Lovi Poe: "Every woman wants to have a love scene with Derek."

IMAGE Noel Orsal



Para kay Lovi Poe, magkaiba ang naramdaman niya habang ginagawa niya ang love scenes sa leading men niya na sina Christopher de Leon at Derek Ramsay para sa The Escort.

Directed by Enzo Williams, ang sexy drama from Regal Entertainment Inc. na ito ay ipapalabas sa mga sinehan simula November 2, 2016.

Pahayag ng tinaguriang "Primera Aktresa" ng GMA-7, "Magkaiba, e. Magkaibang epekto.

"With Derek kasi, with so much love, may scene naman kami ni Sir Boyet [Christopher] na simple lang na eksena, pero sobrang galing ng director namin.

"From being so gentle, 'tapos magiging rough na klaseng tao."

Dugtong pa niya, "I was so happy.

"Let's face it, every woman wants to have a love scene with Derek.

"So I'm glad na I was given the opportunity to work with him.

"But with Christopher de Leon, it's one of the few things na hindi ko ini-expect.

"Parang, of course, isa 'yan sa mga tinitingala kong artista, 'tapos magkakaroon kami ng mga ganitong eksena.

"So nanaka-nerbiyos pero..."

Sa totoong buhay ba, puwede ba siyang ma-in love sa halos kasing-edad na ni Boyet?

Ayon sa Kapuso actress, "Of couse!

"Sa akin kasi, it's not that age doesn't matter, but love chooses any age.

"I think ganun yun."

Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment media sa grand press conference para sa pelikulang ito, na ginanap sa Valencia Events Place, Quezon City kahapon, October 13.

Malaking bagay ba na wala siyang boyfriend ngayon, kaya nakabuwelo siya sa mga eksenang ito na walang iniisip na ibang tao na masasaktan niya?

Ayon sa kanya, "With or without boyfriend naman, I'll still be able to do it.

"At saka, I'm single, so I'm open naman to dating people.

"Sa mga ganun namang eksena, marami kang maiisip kasi ngayon mo lang ito gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sa harap pa ng maraming tao, cameras and everything, pero napakasuwerte ko kasi maalaga si Derek, maalaga naman si Sir Boyet.

"So I'm just very lucky nga."

Talking about her love life, patuloy pa rin ang pagkaka-link sa kanya sa Frenchman na si Chris Johnson.

Nanliligaw na ba ito sa kanya?

Paliwanag ni Lovi, "The thing is, he's not from here, he's far away.

"So minsan, yung effort niya, bumabiyahe talaga siya.

"I don't know [kung nanliligaw nga ito sa kanya].

"I don't believe in courtship kasi.

"Courtship is like putting your best foot forward, 'di ako naniniwala sa ganun."

Saan siya mas naniniwala?

Tugon niya, "I believe in companionship.

"Kasi you get to know the person even more.

"The thing is, okay naman ako sa ganitong set up.

"Yes, we comunicate pero malayo siya sa akin which is good to me kasi, I don't want to get to anything right now.

"Gusto ko talaga, sarili ko muna, trabaho muna."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN