How did Lovi Poe and Derek Ramsay prepare for their steamy love scene?

Lovi Poe shares how she and her The Escort co-star Derek Ramsay prepared for their steamy love scene: "Kami ni Derek, nag-shot kami bago mag-eksena. Namili kami ng song na puwede naming sabayan para may rhythm yung love scene namin."



Kasunod ng pictorial niya sa FHM Philippines ay lumabas naman ang ang trailer ng movie ni Lovi na The Escort under Regal Entertainment.

Ito na raw ang pinaka-daring niyang ginawa sa buong acting career niya.

May steamy love scenes dito sina Lovi at Derek Ramsay, at meron namang rough scenes ang aktres kasama ang veteran award-winning actor na si Christopher de Leon.

Paano kinukundisyon ni Lovi ang sarili kapag gumagawa ng love scenes?

Napangiti muna ito bago sumagot, “Kami ni Derek, nag-shot kami bago mag-eksena.

“Namili kami ng song na puwede naming sabayan para may rhythm yung love scene namin.”

Kuwento pa ni Lovi, “Pag sa mga ganong eksena marami kang maiisip.

“Kasi ngayon mo lang gagawin kasama ang isang tao sa harap ng maraming tao pa, cameras and everything.

“Pero suwerte ako dahil nakapa-gentleman nila.

“Sobrang maalaga si Derek, maalaga rin si Sir Boyet, so I’m just lucky.

“Hindi naman ako nahirapan sa parehas.

“Magkaiba yung attack ng scenes namin with Boyet sa scenes namin ni Derek.

“Isa sa kanila is love and yung isa sa work… parang kinailangang gawin.”

SCANTILY-CLAD. Nailang ba siya sa paghuhubad sa scenes lalo’t maraming taong nakakakita?

Sagot niya, “Of course, pero suwerte rin ako dahil we have to take care of the camera angles.

“Meron din naman akong takip, pero may mga parts na talagang takip na lang ako.

“Basta, enough to cover naman, ayoko na magpakita nang kahit na ano.

“Meron akong skin tone, may something naman ako sa baba at sa taas.”

DIFFERENT LOVE STORY. Kaya pa niyang mahigitan ang kanyang ginawa ngayon?

“I think kaya pa, it’s not about the love scene, e, marami pang kayang gawin.

“Iba itong love story na ito.

“If I’ll be given a different story, kaya pa naman po.”

Nakapanayam si Lovi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang presscon proper ng The Escort na ginanap nitong Huwebes, October 13, sa Valencia Events Place, San Juan City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipapalabas na ang pelikula sa mga sinehan ngayong November 2.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN