Karl Medina replaces Ping; Allan Paule replaces Baron Geisler in Bubog indie film

IMAGE Noel Orsal




Compared sa kanyang mga kapatid na sina Ping Medina at Alex Vincent Medina, medyo late na pumasok sa acting genre si Karl Medina. Konti pa lang nagawa niyang pelikula na karamihan ay short films at indie projects. Ngayon naman ay sinusubukan din niyang mag-dabble sa teatro.

"Gusto ko kasi i-explore ang acting craft ko," sabi ni Karl nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng film fest entry na Kabisera na pinagbibidahan ni Ms. Nora Aunor.

Dahil sa nangyari sa kapatid niya, napalitan na sa Ping sa proyekto at si Karl ang pumalit dito. Si Allan Paule naman ang pumalit sa karakter ni Baron.

Hiningi ng media ang reaction ni Karl sa nangyaring issue kay Ping at sa kontrobersiyal na actor na si Baron Geisler sa set ng indie film na Bubog. Inihian ni Baron si Ping habang nakatali siya para sa eksena.

Ani Karl, "Siyempre to be honest, yung unang reaction ko nung mabasa ko ang post ng kapatid ko sa Facebook nagalit ako talaga. Bakit mo naman gagawin iyon? Maling-mali iyon," bungad niya.

"Rehearsed at pinag-usapan kung ano ang dapat na gawin sa eksena. Sa akin, violation of trust ang ginawa ni Baron. Violation of trust sa production, sa trust ng co-actors mo, sa honesty.

"Natural reaction na magalit ka. Totoo iyon. Blood is thicker than water. Pare-pareho kaming magkakapatid--si Alex, si Richard yung isa pa namin kapatid. Lahat kami nakaramdam ng galit pero kailangan din naman mag-fold up kasi hindi namin issue ito. Ang ibinibigay lang namin ay support kay Ping, all the way. Kung anuman ang piliin niya na mangyari, kung anuman ang maging desisyon niya, suportahan namin siya."

Itutuloy ba ni Ping ang kaso?

"So far hindi ko pa alam pero kung anuman yung mapagdesisyunan niya [Ping], nandoon kami sa likod niya. Suportahan namin siya," pahayag pa ni Karl na siyang pumalit sa role ni Ping sa Bubog. Samantalang si Allan Paule naman ang pumalit sa role ni Baron sa movie.

Nag-one day shoot na siya last Sunday (December 4) at may shoot pa siya this week.

Kung sakaling makita mo si Baron, anong gagawin mo?

"Ahh, hindi ko masabi," napatawang  wika ni Karl. "Pero as much as possible ayokong makisali kasi issue nila iyon ni Ping. Kung anuman ang gulong pinasok ni Baron ang opinion ko, kailangan siya ang mag-ayos nun. Siyempre ako I will hold back. Magtitimpi ako. Hindi ko issue yun pero siyempre ibang usapan iyon kung sa akin nangyari."

Naglabas na ng statement ang PAMI (Professional Artist Managers, Inc.) na hindi sila papayag na makatrabaho ng kanilang mga artista si Baron sa anumang project in the future. Pabor ba siya sa move na i-ban si Baron? Ano ang comment niya?

"It is a tricky question. Medyo tricky and sensitive subject dahil mayroon din naman nai-contribute si Baron sa industry. Nire-recognize ko rin yung talent niya. Pero as a person, kailangan ayusin niya kung anuman yung pinaggagawa niya.

"If he needs to seek medical help, I suggest, for whatever he does so. Ayusin niya ang sarili niya and then make amends. Kasi sa akin kung itutuloy-tuloy lang niyang ganyan, he will only endanger himself and the people around him."

Ano ang gagawin ni Ping sa ngayon?

"Sa ngayon gusto ko muna na maka-recover si Ping sa fracture sa kanyang kamay. Saka ayoko rin sana muna masyado pag-usapan ang tungkol dito. Saka na lang pag gusto na niya magsalita o magkwento. Hintayin ko na lang. Ayoko yung ako pa ang pilit na magsasalita para sa kanya," pahayag pa ni Karl.

How is Ping?

"Okay naman si Ping. Better na naman pero yun may recovery kasi may fracture yung kamay niya. Hindi ako ako sure kung paano yun makakaapekto sa career niya, sa mga susunod na projects niya. Pero sana hindi siya masyadong mahirapan sa mga gagawin niya."
 
Is he going to lie low sa career?

"I don’t think so. Knowing Ping itutuloy niya iyan. Hangga't kaya niya itutuloy niya."

Nang tanungin siya about Bubog, sinabi ni Karl na government asset daw ang role niya pero hanggang doon lang daw ang pwede niyang sabihin.

May binago ba sa karakter niya sa Bubog?

"As is yung script. May binago lang sa atake. Yung setting binago. Yung kay Allan Paule same character pero different na rin yung atake. Gumagawa ka naman ng role depende sa personality mo, sa experiences mo, kung ano ang maibibigay mo sa role at kung ano ang skills mo. Sa tingin ko magkaiba rin naman kami nang ibinibigay ni Ping sa role, lalo na si Ping na matagal na sa industry, e, ako nagsisimula pa lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN