Chris Martinez on comparison to the late Wenn Deramas: "Nag-iisa si Direk... nag-iisa din ako."

IMAGE Glenn Regondola

Direk Chris Martinez on the late Wenn Deramas: "Noong buhay pa siya, he watched my films. He was very supportive. Ang mga artista niya, ganun ka-disciplined… magaling talaga sa comedy. Natalakan na siguro niya ng ilang beses ang mga yun."



Malayo raw sa isip ni Direk Chris Martinez ang sinasabi ng mga katrabaho na siya na raw ang magpapatuloy sa legacy na iniwan ng yumaong si Direk Wenn Deramas.

Lalo't ang karamihan sa cast ng pelikulang Working Beks ng Viva Films na sina John "Sweet" Lapus, Atak, at Joey Paras ay ang mga tinuturing na signature cast ng yumaong direktor.

Pahayag ni Direk Chris, "Hindi naman, magkaiba naman kami, kahit nagpang-abot kami nang buhay pa si Direk.

"Iba talaga ang comedy niya, iba naman ang comedy ko.

"Hayun nga, kasi sinasabi nila na mas masa raw yung kay Direk, yung ganun.

"Admittedly, sinasubukan ko naman talaga na ibaba nang bonggang-bongga [Direk Wenn's kind of comedy].

"Minsan naa-achieve naman, kanya-kanya kasi kami ng sensibilidad.

"I think, it's really part of your sensibility, your personality, whatever you want, yung style, ganun.

"Hindi mo talaga yun maitatago, lalabas at lalabas talaga yun sa pelikulang ginagawa mo.

"Nag-iisa talaga si Direk Wenn, nag-iisa din naman ako...magkaiba kami.

"Kapag gumagawa ako ng mainstream, gusto kong ma-achieve yung makuha ang mas maraming audience.

"So I still try to reach out to the audience pa rin as much as I can."

Nakapanayam si Direk Chris ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment press sa pocket presscon ng pelikulang Working Beks na ginanap sa Viva office noong October 22.


INSPIRATION. Ilan sa maraming pelikulang nagawa ni Direk Chris ang Ang Babae sa Septic Tank; Here Comes The Bride; I Do Bidoo Bidoo (Heto nAPO Sila), at Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme.

Aminado naman siya na naging inspirasyon daw niya ang dating box-office director.

Aniya, "Oo naman, lalo na kapag kailangang i-slapstick o kailangang, 'O, mahulog ka diyan.

"Yung ganun kasi alam mong yun ang bebenta sa tao, e.

"Marami naman akong natutunan kapag nanood ako ng mga pelikula ni direk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi madaling gawin ang mga pelikula ni Direk Wenn.

"Kapag pinanood mo siya, puro kalokohan lang.

"Pero, actually, kina-career niya talaga yung comedy."

Ano naman ang naging reaksiyon ng mga sinasabing signature actors ni Direk Wenn na ngayon ay bahagi na ng mga pelikula niya?

Bukod sa Working Beks, ang ilang artista ni Direk Wenn ay katrabaho rin niya sa movie na Extra-Service na malapit na niyang matapos.

Tugon ng award-winning director, "Siyempre, natutuwa sila.

"May work pa rin sila ngayon kahit wala na si Direk Wenn.

"Sabi ko nga, basta magaling ka talaga, kahit wala na si DirekWenn, kukunin at kukunin kahit ng ibang direktor.

"Sana nga buhay pa si direk, kasi noong buhay pa siya, he watched my films.

"He was very supportive kasi we have common friends like sina Uge [Eugene Domingo], Direk Andoy Ranay.

"Kahit nga premiere night, nandun siya kasi nga may mga artistang common friends namin."

Nagkaroon ba sila ng exchange ideas at criticisms.

Pagtanggi ni Direk Chris, "A, hindi, kasi hindi ganun ka-close.

"Pero I'm very happy na ang mga artista niya, ganun ka-disciplined, mga magaling talaga sa comedy.

"Kapag galing sa kanya, parang nahataw na siguro niya ng ilang beses at nahulma na niya.

"Natalakan na siguro niya ng ilang beses ang mga yun.

"So pagdating sa akin, ang galing-galing na ni Atak, si Joey, ang galing-galing na ni Joey.

"So, yun, thank you."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN