Zanjoe Marudo thankful to ex-girlfriend Bea Alonzo for supporting his movie

IMAGE Mark Atienza



Nagpahayag ng pasasalamat si Zanjoe Marudo sa ex-girlfriend na si Bea Alonzo sa suportang ipinamalas nito para sa pelikula ng aktor na The Third Party.

Patunay na napanatili nila ang pagiging magkaibigan sa kabila ng naunsyami nilang relasyon.

Kuwento ni Zanjoe, “Yes, nanonood siya and nagandahan siya sa movie.

“Siyempre, isang napakagaling na artista na nagustuhan yung ginawa naming proyekto.

“Isang malaking karangalan yun para sa amin.

“Yung mga best actors natin nagugustuhan yung ginawa nating project.”

Kasama ni Zanjoe sa The Third Party sina Angel Locsin at Sam Milby.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Zanjoe sa nakaraang 10th Annual Star Magic Ball nitong Sabado, October 22, sa Shangri-La Makati.


SOLO FLIGHT. Natanong rin namin si Zanjoe tungkol sa usap-usapan na nasa ospital daw ngayon si Angel.

Dahil daw na-depress ito sa ilang negative reviews ng The Third Party.

Bagay na klinaro naman ni Zanjoe, “May sakit si Angel ngayon, may friend akong naka-confine kaya nalaman ko na may sakit siya.

“Wala naman akong nabasang negative reviews, parang wala pa naman akong nababasang ganun.

“Okay naman siya kasi sa Viber group namin, regular naman siyang nagme-message dun.

“So okay naman siya, nagpapalakas lang siya.”

Solong dumating si Zanjoe sa Star Magic Ball kung saan tinanghal siyang Best Dresssed sa mga kalalakihan at si Liza Soberano naman sa mga kababaihang artista.

Sa interview namin kay Zanjoe sa red carpet ay inamin nito na naninibago siya dahil ngayon uli siya nag-solo sa ganitong event.

Pero ine-enjoy naman daw niya ang pagiging single sa ngayon.

Aniya, “Nakakapanibago na sarili mo lang iniisip mo.

“Love life? Wala pa, enjoy muna.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN