Lea Salonga's gay brother stars in indie film "Thank You Girls"

by Ruel J. Mendoza
Aug 30, 2008
Jeff "Gie" Salonga is the half-brother of internationally renowned musicians Lea and Gerard Salonga. Gie is one of the stars in the indie film Thank You Girls.

Nakakatuwang kausap ang half-brother nina Lea and Gerard Salonga na si Jeff Salonga, o mas kilala ngayon as Gie Salonga.

Isa sa mga bida ng indie film na Thank You Girls si Gie at first time daw niyang ma-interview ng entertainment press. Kapatid sa ama nina Lea at Gerard na si Feliciano Salonga itong si Gie.

Hindi naman daw lihim sa magkapatid na Lea at Gerard na may kapatid sila sa labas. Mga bata pa raw sila nina Lea at Gerard ay parati na raw silang nagkikita tuwing special occasions.

"Okey naman kami nina Lea at Gerard. Lalo na noong mga bata kami, parati kaming magkakasama noon. Hindi ba si Lea, endorser siya ng Gift Gate? Parati niya akong binibigyan ng laruang Lego noon. Gusto ko nga sana Hello Kitty pero siyempre, para kay Lea ‘yon!" sabay tawa ni Gie.

"Hanggang sa lumaki na kami, may communication kami parati. Alam nila na may indie film akong ginawa at sinusuportahan nila ako. Hindi naman ako lumayo sa kanila at alam naman nilang bading ako. Five years old pa lang ako, ganito na ang pagkatao ko. I'm 34 years old now and I'm proud to be gay."

Continue reading below ↓

Close din ba siya sa ina nina Lea at Gerard na si Ligaya Salonga?

"Okey naman kami ni Tita Bebe. Formal naman kaming dalawa sa isa't isa. Ang maganda naman kay Tita is hindi niya nilayo sina Lea at Gerald sa akin. Kinilala niya akong kapatid noong dalawa. Kaya para sa akin, malaking bagay na iyon."

Nakatapos ng high school si Gie sa Ateneo de Manila University at nakatapos siya ng Fine Arts course sa University of the Philippines. Naging member din si Gie ng Samaskom kaya nahasa itong mag-perform sa entablado.

"Nag-work ako for one year sa U.S. Sa isang advertising agency doon. Sinubukan ko lang naman ang buhay doon. Pero after a year, bumalik ako rito. Mas okey dito magtrabaho kasi malapit ang pamilya mo."

Pinag-audition si Gie para sa role na Allyson sa Thank You Girls na tungkol sa magkakaibigang mga bading na sasali sa isang gay beauty pageant sa Davao City. Sa kanilang mahabang paglalakbay sa isang pampasaherong jeepney ay mas makikilala nila ang bawat isa.

Continue reading below ↓

Regular performer kasi si Gie sa mga comedy bars na Zirkoh at Klownz kaya bumagay sa kanya ang ibinigay sa kanyang role sa Thank You Girls. Kahit paano ay nagamit daw niya ang pagiging showgirl niya sa naturang indie film.

"Puro mga taga-Davao ang mga kinuha nilang artista for the indie film. Ako kasi pinag-audition nila for a role. Nagustuhan ako ng director namin na si Charliebebs Gohetia. Pinag-aral pa nila akong magsalita ng Bisaya kasi most of the dialogues are in Bisaya.

"I had fun kasi masasayang magkakasama ang mga bading. ‘Tapos marami pa akong natutunan tungkol sa mga co-stars ko. Sana nga tangkilikin itong movie namin. Kapag sinabi kasing gay film, iniisip agad ng iba ay puro sex lang. Itong Thank You Girls, katatawanan ito pero may halong drama na makaka-relate ang kahit hindi bading."

Ngayon nga ay may mga invitations na sa ilang international film festivals ang Thank You Girls. Sa September 24 naman ang local theater run nito sa Robinson's Galleria. Ang mga co-stars ni Gie sa Thank You Girls ay sila Ed Pantujan, July Jimenez, Kim Vergara, Kit Poliquit at Pidot Villocino.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Lea Salonga, Gerard Salonga
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeff "Gie" Salonga is the half-brother of internationally renowned musicians Lea and Gerard Salonga. Gie is one of the stars in the indie film Thank You Girls.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results