Derek on love scene with Lovi Poe: "Ididikit ko siya sa dibdib ko para 'di siya mabosohan."

IMAGE Noel Orsal


Pagkatapos ng premiere night ng pelikulang The Escort na ginanap sa SM Megamall, halos iisa ang naging opinyon ng mga nakapanood nito at dumalo sa nasabing event.

Parang totoo raw ang mga love scene nina Derek Ramsay at Lovi Poe sa Regal Entertainment movie na ito na directed by Enzo Williams.

Ganun din naman daw ang kina Lovi at Christopher Leon.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lead actors na si Derek at Christopher, inalam namin ang kanyang saloobin ng dalawa tungkol sa impresyon sa kanila.

Ano ang masasabi ni Derek dito?

Ani Derek, "It's the most enjoyable love scenes that I've got in my entire career.

"Kasi, bago namin gawin, pinag-usapan namin.

"So walang vocal cue, walang adjustment ng ilaw na nangyari.

"So parang realistic yong love scene namin na Lovi was very professional na magpatanggal ng bra.

"All I have to do is to protect her, ididikit ko siya sa dibdib ko para 'di siya mabosohan.”






Kuwento pa ni Derek, "Ano kasi siya dahil hindi naman matutuloy ang lovemaking dahil virgin nga dito si Lovi.

"So it's very hard to do a love scene na hindi nagmake love.

"Very attracted lang siguro kami sa isa't isa kaya nagkaroon ng kissing scene, nagkahubaran ng damit, 'tapos pag nandoon na, bigla niya akong bibitinin."






Para kay Derek, isa si Lovi sa pinaka-sexiest ladies in showbiz.

"Kasi, no matter what time of the year, ganun talaga ang katawan niya, e, sobrang sexy.

"Tapos magaling pang umarte, and willing to try new things.

"I'm not saying not just to promote our movie, but I really have to prepare myself which I don't do in my past movies.

"When I knew it was Lovi na makakatrabaho ko, talagang naghanda ako kasi there's not one you can see that woman not in shape.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“ So naghanda talaga ako para matapatan ko yong katawan ni Lovi.

"And I really her find sexy- the sexiest- kasi pareho kami ng kulay, we're both dark-skinned which I find sexy in a woman."







Sa parte naman ni Boyet, marami rin naman silang love scenes ni Lovi, kaya marami ang gustong malaman kung naapektuhan ba siya sa maiinit nilang eksena?

Ayon sa veteran actor, “Hindi, trabaho lang ito.

“Basta, I made it a point na kailangang choreographed ang gagawin ko.

“Sasabihin ko na, ‘I’ll kiss you here ha? Dito, ganyan-ganyan.’

“Unless na yong parang dati na love scenes na mga ginagawa namin nun.

“Yung, ‘let’s just kiss, let’s do it,’ no choreography.”

Nakaka-proud ba sa kanya na mas batang katulad ni Lovi ang kaeksena niya?

Saad ni Boyet, “This is all work for me.

“Actually, may mga bata talagang pumapatol sa age namin, pero it’s no longer shocking anymore.

“Yung sa amin ni Lovi, yung characters namin were pushed in this situation.

“We have to do it.”







Samantala, marami raw naiisip si Lovi nang ginagawa nila yung eksenang yun with Derek at Boyet.

Aniya, “Siyempre, marami ka talagang maiisip lalo na’t maraming mga tao, cameras and everything.

“Pero, sobrang saya ko, kasi maalaga si Sir Boyet, at maalaga rin si Derek.

“I’m just very lucky.”

Kanino ba siya nahirapan sa mga eksenang yun sa dalawa?

Ayon sa Kapuso star, “Hindi naman ako parehong nahirapan sa dalawa.

“It’s just na magkaiba ang atake ni Sir Boyet sa scenes namin ni Derek because isa sa kanila ay with love, at yung isa ay kinailangan lang yun.

“Nailang din naman ako, pero suwerte din ako dahil we have to take care of camera angles.”

Anyway, parehong masaya ang tatlo dahil bukod nga sa ginawaran ito ng rating na R-13, ay approved without cuts ito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW






Isa si Malak So Shdifat sa mga cast members na present sa premiere night ng The Escort.






Nang gabing iyon, nagkaroon ng pakakataon si Joanne Villablanca na makasama ang parents ni Derek.






May kuha rin si Lovi Poe at si Joanne Villablanca







(To read related article, click: How did Derek get Jean Garcia in the right mood for pool love scene in The Escort?)
 



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN