Paolo Ballesteros recalls working on Die Beautiful movie while suspended from Eat Bulaga

IMAGE From Instagram account of Paolo Ballesteros

Paolo Ballesteros cried upon winning Best Actor at the Tokyo International Film Festival: "Noong sa backstage kami at sinasabi na yung awardee, yung description ng Best Actor, umiiyak na ako sa likod. Kasi, parang ang weird lang ng pag-applaud sa 'yo, tapos sa international pa. Tapos, naka-gown pa! Yun lang, ang ganda ng feeling."



One-way entry visa lang ang binigay kay Paolo Ballesteros nang um-attend siya ng red-carpet screening ng pelikula niyang Die Beautiful sa Tokyo International Film Festival (TIFF).

Kaya hindi raw niya inakalang makakabalik siya sa awards night, kunsaan siya ang nagwaging Best Actor.

Si Paolo ang kauna-unahang Filipino na nanalong ng Best Actor sa Tokyo IFF.

Wala rin daw idea ang direktor na si Jun Lana at ang producer na si Perci Intalan na ang TIFF committee ang nag-ayos muli ng visa at pagbabalik ni Paolo sa Japan.

Kaya gulat na gulat si Direk Jun, na siyang tatanggap sana ng tropeyo ni Paolo, nang biglang lumabas ang Eat Bulaga host mula sa backstage na naka-long gown at naka-Julia Roberts look.

Sa ginanap na welcome presscon ni Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo para sa team Die Beautiful, sa Valencia Events Place kagabi, November 7, inilahad ni Paolo ang mga pangyayari kaugnay ng pagdalo niya sa awards night ng TIFF.

“Actually kasi, noong pinabalik nila ako dun, hindi alam nila Direk Jun.

“Akala ko konting parade lang kaya I said yes.

“Kasi siyempre, puwedeng promotion na for the movie.

“Tapos dumating ako dun, mga 1 A.M., sa hotel.

“Tapos tinatanong sa akin nung assistant kung nasabi ko na ba sa kanila [Die Beautiful team]. Sabi ko, no.

“Sabi kasi, huwag sabihin. Sabi ko, ‘What’s up, what’s happening?’

“Tapos sinabi sa akin, ‘Because you won Best Actor!’

“So, sabi ko, ‘Bakit sinabi mo sa akin?’ Para maramdaman ko sa stage, di ba?” natatawa niyang kuwento.

Patuloy ni Paolo, “Noong tinatawag, siyempre gusto ko rin manalo pero hindi ako nag-expect.

“Siyempre hindi ako nag-expect. Mahirap naman yung ma-hopia ka.

“Noong sa backstage kami at sinasabi na yung awardee, yung description ng Best Actor, umiiyak na ako sa likod.

“Kasi, parang ang weird lang ng pag-applaud sa ‘yo, tapos sa international pa. Tapos, naka-gown pa!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang, ang ganda ng feeling.”

EMOTIONAL PAOLO. Ayon kay Direk Jun, napaluha raw si Paolo nang mapanood niya ang pelikula sa ginanap na screening sa Japan. Bakit?

Paliwanag ng actor-TV host, “E, kasi nga, first time kong mapanood yung film.

“Parang yung pagod mo… tapos, very emotional ako and nakakaiyak talaga yung movie.

“Tugtog pa lang, nakakaiyak na.

“Si Direk Jun, naririnig ko, lunok nang lunok. ‘Ay, pinipigilan lang nito!’” natawa niyang sabi.

Dugtong pa ni Paolo, “At saka, nakakaiyak din. They have nothing but good words.

“Tapos yung pag-receive nila sa amin, very warm din.

“Iba lang sa pakiramdam yung naa-appreciate yung ginawa mo.”

Kaya ngayon daw ay mas lalo pang nai-inspire si Paolo sa pagtatrabaho niya.

Feeling artista raw talaga ang naramdaman ni Paolo sa Tokyo International Film Festival.

Kuwento niya, “Kahit saan kayo pumunta, palaging may nakasunod sa ‘yo na dalawang Hapon na assistant na ituturo kung saan kayo pupunta.

“Siyempre sa red carpet, puro mga artista yung kasama niyo, mga taga-ibang bansa.

“Siyempre, hindi ko naman kilala, pero siguro sila yung mga sikat sa bansa nila.

“Tapos yung paglalakaran mo, may mga mag-a-assist, naka-gloves pa.

“Sa backstage, walang nagkakagulo. Very organized lahat.”

CHOOSY. Aminado naman si Paolo na kahit hindi pa man siya nananalo ng international acting award ay choosy na siya sa pagtanggap ng mga role.

Aniya, “Choosy naman talaga ako, ayoko nung parang ginawa lang.

“Siyempre, yung pinaghihirapan.”

Habang ginagawa niya ang Die Beautiful, naramdaman ba niyang mananalo siya ng acting award?

Ayon kay Paolo, “Ano lang, it’s a different feeling, kasi hindi siya yung comedy na…

“Well, may mga drama at ako yung lead.

“So, I mean, dadalhin ko yung buong pelikula.

“Hindi ko naman in-expect na mananalo.

“Kung ma-recognize, why not? Pero never expected na mananalo.”

May pressure sa kanya yung pagkapanalo niya ng award?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t feel any pressure right now!” natatawang biro niya.

“Siguro, in a way, kasi dito sa movie na ito, sabi nga nila, si Direk Jun, e, isang actor’s director.

“Lahat ng mga idinirek niya, Best Actor, Best Actress.

“So, paano na lang kung hindi si Direk Jun sa mga next na mga projects, di ba?

“But, yung effort ko nga na ibinibigay is the same, 101 percent.

“Pero iba rin kasi yung tulong ni Direk Jun, so we’ll see.”

DAUGHTER KEIRA. Nakita rin namin ang ipinost ni Paolo na video greeting ng kanyang anak na si Keira.

(To watch the video message of his daughter, click: Paolo Ballesteros gets special message from the lady whom he dedicated his Best Actor award)
 

“Siyempre nakaka-touch kasi full support din ang bagets,” nakangiti niyang sabi."

Hindi ba nagugulat ang anak niya sa pag-aanyong babae, pagga-gown, at pagme-make-up niya?

Sabi ni Paolo, “Hindi na, yung mga heels ko, ginagamit niya sa bahay. Pati mga wigs, ganyan.”

Sa ngayon ay nasa Chicago, Illinois daw si Keira, na magwa-walong taon gulang na.

Baka raw ngayong Pasko ay makauwi raw sa Pilipinas ang anak.

Nagawa niya ang Die Beautiful noong panahong na-suspend siya sa Eat Bulaga.

Masasabi ba niyang blessing in disguise pala ang nangyari sa kanya?

“Next question please, charot!” natawang hirit niya.

“Hindi naman blessing in disguise. Lahat naman right timing lang.

“Siyempre, hindi ko naman gusto na ma-suspend or magbakasyon sa Bulaga.

“Hindi rin naman nila gustong pagbakasyunin ako. Nagkataon lang, nagkasala-sala.

“Tama, right timing lang, tamang panahon.”










WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN