Ryza Cenon upon seeing her masturbation scene in movie: "Napapatakip ako ng mata!"

IMAGE Jocelyn Dimaculangan



Role ng kaibigan o supporting role lang supposedly ang ia-audition ni Ryza Cenon sa QCinema 2016 entry na Ang Manananggal sa Unit 23B.

Ang romance movie na ito ay isa sa official entries ng 2016 QCinema International Film Festival na ongoing until October 22 sa Gateway, Robinsons Galleria, Trinoma, at UP Town Center.

Kuwento ni Ryza, “Yung friend lang. Pero nung nandun na ako, sinabihan ako na i-try ko yung lead [role]. Tapos ayun, nagustuhan naman nila.”

Si Ryza nga ang napili bilang ang bida na si Jewel, isang manananggal na magkakaroon ng romantic bond kay Nico (played by Martin del Rosario).

“Masaya! Ipinagdasal ko nga yun kasi po, yung nag-audition ako, hindi ko na tinry basahin yung script nung friend. Ang ipinabasa na lang Jewel tapos pinaalis na ako.”

Ito ang rason kaya hindi na siya nakapag-audition para sa papel ng kaibigan o supporting role na orihinal na plano sana ni Ryza.

Bakit tila in-underestimate niya ang sarili niya at hindi siya nag-aim sa lead role bilang Jewel at ang tinarget niya ay ang supporting role?

“Hindi kasi iyon ang binigay sa akin, e. So iyon lang yung gagawin ko.

“Pero sobrang blessed nga na kinonsider nila ako na i-try yung Jewel. Yung lead.”

Leading man niya sa pelikula si Martin at nagkaroon rin si Ryza ng love scenes kasama si Cholo Barretto.

Nakausap namin si Ryza sa Cibo restaurant sa Gateway Mall sa gala night ng Ang Manananggal sa Unit23B noong Sabado, October 15.

Nanalo bilang Ultimate Female Survivor si Ryza sa StarStruck Season 2. Ang runner-up niya ay si LJ Reyes na umani ng parangal at papuri last year para sa mapangahas na papel nito sa indie film na Anino sa Likod Ng Buwan.

Hindi ba nape-pressure si Ryza na kailangang manalo rin siya ng awards tulad ni LJ?

“Hindi naman, wala namang competition. Wala namang competition, di ba?

“Masaya ako and proud ako na nanalo siya, international tapos ang dami pa dito so mas maganda rin kung makakuha rin ako [ng award] para siyempre yung batch namin, at least di ba?

“Wala namang isyu dun.”

Sa telebisyon naman ay may guest appearance si Ryza sa Alyas Robinhood ng GMA-7.


ON HER SENSITIVE SCENES. Noong Sabado, October 15, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ryza pagkatapos ipalabas ang Ang Manananggal sa Unit 23B.

Tinanong namin siya kung anong pakiramdam habang pinapanood ang sarili habang ginagawa ang masturbation scene na isa sa highlights ng pelikula.

"Napapatakip ako ng mata!" bulalas ni Ryza.

"Nakakaiyak for me kasi alam mo yung pinagdaanan and everything. Ramdam na ramdam mo yung eksena kasi alam mo yung pinagdaanan."

Tatanggap pa ba siya ng sexy at daring scenes in the future?

"Depende sa material. Ayoko kasi matali lang sa sexy.

"Gusto ko mag-explore pa rin ng iba't ibang klaseng characters. Para hindi lang sabihin na ito lang ang kaya kong gawin.

"May iba pa akong kayang gawin na hindi kailangan mag-sexy ako." Kung may TV project na may sexy scenes, papayag ba siya?

"Okay lang kasi hindi rin naman ipapalabas yun," sinabi ni Ryza, sabay tawa.

(To learn more about the QCinema 2016 entries, read: Nora Aunor, Jaclyn Jose among stars featured in 2016 QCinema Film Festival)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN