Jaclyn Jose hopes Ma'Rosa will enter Top 5 of the Oscars

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

Jaclyn Jose (right) was recently recognized during the Film Ambassadors' Night. This event was organized by the Film Development Council of the Philippines led by FDCP chairperson Liza Dino (left).



Nagdarasal at umaasa ang Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose na sana ay makapasok sa Top 5 ang pelikula nilang Ma’Rosa sa 89th Academy Awards.

Masaya niyang ibinalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na base sa Oscar prediction site na AwardsCircuit.com, ang drama film nila ay considered among Top 10 films na most likely ay magkaroon ng nomination sa Best Foreign Language Film category. Out of 85 entries, ngayon ay nasa Top 7 na ito.

Pero ayon pa rin sa kanya, marami-rami pa raw deliberation na magaganap.

“Ngayon, nasa seven na tayo. Dalawa na lang, pasok na,” sabi ni Jaclyn.

“Kaya sana sa deliberation, umabot tayo sa Top 5 para makapasok na tayo."

Dagdag biro pa ni Jaclyn, “Kapag nangyari yun, hindi na ko mababawalan ni Perry [Lansigan, talent manager niya] na hindi pumunta.”

Patuloy na kwento ng aktres, “Marami pa kasing deliberation, iba-ibang committee.

“Hopefully, itong committee na may hawak ng foreign language, sana yun na, dire-diretso.

“Pero so far, wala pa kaming nilalabas na pera niyan.”

Mabuti na lamang daw ang naiikot ng kanyang direktor na si Brillante Mendoza ang Ma' Rosa sa iba't ibang international film festivals.

Katulad na lamang sa November 30, maipapalabas ang kanilang pelikula sa France.

Sa kasamaang palad, hindi raw makakadalo si Jaclyn dahil sa mga ginagawa niya rito, katulad ng comedy sitcom na A1 Ko Sa ‘Yo at ang primetime series na Alyas Robin Hood.

Nabanggit din ng manager ni Jaclyn, si Perry Lansigan, na marami raw imbitasyon sa aktres sa iba’t ibang international film festivals sa India, Taiwan, at Switzerland.

Sa Germany ay bilang head of the jury naman daw ang imbitasyon sa kanya.

Pero dahil sa mga commitments niya rito, hindi raw nito matanguan at mapuntahan ang mga imbitasyon.

Katatanggap lang din niya ng recognition sa FDCP (Film Development Council of the Philippines): ang Artistic Excellence Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DESERVING FILM. Tinanong din namin ang aktres kung ano ang masasabi niya na may ilang nagsasabing puwede rin daw sana ang isa pang internationally recognized film, Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz, na maging official entry ng bansa sa Oscars sa halip na ang Ma’Rosa.

Sagot ni Jaclyn, “Yes, pero puwede pa naman sila next year. Kasi, nag-showing sila after ng submission, so puwede pa sila next year.

“At saka, yung Ma’Rosa kasi ang maingay dahil may mga French people tayong nakausap, may mga foreign personalities na gumagawa ng documentary.”

Ang 89th Academy Awards ay nakatakdang gawin sa February 2017 sa Hollywood, Los Angeles.






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN