What to expect from gay-themed movie starring John Lapus, TJ Trinidad and others

Chris Martinez (leftmost) directs Working Beks, a comedy film about gays played by (L-R) Joey Paras, Prince Stefan, Edgar Allan Guzman, TJ Trinidad and John "Sweet" Lapus.


Ang isa sa mga hamon para kay Direk Chris Martinez sa pelikulang Working Beks ng Viva Films ay kung paano niya mahahatak ang male audience na panoorin ito at pumila sa takilya.

Bukod kasi sa mga machong sina Edgar Allan Guzman at TJ Trinidad, ang mga bida rito ay ang mga kilalang beki sa showbiz na sina John "Sweet" Lapus, Joey Paras, ang kaka-out pa lang na si Prince Stefan, at si komedyanteng si Atak na meron ding partisipasyon sa movie.

Ang Working Beks ay comedy film na magaganap sa isang araw sa buhay nina Gorgeous (John Lapus), Tommy (TJ Trinidad), Champ (Edgar Allan Guzman), Jet (Prince Stefan) at Mandy (Joey Paras).

si Gorgeous ang breadwinner na gagawin niya ang lahat para sa kinabukasan ng kanyang pamilya kahit gaano pa kahirap.

Ang Power Gay na si Tommy ang openly gay at efficient Marketing Director ng isang known beverage and liquor company.

Si Jet, ang sexy guy na nagtatrabaho sa call center company at si Mandy, ang dating bading na nakatakda nang ikasal sa karakter ni Cai Cortez.

Si Champ naman ang closeted artista na may viral scandal.

Ani Direk Chris, "Yun nga, paano ko mahihimok ang mga staight para manood ng pelikula.

"Kas feeling ko naman, ang mga straight, umiikot naman sila sa mundo ng mga beki.

"Ang mga straight, may beki friends, may beki bosses, beki subordinates, beki parentsm beki boyfriends.

"So yun ang challenge, yun ang challenge sa lahat."

Sunud-sunod ang mga gay themed-movies na ipinalabas kamakailan lang katulad ngThat Thing Called Tanga Na, Third Party at Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?

Ano sa palagay niya ang tsansang magugustuhan din ito ng moviegoers?

Ayon kay Direk Chris, "Oo nga, 'tapos huli pa kami.

"Saving the best for last. Hahaha! Sana.

"Pero, nakakatuwa na merong gumagawa nang ganun at mainstream sila, ha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga nauna kasi, rom-com sila, 'di ba?

"Yung Working Beks, it's not like that.

"Meron din siyang romance, meron ding love story, meron ding konting kilig, but hindi siya ang pinaka-point ng kuwento.

"Ang pinaka-point ng limang kuwento is actually, empowerment,. respect, love, love wins, ganun."

Dugtong pa niya, "Heto, it's also about friendship, pero hindi sila magkaka-konek.

"At saka, sa characters, combination siya ng out-gay actors, meron ding straght actors playing gays para iba-iba yung combination.

"So matagal ang casting, mga dalawang buwan ata bago nabuo."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang batikang direktor sa pocket presscon ng Woking Beks na ginanap sa Viva office.

Napapanahon naman daw ang mga isyung ipinapakita niya sa nasabing movie.

Paliwanag niya, "Like for example, yung ano ni Pia Wurtzbach na HIV awareness.

"Tina-touch ito sa movie na ito.

"Meron din siyang tungkol sa discrimination sa work, meron din siyang about having a family.

"Actually, it's about gay rights na very subtle lang naman.

"Hindi naman siya yung parang activist film.

"So it's still a heart-felt-light-comedy drama and entertainment."

Dugtong pa niya, "Hindi siya mabigat, pero most probably, mata-touch kayo.

"Most probably, maantig ang inyong mga puso habang kayo ay tumatawa.

"Yung ganun, paglalaruan ang mga emosyon niyo - nakakatawa, nakakaiyak, nakaka-touch, nakaka-trn on, puwede rin.

"So ganun, iba-iba ito kasi, limang kuwento ito na tumatakbo nang sbay-sabay."

Nabanggit ni Direk Chris na ito talaga ang dream project niya noon pa.

Ibig bang sabihin nito ay hindi na siya gagawa pa ng mga pelikulang ganito rin ang tema?

Pagkontra niya, "Gagawa, marami akong dreams, e.

"Oo naman, pero siguro, hindi muna in the near future.

"Siguro kung may bagong gustong sabihin, o kailagang i-discuss, ipakita, ganun.

"We will rise to the occasion."

Mas madali ba sa kanya na gumawa ng ganitong pelikula na maraming cast at may kanya-kanyang istorya ang bawat karakter?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "Ewan ko ba, kumportable talaga ako sa ganito.

"Kumportable ako sa ensemble, multi-character..

"Yun nga, when I was still writing Bridal Shower,Bikini Open, Here Comes The Bride, Temptation Island, and even Extra-Service na ginagawa namin ngayon, parang sanay ako dun.

"Sanay ako sa maraming characters na umaandar, gumagalaw, ganun.

"Parang mas fun.

"Even as a director, if you're dealing with several characters all at the same time,mas nai-excite ako, mas challenging din."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN