play the role of Kylie. Ang babaeng isinumpa na palaging nai-in-love sa mga beki.

"Yun na nga, na-in-love na nga siya sa best friend [Paolo Ballesteros] niya who turned out to be a beauty queen. At may mission nga sila to find out kung bakla ba si Diego [Dennis Trillo]. Pero ayaw niya, gusto niyang matigil na ang sumpa ng mga cover girls."

Napa- "Dyusko Day!" si Anne sa tanong kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman niyang ang boyfriend pala niya ay beki o bading.

"Hindi ko talaga alam!" bulalas pa niya.

"Nakakaloka siguro yun, although may mga kakilala ko na nangyari sa kanila. May mga anak na nga, e.

"Masakit daw," saad niya.

Dugtong pa ni Anne, "Ang nangyayari na nga lang daw, nagiging kumare mo na lang yung ex mo in the future.

"But if that happens to me, siguro mahihirapan muna kong tanggapin. Pero kung mahal mo talaga, yun na nga, magiging sister mo na lang siya."

Pero kung pag-uusapan ang mga nakaraan niyang relasyon, wala naman siyang nakitang bading pala?

"Ay grabe," natawang sabi niya.

"Parang wala naman unless meron kayong alam na hindi ko alam. Pero wala, wala..."

Kung sakali, kaya niya kaya na beki ang boyfriend?

"I feel, if the attraction is there and gwapo naman, e 'di, mabait pa, mahal naman ako, wala akong magagawa kung yun ang pipiliin ng puso kong mahalin, 'di ba?

"Wala ka namang magagawa kung yun ang pinili mong mahalin, tapos may mahal pala siyang lalaki, anong magagawa mo? E, 'di, mahalin mo na lang.

"If that happens to me, ganun, okey lang. Basta mabigyan niya pa rin ako ng baby, okay lang," natawa niyang sabi.


KISSING SCENE WITH DENNIS. Nakadalaw ang PEP.ph sa unang araw ng shooting pa lang ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend, nabanggit ni Anne na kakaiba raw ang naging kissing scene nila ni Dennis.

Parang "malaswa?"

"Grabe Direk yung malaswa!" natatawang hirit naman ni Anne.

"Well parang dream sequence ni Kylie, habang kinikiss niya si Diego, parang meron siyang mga ini-imagine so nagmu-moan ako habang kinikiss ko siya.

"So yun ang first shooting day na nakakaloka. Pawis na pawis ako sa eksena. Siyempre first meeting, sobrang init pa! Grabe siya!"

Tingin din daw ni Anne, yun ang isa sa dahilan ni Direk Jun Lana para ma-break ang ice sa pagitan nila ni Dennis.

Aniya, "I think, yun naman yata talaga ang purpose ni Direk."

Tinanong naman namin si Anne kung naniniwala ba siyang sa panahong ito, lahat nga raw ng gwapo may boyfriend.

"Madami," ang mabilis niyang sagot.

"Madami talaga. E, kasi, buong team ko, nakapaligid ako sa ganun, e. Actually, hindi na nga uso ngayon na nakabihis babae na mga bakla.

"Parang hindi mo talaga malalaman na may boyfriend na sila. Ang daming guwapo.

Kaya nga nauso yung sayang ang lahi mo. Pero, it's actually the norm now, ang daming gwapo na may boyfriend. Tapos ang dami ng terms. Fluid, kung ano-ano, ganern, talagang they go both ways.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano 'yang fluid-fluid na 'yan. It's the norm. It's really the norm. It's accepted at ang gugwapo talaga nila, ang galing pang magbihis."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN