Director-writer Jun Lana on handsome male stars who have boyfriends: "Wala naman confirmed!"

IMAGE Noel Orsal

Juna Luna on his film Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?!: "[It] is not really a gay film. It happens to have gay characters, pero romantic comedy talaga siya. It's super entertaining, nakakatawa, nakakakilig. Riot ang mga eksena ni Paolo, nakaka-in love sina Anne at Dennis."


Rated PG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! ng Viva Films.

Pero kung ang direktor na si Jun Lana ang tatanungin, papasa na For General Patronage ang bagong movie project niya na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Dennis Trillo, at Paolo Ballesteros.

Pahayag ni Jun sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend is not really a gay film.

“It happens to have gay characters, pero romantic comedy talaga siya.

“It's super entertaining, nakakatawa, nakakakilig.

“Riot ang mga eksena ni Paolo, nakaka-in love sina Anne at Dennis.

“Kung ako ang masusunod, dapat general patronage ang Guwapo.”

Wala raw naging problema si Lana sa shooting ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! dahil professional at mababait ang mga artista niya.

Marami raw siyang nalaman tungkol sa ugali nina Anne, Dennis, at Paolo.

“Na-discover ko na napaka-down-to-earth pala ni Anne.

“Napakagaan na katrabaho at sobrang committed sa role niya.

“She doesn't hesitate to make fun of herself, and that makes her even more endearing and charming.

“Si Dennis, ganun pa rin, tahimik sa set, seryoso sa trabaho, at napakagaling pa rin na aktor.

“Refreshing na makitang nagpapatawa siya.

“Si Paolo, tatlong pelikula ang sabay-sabay niyang ginagawa at meron pang Eat Bulaga, pero never nagreklamo sa set. Napaka-professional.

“Siyempre, given na napakagaling niyang magpatawa.”

Ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! ang unang movie project ni Jun sa Viva Films bilang direktor at umaasa siya na masusundan pa.

Saad niya, “May ilang pelikula na akong isinulat dati para sa Viva. Pero first time ko ito bilang director para sa kanila.

“Nagpapasalamat ako sa tiwala at respetong ibinigay nila sa akin bilang direktor.

“Sana simula ito ng marami pang pelikula na gagawin namin.”

Natawa naman si Jun sa huling tanong ng PEP kung naniniwala ba siyang lahat ng guwapo, may boyfriend, lalo na sa Pinoy actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero tugon niya, “Marami akong naririnig na mga guwapong may boyfriend sa showbiz, pero panay tsismis lang.

“Wala naman confirmed!

“Choice natin kung sino ang mamahalin natin kaya wala namang kaso kung maraming guwapong may boyfriend.”


(To learn more about this movie, click: Dennis Trillo talks about kissing scene with Anne Curtis)



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN