Director claims to know former escorts who joined showbiz

The Escort director Enzo Williams confirms the existence of several former escorts who eventually joined showbiz: "Marami! Ano ka ba, I'm sure kayo ang nakakaalam, hindi ako. Hinuhuli niyo lang ako." This R-rated movie stars (L-R) Derek Ramsay, Lovi Poe, and Christopher de Leon.



Nagkaroon si Direk Enzo Williams ng personal encounter sa isang escort kaya nagawa niya ang isang pelikulang tulad ng The Escort.

“Meron akong kakilala na escort na nakatulong, yes.

“Kilala lang, yes, kilala lang,” ayon pa sa direktor.

Wala raw anumang namagitan sa kanila ng naturang female escort na kakilala niya.

“Kilala lang and actually, meron akong kailangang hanapin for research and stuff, so when they were writing it, I had to talk to somebody for research.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Enzo sa presscon ng The Escort na ginanap noong October 13 sa 38 Valencia Events Place.

Ang pelikulang produced ng Regal Entertainment, Inc. ay pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Lovi Poe, Jean Garcia at Christopher de Leon.

Ipapalabas ito sa mga sinehan sa November 2.

REALISTIC PORTRAYAL. Nakasisiguro naman si Direk Enzo na walang anumang advocacy group para sa mga kababaihan ang magpu-protesta sa pelikula.

“Accuracy lang naman ang pinapakita ko, accuracy lang on what’s going on.

“Hindi ko naman sila pinasama.

“And actually, we’re tackling more on the emotions.

“Kasi ang nangyari kay Lovi parang she’s forced to do it, which is mostly ang rason kung bakit napupunta sa pag-e-escort yung mga babae, e.

“Hindi naman nila minsan pinipili 'yan para lumandi!

“They’re put into a situation that they have to do it, so that’s exactly what happened in the film.”

Isang realidad ang mundo ng mga escorts.

ARE THERE FORMER ESCORTS IN SHOWBIZ? Ang iba nga ay tinatawag silang high-end prostitutes although hindi naman lahat ay lumalampas sa limitasyon at pumapayag sa all-the-way na transaksyon.

“Pag sinabi mong escort, parang iyon yung may presyo na talaga, e.”

Ayon sa bali-balita, ang ibang mga escorts raw ay napupunta sa pag-aartista.

May kilala daw si Direk Enzo na escorts na naging artista.

“Marami!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano ka ba, I’m sure kayo ang nakakaalam, hindi ako.

“Hinuhuli niyo lang ako,” at tumawa si Direk Enzo.

Sa The Escort ay isang escort din ang papel ni Derek na nais nang talikuran ang kanyang trabaho.

Pantay lang ba ang approach niya sa pelikula tungkol sa male and female escorts?

“Actually, yung sa male escorts ako hindi masyadong nag-dwell on dahil parang kasi hindi naman na kailangan i-dwell on dahil tapos na sa pag-e-escort si Derek, e, pero iyon ang past niya.

“So mas nag-dwell on ako sa female part.”

FROM HISTORICAL FILM TO SEXY MOVIE. Bago ang The Escort, ang pelikulang ginawa ni Enzo ay ang Bonifacio (Ang Unang Pangulo).

Hindi naman daw siya nahirapan sa transition na mula sa isang historical film ay isang super-sexy themed movie ang ginawa niya.

“Hindi, hindi naman. Mas madali nga siya e, actually.

“Mahirap gumawa ng historical, because sa accuracy ng mga gamit and everything, the way they talk.

“Sobrang hirap!

“Dito [sa The Escort] normal, as normal as we are talking right now.”

Maraming maseselan at daring scenes sa pelikula sina Lovi at Derek.

Bilang direktor, paano inalagaan ni Direk Enzo si Lovi sa mga eksena?

“Siyempre iyon ang parang isa sa priority, dahil siyempre men are gonna watch this based on, ‘Wow, ang sexy, ang ganda!’ Ganyan.

“So mas double time lang and magaling naman yung team that’s taking care of Lovi.

"And may script din kami, like at the beginning, hindi siya ganung kabongga, but eventually, once na pinasok niya yung escorting, nagkaroon na siya ng transition.”

Paano niya nakumbinsi si Lovi na gawin ang mga napakaseksing mga eksena?

“Hindi pa nga 'yan e, mas marami pa sa loob yan [ng mismong pelikula],” pagtukoy niya sa ilang mga daring scenes na kasama sa trailer.

WORKING WITH JEAN. Si Jean Garcia ay may mga daring love scenes din with Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya napapayag si Jean?

“Well, actually, when they took the part, they knew what they had to do.

“So for me, it’s just polishing what they have to do. It’s not a surprise naman na, ‘O, may love scene ka!’

“No. They know it because it’s in the script.

“Si Jean, it was her first time ever in her career [to do a a love scene], so iyon lang yung kailangang alagaan.”

May pangungumbinsi pa rin daw siyang ginawa kay Jean.

“Well, of course, siyempre like knowing her na ang tagal na niya sa industriya tapos hindi pa siya gumagawa, may part na, ‘Shit, gagawin ko na ba talaga?’

“Yung ganun, so we just had to make her feel comfortable.”

Nag-alinlangan ba si Jean?

“Well, kinabahan lang siyempre.

“Siyempre, it’s her first time, e. That’s why we’d understand.

"Iyon lang ang medyo inalagaan namin more and she knows she have to do it.

“Collaborative naman lahat, e. It not like a force na, ‘No, you have to do this!’

“Whatever’s gonna make her feel comfortable, and then ako yung nag-a-adjust minsan how I can make it more artistic regarding yung capability nung actors.”

Hindi naman daw siya naapektuhan kung makakuha ng Rated R na rating ang pelikula.

“Hindi! Dapat naman talaga rated R.

“Sa akin, I want it to be rated R dahil I didn’t make this for young kids to watch naman, di ba?

“It’s for us [adults].

“Siyempre what do you expect out of this kind of movie, di ba?

“May steamy love scenes, kaso bitin, so…”

WISH LIST. Tinanong naman namin si Direk Enzo kung sino ang artistang pangarap niyang makatrabaho.

“Nora Aunor! Yeah, of course.

“She’s ano, grabe, parang wala pang kapantay yung talent ni Nora, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And of course she’s established Philippine cinema in a way, so I’ll be grateful if I get to work

together.”

Sa lalaki?

“Phillip Salvador. Siya na lang ang hindi because I got to work with Christopher de Leon [sa The Escort], with Tito Eddie Garcia, with Robin Padilla [sa Bonifacio], with Bembol Rocco [isang upcoming indie movie with Gerald Anderson under ABS-CBN].

“So siya na lang, si Phillip.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN