Dennis Trillo reacts to his skimpy swimming trunks scene; Paolo talks about kissing another guy



Ang kissing scene nina Paolo Ballesteros at Sinon Loresca, ang duet nina Dennis Trillo at Anne Curtis at ang swimming trunks scene ni Dennis ang ilan sa mga eksena sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? na umani ng malakas na hiyawan at palakpakan mula sa audience

Ang rom-com na ito na produced ng Viva Films ay nagkaroon ng red carpet premiere noong October 18 sa SM Megamall.

Si Sinon Loresca ay gumanap bilang Ramon Ramon sa naturang pelikula. Siya ang macho gay actor na nakilala sa kalyeserye ng Eat Bulaga at riot ang mga eksena niya sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?

Ginulat ni Paolo ang manonood dahil napapayag siya na makipaghalikan sa pelikula sa kapwa lalake.

Nang tanungin ng PEP.ph kung paano siya nakumbinsi na gawin ang eksena, ang pangalan ng direktor na si Jun Lana ang isinagot ni Paolo.

“Magaling si Direk Jun. Saka smack lang naman," ang natatawa na sabi ni Paolo na maligayang-maligaya dahil sa mga positive feedback na narinig niya tungkol sa pelikula nila nina Anne at Dennis.

Ano naman ang reaction ni Dennis Trillo na naging viral ang kanyang scene kunsaan nakasuot siya ng sexy swimming trunks?

“Hayaan mo, sila na lang,” ang tila nahihiya naman na sagot ni Dennis sa mga komento na hindi nito nirepost sa kanyang Instagram account ang pinag-uusapan na behind-the-scene video ng pagpayag niya na magsuot ng skimpy trunks sa unang pagkakataon sa isang pelikula.

Mga papuri rin ang natanggap ni Anne Curtis dahil sa pagganap niya bilang Kylie, ang babae na madalas na natatanso dahil mga bakla ang nagiging boyfriend niya.

Ayon sa isang executive ng Viva Films, si Anne ang “next Regine Velasquez" dahil forte noon ng Asia’s Songbird ang pagiging babaeng bakla at paggawa ng romantic comedy films sa bakuran ng nasabing movie company.


(To view pics from the premiere night, click: Anne Curtis kisses boyfriend Erwan Heussaff at premiere; Diana Zubiri spotted at event)


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN