Allen Dizon impressed by Ai-Ai delas Alas's dramatic flair in Area

IMAGE Noel Orsal

Allen Dizon on Ai-Ai delas Alas's superb dramatic acting in Area: "Dramatic actress talaga ang Ai-Ai na makikita mo rito, hindi siya komedyante rito. Iba talaga ang ginawa niya rito. Sa comedy, siyempre gamay na niya iyon, e. Pero hindi ko ine-expect na ganoon siya kagaling sa drama."


Proud si Allen Dizon na mapabilang sa pelikulang Area na tinatampukan nila ni Ai-Ai delas Alas.

Bukod kasi sa nanalo ito ng Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival sa Almaty, Kazakhstan, binigyan din ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang ito ng BG Productions International.

“Sobrang proud ako na naging part ng pelikulang ito at naging part ako ng Team Area, kaya talagang nakakatuwa.

“Actually, ever since, ang CEB naman kapag may mga maseselang eksena, mayroong sex scenes at frontal nudity, bihirang magbigay ng Grade A.

“Pero itong pelikula naming Area ay nakakuha ng Grade A.

“Kaya nakakatuwa, nakaka-proud at siguro ay iba ang nakita ng mga nasa Board ng CEB.

“Bilang part ako ng film, with Direk Louie [Ignacio] at Ms. Ai, plus ng whole cast, siyempre ay maganda para sa amin iyon.

“Na yung kinalabasan ng pelikula namin, yung istorya at yung content, importante yun na naa-appreciate ang ginawa naming movie,” mahabang panimula ni Allen.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Allen sa presscon ng pelikulang Area na ginanap sa Max’s Restaurant sa Roces Avenue, Quezon City last October 26.

Pinamahalaan ni Direk Louie Ignacio, tampok din dito sina Sue Prado, Sancho delas Alas, Sarah Pagcaliwagan, Tabs Sumulong, Ireen Cervantes, at iba pa.

Showing na ang Area sa November 9 at ito ay nabigyan ng MTRCB rating na R-18, approved without cuts.

IMPRESSED BY AI-AI'S ACTING. Ano ang masasabi niya kay Ai-Ai sa pelikulang ito?

Sagot ng aktor, “First time ko siyang nakatrabaho at siyempre ay kilala ko siya talaga as a comedienne.

“Nakasama ko siya noon sa movie with Robin [Padilla], pero it’s a comedy love story movie.

“Dito sa Area, iba talaga siya.

“Dramatic actress talaga ang Ai-Ai na makikita mo rito, hindi siya komedyante rito.

“Iba talaga ang ginawa niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa comedy, siyempre gamay na niya iyon, e.

“Pero hindi ko ine-expect na ganoon siya kagaling sa drama,” seryosong saad ni Allen.

Dagdag pa niya, “Sa tingin ko, makakakuha ng award dito si Ms. Ai, sa local or international filmfest.

“Kasi, ibang performance ang ipinakita niya rito. Kaya sana ay manalo siya ng award.

“Sa pelikulang Area, talagang masasabi ko na si Ms. Ai Ai ay isang aktres talaga.

“Iba talaga ang galing niya rito. Talagang todo-bigay siya rito at wala siyang reklamo sa mga eksena niya.

“Nang napanood ko sa Kazakhstan si Ms. Ai ay napa-iyak ako.

“Kaya nag-expect ako na mananalo siya roon, siya ang pinaboran kong nanalo ng Best Actress doon.”

ON DIREK LOUIE. Inusisa rin ng PEP kung ano ang masasabi ni Allen kay Direk Louie.

Patuloy niya, “Si Direk Louie, bilang direktor ay cool siya, e.

“Professional si Direk Louie… iba yung interpretation niya sa craft niya, iba yung vision niya as a director, e.

“Nakatutok siya talaga sa work niya, concerned siya sa work, at wala kang maririnig na sigawan o mura.

“Para lang kaming naglalaro sa shooting.

“Pero kapag umaarte na, talagang trabaho na at talagang focused si Direk.”

THANKFUL FOR THIS YEAR'S BLESSINGS. Sa mga nangyari kay Allen ngayong taong ito at sa mga ginawa niyang mga projects, masasabi ba niyang satisfied siya?

“Oo naman, satisfied ako.

“Yung mga ginawa kong pelikula at TV appearance, masasabi kong blessings talaga iyon.

“Kaya nagpapasalamat talaga ako, unang-una sa ating Panginoon not only for my career but also for my family, at sa lahat ng tao sa industriya, thankful ako talaga.

“This year ay nagkaroon ako ng EDSA, Lando at Bugoy para sa Cinemalaya, tapos Iadya Mo Kami at itong Area.

“May entry din ako sa Cinema One Originals this year, yung Malinak ‘Ya Labi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos ay nanalo akong Best Actor sa Ireland at Italy [4th Silk Road International Film Festival at 13th Salento International Film Festival].

“So, sobrang thankful talaga ako sa mga blessings na ito,” nakangiting pagtatapos ni Allen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN