Derek Ramsay got offended when gay friend touched his butt

IMAGE Noel Orsal / From Instagram account of Derek Ramsay

Derek Ramsay reveals that he has been offered trips and cars by those who offered him an indecent proposal.



Dahil ang pelikulang The Escort ay pelikulang tungkol sa bayarang babae (at lalaki), tinanong namin si Derek Ramsay kung nakaranas na siya ng indecent proposal mula sa isang mayamang bading.
Umamin naman si Derek na meron na.

“Yes, marami,” at natawa si Derek, “babae, lalaki, lahat!”

Nao-offend o napa-flatter ba siya kapag may ganun?

“You know for me I don’t take offense to it. I just, siguro I take it na lang as a compliment. At the end of the day, what’s important to me is I take my stand and I don’t get upset with that person, I just say, ‘I hope you respect I’m not that type of guy.’

“And if they respect that e disente rin naman silang kausap na tao, hindi naman sila makikipag-away pa or sasabihin feeling ako, o ganyan.

“I just put it in a respectful way na ‘No, I’m not that kind of guy’, they respect it.”

Ano ang natatandaan niyang bonggang in-offer sa kanya?

“I think a lot of people were intimidated to the fact na yun nga, I come off from a well-off family so they were very… parang they were treading on a very thin line when it comes to how do you ano this guy.

“Di ba?

“Trips, cars, wala namang bahay,” ang mga inalok na raw kay Derek. “But mostly trips, cars, no one directly came out with cash, pero always, ‘Ipagsa-shopping kita!’

“And I’m like, ‘No, it’s okay, kaya ko namang bumili ng sa sarili ko.’"

May pagkakataon ba na na-offend si Derek sa mga “the moves” ng isang bading?

“There was one time na na-offend ako nung hinawakan yung puwet ko.

“And I grabbed him very hard and I said, ‘Don’t you ever do that again if you wanna be my friend!’

“He’s very comfortable with me.”

Kilala raw ni Derek ang naturang nanghipo sa kanya.

Pero matapos raw niya itong komprontahin ay naging magkaibigan sila.

“We became better friends.” 
 
Nakausap namin si Derek (na gaganap bilang Xyrus) sa presscon ng The Escort na pagbibidahan nila nina Lovi Poe (as Yassi) at Christopher de Leon (as Gary).

Produced ng Regal Entertainment, Inc. sa ilalim ng direksyon ni Enzo Williams, ipalalabas ang sexy drama film sa November 2.

Ito ay may R-13 rating without cuts ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sa mga mall show raw ay madalas rin siyang mahipuan.

“Ah yeah! That happens all the time. Kaya lang hindi mo na alam kung sino.”

Dahil nga siksikan naman raw kalimitan sa mga mall shows.  
Sa The Escort ay may linya na, “everyone has a price.’

Si Derek, halimbawang may taong gustung-gusto siya at kung siya ang tatanungin, magkano kaya ang presyo hihilingin niya para makuha siya?

“You can’t buy me! Kahit gaano ka kayaman, you can’t afford it,” at tumawa si Derek.

Hindi raw naniniwala si Derek na lahat ng tao ay may katapat na presyo.

“But it’s sad that a lot of people do. But not everybody, not everybody.” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN