Director Jun Lana recalls emotional moment of Paolo Ballesteros in Tokyo Film Fest



Ikinuwento ng Die Beautiful director na si Jun Lana na inilihim sa kanila ng programmer ng 29th Tokyo International Film Festival na nanalo ng Best Actor award si Paolo Ballesteros.

Naging problema kay Jun at sa Die Beautiful producer na si Perci Intalan ang single entry visa na ibinigay kay Paolo ng Japanese embassy. Ito ay dahil nang dumalo sila sa red carpet opening ng Tokyo IFF ay narinig nila na malakas ang laban ng TV host/comedian sa Best Actor category.

“Nung naririnig-rinig na namin na malakas siya, baka manalo siya, ang problema namin, kasi kailangan na niya na bumalik dito [sa Pilipinas], may trabaho siya, paano siya makakabalik kapag nanalo siya?

“So actually, si Perci, kinausap pa nga yung programmer, ‘His visa is only single entry, just in case he wins, what’s going to happen?’

“Sabi niya [TIFF programmer] ‘Yes, yes, okay. We’ll take that into consideration.’

“After that, wala na kaming narinig so sabi ko, ay siguro talo kasi yung kay Eugene [Domingo, 26th Tokyo IFF  Best Actress for Barbers Tales], sinabihan kami pero at the same time, si Eugene, may multiple visa sa Japan.

“Ito talaga [kay Paolo], single entry. Yun pala, gusto nila kaming sorpresahin. Ang sweet nila, mahal na mahal talaga nila yung movie."

Nagbalik-tanaw rin si Direk Jun sa mga pangyayari bago ang awarding ceremony na ginanap sa Japan noong November 3.

“November 1 nila nalaman na nanalo si Paolo, November 2, pinakuha na nila
yung passport ni Paolo. May contact sila, isa sa mga kasama namin na sinabihan nila pero huwag raw sabihin sa amin.

“That day, November 2, kinuha ang passport ni Paolo nang tanghali and then by 2 pm, may visa na si Paolo kasi pupunta pa siya ng airport.

“Nung paakyat na ako sa stage [para kunin ang award ni Paolo], nagdadalawang-isip na ako, bakit siya nanalo, hindi sinabi sa amin?

“Naguguluhan ako. Tapos may drama pa, [sinabi nila] 'To receive the award is the director.' Tinawag pa ako.

“Nung papunta na ako [sa stage], anong sasabihin ko, wala dito si Paolo? Nakakatuwa kasi, finally nung ni-reveal na nandoon na si Paolo, nasa backstage pala siya.

“Nung lumabas siya, umiiyak siya, narinig niya yung citation sa kanya and then na-touch din ako na umiiyak siya, napaiyak na rin ako, may drama kami sa stage.

“Tuwang-tuwa talaga ako, hindi ko talaga alam ang sasabihin, buti nandoon siya."

Bukod sa Best Actor trophy nanalo rin ang Die Beautiful ng Audience Award sa 2016 Tokyo International Film Festival.

Narito ang video ni Direk Jun Lana nang tanggapin niya ang Audience Award:


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW









WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN