Prince Stefan on love scene with guy: "Lahat ginawa ko, dinilaan ko ang dibdib niya."



Isa sa pinakapaboritong eksena ni Prince Stefan sa pelikulang Working Beks ng Viva Films ay ang love scene niya sa newbie actor na si Andres Vasquez.

Kinunan ito sa comfort room sa opisina ng Viva Studio sa Quezon City.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kaka-out lang na si Prince ay inamin nito na nadala siya sa nasabing eksena.

Pabirong sabi ni ng openly gay actor, "Sana itinuloy na lang namin.

"Mabilis lang yun.

"Lahat ginawa ko, dinilaan ko ang dibdib niya…lahat.

"Yung sa rehearsal, ako yong kinakabahan, ako ‘yong dinidirek niya.

"Pero nung sinapian na ako ng masamang ehemplo....

"One take lang yon, pero tuluy-tuloy.

"Walang take two."

Tinukso siya ng mga press people upang ikuwento kung ano ang nangyari sa kanila pagkatapos ng nasabing eksena.

Diin ni Prince, "Wala namang nangyari.

"Professional...trabaho lang.

"Nadala  ako."


ON EJAY FALCON. Dahil dito, napag-usapan kung sino sa mga artistang lalaki ang kinikilig siya nang husto.

Tugon ng Starstruck alumnus, "Si Ejay [Falcon], kapag inaakbayan niya ako, kinikilig ako.

"Kapag tinuturaan niya ako [sa work out], kinikilig ako.

"'Tapos inaamoy-amoy ko siya kapag nakatalikod siya."

May tsismis na well-endowed si Ejay. Ano ang masasabi niya rito?

Obserbasyon ni Prince, "Mukha, kasi kapag nagbubuhat siya, daks [big] talaga."



SIMILARITY WITH REAL LIFE. Sa tingin ni Prince ay perfect timing sa pag-out niya ang pelikulang Working Beks na ipapalabas na ngayong  November 23.

Sabi ng 27-year-old actor, "Parang tailor-made.

"Parang plano talagang ibigay sa akin.

"Oo, nag-audition ako for this role.

"'Tapos parang sumakto rin talaga."

Hindi nga raw nalalayo sa kanya ang role niya bilang isang call center agent.

Ani Prince, "Ako si Jed, isang call center agent na kapag gabi, laging gumigimik.

"So parang natural ito sa akin.

"So DJ [disc jockey] siya ka 'pag gabi, promoter siya ng club, so lagi siyang nandun kasama ang friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun umiinom, nag-O-bar, yung usual kong ginagawa.

"So parang hindi ko na siya inarte."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN