Paulo Avelino reveals what Angelica did to make their love scene more comfortable

IMAGE Ricky Calderon (left frame) / Mark Atienza

Paulo Avelino, who co-stars with Angelica Panganiban in The Unmarried Wife, admits, "When I am doing love scenes, ilang lagi ako."



Humarap si Paulo Avelino sa bloggers' conference noong November 7 para sa drama film na The Unmarried Wife kunsaan kasama niya sina Angelica Panganiban at Dingdong Dantes.  

Ang Star Cinema movie na ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Maryo J. Delos Reyes.

Ito ang debut film ni Paulo sa Star Cinema, na kakatwa dahil first time pa lang niya gumawa ng pelikula sa film production arm ng ABS-CBN.

"Since Regal baby ako, sila ang nagtawid sa akin dito. First time ko to do a drama but it is also my first time to do a movie with Angelica and Dingdong. Pero I have worked with Dingdong before in a teleserye,” kuwento ng Kapamilya actor.

Ano ang nagustuhan ni Paulo sa karakter niya sa The Unmarried Wife?
 
“Very frank si Bryan. Hindi natin masasabi na words of wisdom ang mga salitang binibitiwan niya pero may sense naman. Marami rin akong unforgettable lines. Hindi hugot lines pero tatatak.”

Nang tanungin si Paulo tungkol sa kanyang love scene sa drama film na ito, sinabi niya na malaking tulong na si Angelica ang partner niya dito.

“Sa love scene? How I made Angelica comfortable in the scene? Mahina ako sa ganyan. Si Angelica cracks jokes. Minsan out of nowhere nagpapatawa siya. Siya rin siguro yun nagbi-break ng barrier o ng ice sa amin,” sagot niya.
 
Pero nailang ba siya?

“When I am doing love scenes, ilang lagi ako, e. Hindi ko alam kung paano ba gagawin na hindi mababastos ang babae or your partner sa film.

"How to make your co-actor sa scene comfortable? Kung magpapadala ka naman sa feelings ng character mo na baka you might go into the line na hindi mo pwede ma-cross. I always ask my co-actor if they are comfortable doing it. I want to make her feel comfortable na hindi siya mababastos.”

Ikalawang beses niya na makakatrabaho si Direk Maryo J. Delos Reyes. The first was for a teleserye when Paulo was still with GMA-7.

“Actually mas na-enjoy ako siya working sa movie with Direk Maryo. Sa teleserye kasi maraming scenes na kailangan tapusin. Under time pressure kami. Sa movie we only do 5 to 6 sequences a day. Mas may time to talk about the character.

“Masaya siya katrabaho kasi inaarte niya rin ang eksena. Sasabihin niya. ‘O Paulo, ganito ang gagawin mo. Inaarte niya kung ano ang gusto niya na gawin namin sa eksena.”

Kumusta naman ang working experience niya with Angelica? Mayroon ba silang memorable moments that he can share?

“Almost all of my scenes were with Angelina. One of my most memorable moment with her, usually at night, pag nag-change location kami, siyempre it takes time to set up or mount the shots.

"What Angelica and I would do is go out and have coffee on the set. Yun ang isang bonding namin. Lumalabas kami ng tent at nagkakape lang kami. Medyo minsan may awkward din na times na hindi kami nag-uusap. Cellphone lang siya. Ang tagal. Minsan, ayun, nagsi-share kami ng coffee sa isang mug.”

Ang The Unmarried Wife ay isang mature love story na naglalayong magbigay ng kakaibang pananaw o atake sa pakikipag-relasyon.

“The movie will attempt to answer the question kung ayaw mo na sa isang relasyon that you are in, hindi ka na ba pwedeng magmahal ulit? On the legal side, paano ka naman magmamahal sa isang tao kung kasal ka pa rin,” pahayag ni Paulo.

As for his character Bryan in the movie, ang gusto lang naman daw niya ay pasayahin si Anne (played by Angelica).

“He also wants to be loved. He fell in love with Anne although medyo complicated ang situation ni Anne. There is this pleading side of him saying na please love me. Parang nagmamakaawa si Bryan na mahal kita, di mo ba ako pwede mahalin?”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN