JC de Vera describes love scene with Nathalie Hart as "yung ginagawa ng mga ordinaryong tao."

IMAGE Noel Orsal



Pagkatapos manalo ng kanyang unang Best Actor trophy, si JC de Vera ay may bagong pelikula sa isa pang film fest: ang 2016 Cinema One Originals.

“Sana hindi last, ‘no?” natatawang sagot ni JC de Vera nang banggitin namin ang first Best Actor trophy na nakuha niya mula sa 2016 QCinema Film Fest.

Nanalo siya para sa pelikulang Best.Partee.Ever. kunsaan gumanap siya bilang isang gay socialite na nakulong dahil sa pagbebenta ng party drugs.
 
Magkasabay nga raw niyang ginagawa noon ang Best.Partee.Ever. at ang pelikulang Tisay na mapapanood hanggang November 22, 2016. Gaganapin ang screenings nito sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills, at Cinematheque sa Kalaw, Manila.
 
Sa Tisay, ang character ni JC ay isang basketball player na mapapasok sa mundo ng game-fixing dahil sa character na ginampanan ni Nathalie Hart.

Tinanong namin ang aktor kung nakikita niyang mananalo uli siya ng acting award dahil sa Tisay. 

“Hindi, e," pag-amin ni JC nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Max’s Restaurant noong November 9.

"Dahil sabay ko ngang ginagawa ang dalawang movie, ang objective ko na lang nun, matapos.  Iidlip lang ako, ibang movie na naman ang gagawin ko.
 
“Wala na sigurong time para mag-isip sa gabi na ano kaya ang kahihinatnan ng ginagawa ko. Okay naman, naging successful naman.”
 
Labing-tatlong taon siya sa showbiz bago siya nakakuha ng Best Actor trophy.  Regalo sa magulang niya ang turing ni JC dito.
 
“Naging sobrang happy ako kasi, meron akong regalo sa mga magulang ko. ‘Di ba, sinacrifice ko ang gift nila sa akin which is education. Yun ang ultimate dream nila sa akin, kailangan mong makapagtapos, maka-graduate kayo ng college. Pero, hindi ko sinunod yung dream nila for me.
 
“So at least now, meron akong maibibigay sa kanila kapalit ng medal o diploma.”
 
Sa Tisay, isang basketball player ang karakter na ginagampanan ni JC. Pero ibang mundo ng basketball ang ipapakita nila rito ng leading lady na si Nathalie Hart.
 
Umaasa rin ba si JC sa posibilidad na maging Best Actor rin sa Cinema One?
 
“Hindi ko iniisip, pero kung meron man dapat manalo, sana yung film. Maganda yung pagkakagawa ni Direk Borgy [Torres] dito. Known siya, e.  Known siya para sa mga pelikula niya. Nanalo na rin siya ng Best Director.
 
“Tapos, ang kinagandahan nito, first time niyang magsulat ng movie. Siya ang nagdirek, siya pa ang nag-edit. So kung ano ang na-visualize niya talaga, nagawa niyang lahat dito.”
 
Bukod sa Banana Sundae, nagsimula na rin si JC sa bagong teleserye, ang The Better Half kunsaan, makakasama niya sina Shaina Magdayao, Carlo Aquino at Denise Laurel.
 
Nabanggit namin kay JC na sa nakalipas na interview ni Nathalie, inamin niya na sa lahat ng naka-love scene niya, pinaka-kumportable raw siya kay JC.
 
Ano ang reaction ni JC dito?
 
“Siguro kasi nakita ko na ang kaluluwa niya. Sino ba ang hindi magiging close after nun, ‘di ba,” natawang sagot niya.
 
Dugtong pa niya, “Very professional din siya. Yun lang din naman ang hinahanap ko sa mga ka-trabaho ko.  Gawin mo kung ano yung kailangan mong gawin, gagawin ko kung ano ang kailangan kong gawin.
 
“So nag-meet naman kami halfway, na-portray niya kung ano ang kailangan niyang gawin. Happy naman ako to work with her.”
 
Gaano ba ka-daring ang love scene nila?
 
“Katulad ng palagi kong sinasabi, katulad ng ginagawa ng mga normal na tao. I mean, both characters, wala naman yung mahilig sa sex. So yung ginagawa naming love scene dito, yung ginagawa ng mga ordinaryong tao.
 
“Plus yung character [ni Nathalie] kasi, yun ang binebenta niya sa mga kliyente niya.”
 
Bukod sa kanilang dalawa ni JC, kasama rin nila sa pelikula si Joel Torre, ang uncle ng Tisay director na si Borgy Torre.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN