Mang Kepweng Returns director defends Kim Domingo from intrigues

IMAGE From Instagram account of GB Sampedro

Direk GB Sampedro (left) defends GMA-7 actress Kim Domingo from intrigues and affirms long friendship with Vhong Navarro, the lead actor of his film Mang Kepweng Returns.



Dinepensa ni Direk GB Sampedro si Kim Domingo sa bali-balita na pasaway at may attitude problem daw ang GMA-7 actress.

Leading lady si Kim ni Vhong Navarro sa Mang Kepweng Returns, ang pelikula sa ilalim ng direksyon ni Direk GB.

Ito ay isa sa mga pelikula na na-submit sa organizers bilang possible entry sa Metro Manila Film Festival 2016.

(Read: Unofficial list: 25 films aiming to be MMFF 2016 entries)

Lahad ni Direk GB tungkol kay Kim, “Okay naman… maganda, sexy, ‘di mo aakalain mabilis kumuha ng instructions.

“Mahusay, actually yung rapport nila ni Vhong, mabilis na naging okay sila.

“Wala, wala naman naging problema kasi kung nagkaroon ako ng ganung problema ‘di kami agad natapos.

“Very tight ang schedule namin, pag may isang artista na nag-inarte siguro ‘di kami matatapos.”

Masayang nagkuwento pa ang direktor na maaga nga raw nilang na-submit ang pelikula ayon sa bagong ruling ng pamunuan ng MMFF.

Sa November 2 pa ang deadline ng MMFF para mapabilang ang mga pelikulang pagpipilian maging official entries sa film festival ngayong taon.

“Actually tapos na yung pelikula, nag-submit na kami, umabot siya sa deadline.

“Mas maaga pa sa deadline, ang target talaga noon, ang unang deadline was [October] 31, nag-move sila ng [November] 2.

“Nung 31 pa lang ang deadline, tinitingnan ko na 28 para makapagbaskasyon.

“Awa ng Diyos, nakaabot ng [October] 28.

“Wala pang announcement, sa November pa ang announcement, kumbaga submission lang.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk GB sa pocket presscon ng Mang Kepweng nung Biyernes, October 28, sa Cafe Via Mare sa Quezon City.


NEW RULING. Marami sa mga taga-industriya ang hindi aprubado sa bagong ruling ng pamunuan ng MMFF.

Pero para kay Direk GB, may advantage daw ito, “Maganda rin kasi sa committee na makita nila yung finished product.

“Kasi minsan nagbabago din kapag script lang ang nakita mo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Di lahat ng nakita at nabasa mo sa script, yun na ang lumalabas sa pelikula.

“Kumbaga yung script foundation lang yun ng pelikula, pagdating sa shooting ang daming nababago.

“Ang daming changes, kumbaga umiikot pa uli yung pelikula.

“Hindi lahat ng nabasa mo yun yun, ‘di lahat ng nandun mangyayari.

“Pag naramdaman ng direktor, ‘Ah, kailangan ng eksenang ito, dadagdagan natin.’

“‘Di ko na kailangan ito, tanggalin natin, palitan na.’”

Aminado rin si Direk GB na malaking tulong talaga sa isang pelikula pag napasok ito bilang isa sa entry sa MMFF.

“Siyempre, yun naman talaga ang goal namin… nakikita ko yung bigness ng ano.

“Ang laking promotion ng Metro Manila Film Fest ’tapos ito yung time na exclusive na PInoy movies lang ang pinapalabas.

“Malaking festival talaga siya.”

Sa pagggawa naman ng pelikulang Mang Kepweng, ‘di tinago ng direktor ang pressure at kaba dahil sa tagumpay ng unang Mang Kepweng na pinasikat noon ni Chiquito.

Siniguro din ni Direk GB na hindi ito remake ng naturang pelikula.

“Actually excited na nakakakaba, siyempre yung expectations lalo na nung mga nakaabot ng Mang Kepweng.

“Kung gaano nila noon tinangkilik si Mang Kepweng, ine-expect nila na ganun din kasaya, ganun din kaganda yung pelikula.

“And then masarap din kasing i-introduce sa mga millennials ngayon na di inabot ang Mang Kepweng, part na ng history ng pelikulang Pilipino ‘yan.”

“Itong Mang Kepweng na ginawa namin, di siya Chiquito role, dito anak siya ni Mang Kepweng.

“It’s a take-off galing dun sa Mang Kepweng na original, take-off siya, ‘di siya remake ng Mang Kepweng.”

WORK RELATIONSHIP. Si Vhong ang gaganap bilang anak ni Mang Kepweng at bida sa nasabing pelikula.

Pagbibida ni Direk GB, “Mayroon kaming mga pinag-usapan na pangalan pero nung dumating yung pangalan ni Vhong sa usapan… kinontak siya agad.

“Parang first choice nga, meeting pa lang… lumabas yung pangalan ni Vhong.

“Si Vhong, mahaba na ang pinagsamahan namin niyan, dekada na kaming magkaibigan, ABS pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, nagkakilala kami ni Vhong nang ‘di pa kami nagtatrabaho, magkapitbahay lang kami ng studio.

“Nung time na nagho-Home Boy ako, nagwa-What’s Up siya.

“Dun ako nakikikape sa studio nila sa ABS, dun kami naging close niyan way back, siguro mga 2006 or 2007.”

Dahil nga matagal na silang magkaibigan ng komedyante, naging mahirap at madali raw para sa kanya na idirek ang TV host-comedian.

“Kumbaga madali akong mag-open up sa kanya na, ‘Oy ito ang gusto ko, puwede bang ganito tayo.’

“Madali pero mahirap kasi kailangan kong alalayan yung pagkakaibigan namin na ihiwalay dun sa trabaho.

“Minsan kailangan mong maging istrikto ng kaunti, ang hirap naman kasi kaibigan mo.

“MInsan kasi ang hirap naming ihiwalay yung pagiging magkaibigan namin.

“Pag lumabas yung pagiging magkaibigan namin sa proseso ng pelikula baka wala kaming matapos kasi magtatawanan lang kami niyan.”


Preview #mangkepwengreturns @vhongx44 @juanchotrivino @therealkimdomingo

A photo posted by gbsampedro (@gbsampedro) on






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN