LOOK: Artists to be honored at Walk of Fame Philippines this 2016

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza (John / Shaina / Angelica)

The artists who will be honored in the Walk of Fame Philippines this 2016 are Liza Soberano, John Arcilla, Jennylyn Mercado, and Angelica Panganiban for the Movie category as well as Jodi Sta. Maria, Shaina Magdayao, and Barbie Forteza for the Television category.



Mula nang sumakabilang-buhay noong January 2016 ang kanyang ama na si German Moreno, si Federico Moreno na ang nagpatuloy ng mga proyekto ng Master Showman tulad ng Walk of Fame Philippines sa Eastwood Libis.

Bilang bagong pangulo ng Walk of Fame Philippines, si Federico ang naglabas ng opisyal na listahan ng mga personalidad na pagkakalooban ng bituin sa Walk of Fame Philippines at magaganap ito sa Eastwood Libis sa December 1, 5 pm.

Hinati sa anim na kategorya, Movies, Television, News and Public Affairs, Radio, Music at Theater ang mga pararangalan sa Walk of Fame.

Sa kategorya ng pelikula, inductees sina Liza Soberano, John Arcilla, Jennylyn Mercado, at Angelica Panganiban.

Sina Jodi Sta. Maria, Shaina Magdayao at Barbie Forteza ang bibigyan ng bituin sa kategorya ng Telebisyon. 

Sina Ted Failon, Luchi Cruz-Valdes at Susan Enriquez ang kikilanin para sa News and Public Affairs, sina Eddie Ilarde at Manolo Favis sa radyo, si Zenaida Amador sa teatro at sa kategorya ng musika sina Pepe Smith at Willy Cruz.

Sina Jackie Lou Blanco at John Nite ang mga host ng programa sa Walk of Fame induction sa December 1, 2016.

Kasama sana ang talent manager at former television host na si Lolit Solis sa mga bibigyan ng parangal pero tumanggi siya. Sinabi ni Lolit na hindi siya karapat-dapat na mabigyan ng sariling bituin sa Walk of Fame Philippines.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN