Martin del Rosario calls Ryza Cenon an "underrated actress"

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

Martin del Rosario on his Ang Manananggal sa Unit 23B leading lady: "Napakagaling ni Ryza, napakagaling niyang artista. Siguro medyo underrated siya na artista, pero napakagaling niya."



Si Martin del Rosario ang love interest ni Ryza Cenon sa QCinema 2016 entry na Ang Manananggal sa Unit 23B.

“Ako po dito si Nico, palaban na tao pero maraming frustrations sa buhay dahil lahat ng mga plano niya hindi natutuloy.

“Parang feeling niya napaka-unloved niya na tao, tapos makikilala niya si Jewel, naging kapitbahay niya dun sa unit na apartment, hindi ko alam na mananaggal siya.

“Interesado ako sa kanya, tapos tinutulungan niya akong mag-cope sa mga problema hanggang sa parang ma-fall ako sa kanya.

“Hindi ko alam manananggal siya. So iyon,” kuwento ni Martin del Rosario nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Gateway Mall para sa gala premiere ng Ang Manananggal sa Unit 23B.

Hindi naman daw horror film ang naturang indie movie kundi dark romance.

Bilang entry sa QCinema International Film Festival, pangatlong indie movie na ni Martin ang Ang Manananggal sa Unit 23B.

Una na niyang nagawa ang Dagim at Dagitab.

CHEMISTRY WITH RYZA. Kumusta katrabaho si Ryza?

“Makulit,” at tumawa si Martin.

“Ang kulit-kulit niya.

“Ang bilis naming mag-bond dahil bago ang eksena, pinag-uusapan namin yung characters namin, kung ano yung tingin namin na mararamdaman namin sa bawat eksena.

Pagmamalaki ni Martin, “Napakagaling ni Ryza, napakagaling niyang artista.

“Siguro medyo underrated siya na artista, pero napakagaling niya.”

Unang pagbibida ni Ryza ang Ang Manananggal sa Unit 23B at si Martin ang napiling leading man ng dalaga.

Pag-amin ni Martin, “Nakaka-proud, kasi alam kong napakagaling niya, e.

“So masaya ako na nagkaroon ako ng partner na magaling.”

SUPERNATURAL LOVE? Naisipan naming tanungin si Martin, halimbawang may girlfriend siya at natuklasan niya na manananggal pala ito, ano ang gagawin niya?

Tumawa muna ang GMA-7 actor bago sumagot.

“Hindi… ako, kung mahal ko, tapos hindi naman niya ako sasaktan… huwag niya lang akong papatayin!

“Kung mamamatay ako, huwag na!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya papatayin dahil mahal siya nito pero manananggal nga ang girlfriend niya kaya kumakain ng tao.

“Feeling ko, hindi ko naman siya sisisihin sa…

“Manananggal siya, e, pumapatay talaga siya, nature niya 'yan.

“Basta yung mga mahal ko sa buhay at saka ako, huwag niyang papatayin, huwag niyang gagalawin.”

FASCINATED BY PINOY FOLKLORE. Naniniwala ba si Martin sa manananggal?

“Gusto kong paniwalaan kasi nakaka-amuse yung... parang ang sarap niyang isiping maging totoo.”

“Kasi nakaka-curious kasi sa lahat ng mga monsters dito sa Pilipinas, yung kapre, parang ito, na makakakita ka ng aswang na nahahati sa gitna tapos pag nilagyan mo ba ng asin, mamamatay siya.”

Ang Manananggal sa Unit 23B ay isa sa official entries ng 2016 QCinema International Film Festival na ongoing until October 22 sa Gateway, Robinsons Galleria, Trinoma, at UP Town Center.


(To read review, click: Ryza Cenon gives fitting climax to Ang Manananggal sa Unit 23B)


(To learn more about the QCinema 2016 entries, read: Nora Aunor, Jaclyn Jose among stars featured in 2016 QCinema Film Festival)





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN