Dingdong's hearing was affected when he got slapped by Angelica Panganiban

IMAGE Mark Atienza

Dingdong Dantes takes slapping scenes seriously. "Klarong-klaro na lang na malinaw yung hugot ng character sa sobrang lakas ng impact. Nagiging authentic yung mga eksena at kaming mga actors, naa-appreciate namin."



Nag-sorry nang todo-todo kay Dingdong Dantes si Angelica Panganiban dahil napalakas talaga ang sampal ng ABS-CBN actress para sa pelikula nilang Unmarried Wife.

Tila yung mga hugot daw ni Angelica ay naibuhos niya kay Dingdong.

(Read: Angelica Panganiban thought of an ex-boyfriend who hurt her when she slapped Dingdong Dantes)


Sa isang banda, ilang beses na rin namang nasampal ang GMA-7 Primetime King ng ilang aktres.

Isa nga yata sa pinakamatindi ay ang sunod-sunod na pagsampal sa kanya noon ni Maricel Soriano sa teleserye nilang Ang Dalawang Mrs. Real.

Para kay Dingdong, ipinagpapasalamat niya ang mga ganuong eksena.

Aniya, ??Klarong-klaro na lang na malinaw yung hugot ng character sa sobrang lakas ng impact.

??Nagiging authentic yung mga eksena at kaming mga actors, naa-appreciate namin.

??Sakto lang.??

Pabirong dugtong pa niya, ??Minsan ko lang maranasan na hindi makarinig.

??Minsan lang yun. Bakit hindi??? natawang biro ni Dingdong.

Si Angelica ba ang isa sa pinakamalakas na sumampal sa kanya onscreen?

??Passionate!?? natawang lahad niya.

Pangalawang tambalan na nina Dingdong at Angelica ang Unmarried Wife kunsaan kasama rin nila si Paulo Avelino.

Ayon kay Dingdong, ??mas physically daring?? kaysa dito ang unang pelikula nila na One More Try.

??Ito kasi, talagang nag-focus sa relationship drama, pinaka-seryosong pelikula ko ??to na nagawa.

??Wala siyang halong sexy, well, kung meron man, hindi siya mamamayagpag.??

Directed by Maryo J. Delos Reyes, ang Star Cinema movie na The Unmarried Wife ay ipapalabas sa mga sinehan simula November 16, 2016.


FLAWED CHARACTERS. Relatable raw ang kuwento nito sa mga masasabing umibig na.

Saad ni Dante, ??Ang common denominator namin sa lahat ng characters, lahat siguro kami rito ay umibig na sa totoong buhay.

??Lahat kami na-involved na sa isang relationship and in a different dimension, meron ding pamilya.

??With that, tamang-tama and enough na yun para makapag-immerse kami mismo sa character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??At siguro ang isa sa mahalaga rin dun, lahat kami in a relationship, e, nagkamali rin kami.

??So yun ang mahalaga sa dalawang bagay na dapat meron talaga in a character.

??Hindi na kailangang maging eksakto ka sa mga character na ginagampanan.

??Kasi flawed yung mga characters namin.

??Ang mahalaga ay kung paano kami nagkaroon ng resolusyon.??




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN