Derek Ramsay reveals Ellen Adarna was supposed to be his co-star, not Lovi Poe

Derek Ramsay on having been paired with some of the industry's loveliest actresses: "I consider myself very lucky dahil nakakatrabaho ko ang lahat ng magaganda at mahuhusay na artista. From Juday [Judy Anne Santos], Anne [Curtis], Coleen [Garcia], Bea [Alonzo], Toni [Gonzaga] and now, Lovi [Poe]."


Sa ngayon, posibleng ang isa sa puwedeng kainggitang aktor o leading man ay si Derek Ramsay.

Halos karamihan na yata sa mga sikat na artistang babae ay nakapareha na niya at karamihan din sa mga ito ay may love scenes siya.

Natawa nga si Derek nang biruin naming, “Ikaw na!” pagkatapos ng presscon proper ng bago niyang pelikula sa Regal Films, ang The Escort na ginanap sa Valencia Events Place noong October 13.

“I consider myself very lucky dahil nakakatrabaho ko ang lahat ng magaganda at mahuhusay na artista.

“From Juday [Judy Anne Santos], Anne [Curtis], Coleen [Garcia], Bea [Alonzo], Toni [Gonzaga] and now, Lovi [Poe],” lahad niya.

Akala ni Derek, si Angelica Panganiban, ang ex-girlfriend niya ang tinutukoy naming “Angel” nang tanungin namin kung nakasama na rin niya.

Kaya ang unang naging tugon niya, “Angel? Yes, of course, Angelica Panganiban.”

Angel Locsin?

“Never,” saad niya.

“Dream kong makatrabaho siya.

“Dapat magkakatrabaho na kami ngayon, sa movie niya na Third Party, sa Star Cinema.

“Kaso nagka-problema sa schedule dahil ginagawa ko nga ang movie na ito.”

Ang karakter daw sana ni Sam ang gagampanan niya.

Ayon din kay Derek, “May inu-offer sa akin ngayon ang Star, sexy film din.

“It’s with Maja [Salvador].

“Nakatrabaho ko na rin si Maja, may cameo role kami sa Walang Forever.

MAKING LOVI COMFORTABLE. Sa rami na rin ng kanyang mga naging ka-kissing scene at ka-love scene niya sa pelikula at maging sa telebisyon, naitanong tuloy namin kay Derek kung may challenge pa ba sa kanya sa tuwing may bago siyang gagawin.

“Super! Hindi ka masasanay,” saad niya.

“Each person that you work with is different.

“And you really have to be considerate.

“You have to find out what makes them comfortable, what makes them uncomfortable.

“Sa other ladies, it’s extra effort talaga, but with Lovi, she looks straight into your eyes and she’s listening.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Halatang nakikinig lang talaga siya sa ‘yo.

“At first, dalawang proteksiyon pa siya and hindi talaga maano yung daya, nakikita.

“So I told her, 'Okay ka lang? I guarantee you, you’ll be safe.'

“To the point na halos wala na and she’s comfortable, everything’s okay.

“Talagang I protected her para hindi siya mabosohan.

“Ang hirap kasi kapag umaarte ka na iniisip mo pa yun. Lalabas yun, e.

“I said, 'I guarantee you nothing will happen to you.'”

REALISTIC LOVE SCENE. Kung pagbabasehan ang trailer ng The Escort, masasabing napaka-sexy at passionate ng mga love scenes nila rito ni Lovi.

“Hindi rin naman ako papayag if I feel it’s awkward, kung hindi maganda ang para sa akin or sa katrabaho ko.

“When I read the script, tama sila, si Ellen [Adarna] sana ang una. Never ko pang nakatrabaho si Ellen so I was looking forward.

“And then they said it’s Lovi. I was even more excited na makatrabaho si Lovi.

“I think it’s a good choice na si Lovi ang kinuha nila.”

Mas daring pa raw ang The Escort kumpara sa mga dating pelikulang ginawa niya.

Ayon kay Derek, “The great thing about it, it’s more daring, pero hindi kami nag-lovemaking ni Lovi.

“It was all foreplay, kasi virgin nga siya. Pero grabe yung sexual tension.

“Parang mas naging sexy pa nga. It was actually sexier.

“Si Lovi, walang effort na maging sexy. Not once na, 'Palitan natin ang angle para payat ka or sexy kang tingnan,' yung lighting hindi na pinalitan.

“Every angle, you know, walang daya.

“I’m not saying na yung iba, nandaya. But yung sa kanya, that’s real. What you see in the magazine, ganun talaga.”

FHM COVER. Kinumusta tuloy namin kay Derek kung nakita niya ang FHM cover ngayon ni Lovi kunsaan sobrang sexy nito na may kasamang ahas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, pinakita pa niya sa akin yun,” lahad naman ni Derek.

“That’s how close we became and I was giving her advice about her career, what roles to take.

“Sabi niya sa akin, 'O, I’ll send you the pictures ha and you’ll tell me what you think.'

“Sabi ko, 'Wow! Si Lovi, sobrang palaban.'”

TURNED ON? Sa sobrang kaseksihan ni Lovi at sa sobrang intimate at daring ng love scenes nila, may pagkakataon ba na na-turn on siya rito?

Natawa si Derek at saka sinabing, “Big no-no sa akin ‘yan.

“I cannot allow myself. You shut yourself down. Talagang shut down, hindi siya puwede.”

Pero tao lang din siya, di ba?

“Of course, and she’s a beautiful woman.

“But again, nakakatulong din ang ilaw, maraming nakatingin.

“And with this one, it’s different. The director allowed us to use music so it became more passionate, intimate, romantic and sexy, so it’s kinda harder to switch yourself off.

“But I won’t start the scene as long as alam kong kontrolado ko na. I always say, 'Direk, teka lang. I’ll meditate and internalize first.'”

Never pang nangyari na na-turn on siya sa mga ka-love scenes niya?

“Sa lahat ng nakatrabaho ko, they all have one thing to say and which I appreciate.

“They feel safe and they feel respected, so I’ll continue to do that.”

NO ISSUES WITH NON-SHOWBIZ GF. Wala raw nagiging isyu sa non-showbiz girlfriend ni Derek na si Joanne Villablanca kahit na meron siyang mga intimate scenes sa mga artistang babae.

Hindi niya nararamdamang nagseselos ang girlfriend?

“Supportive pa nga, pinapaano pa nga niya sa mga friends niya. 'Suportahan natin si Derek. Panoorin natin ang movie niya.'”

Magkaibigan din daw ang girlfriend niya at si Lovi.

“They’re friends. I think they we’re high school classmates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So wala, never kaming nagkaroon ng tampuhan or away. Kay Kiray [Celis], wala,” natawang biro ni Derek.

Kahit daw sa dati niyang ex-girlfriend na si Solenn Heussaff ay hindi ito nagselos.

“Wala… dapat yun talagang meron, pero wala, wala talagang selos.”

Naikukuwento na rin naman daw niya sa girlfriend kapag may mga gagawin siyang intimate scenes.

“Yun naman ang ano ko, and if she says na I feel uncomfortable, I have to take it into consideration.

“Pero yun din naman ang kagandahan ng relationship namin, she really accepted.

“Bago siya pumasok sa relationship with me, she took time to really look at... ‘Eto ang mga ginagawa ko.'

“Kailangan kong tanggapin and not later on, sasabihin na hindi ko kaya ang mga ginagawa mo.

“I really make it a point na she has nothing to... well, there’s no real emotion, we’re just pretending.

“We’re in character. There’s a lot of emotion involved but they’re not honest emotion.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN