Marlo on Janella: "Yung nadevelop naming closeness together, I think hindi naman magbabago."

IMAGE Andreena Elinon

Janella Salvador on Marlo Mortel: "Even if nagkahiwalay kami as a love team, we would still communicate with each other and nagkakamustahan kami."



Hindi inakala ni Marlo Mortel na makakasama siya sa isa sa mga sequel ng Mano Po na noon ay napapanood lang niya.

Aniya, “Hindi talaga, unang-una, hindi naman ako Chinese at saka, malaking pelikula ‘to.”

Masayang-masaya si Marlo na isa siya sa napiling i-cast ni Mother Lily Monteverde para sa Mano Po 7 Chinoy.

Lahad niya, “Sobrang saya dahil si Mother Lily, may tiwala sa akin na feeling ko, hindi nakikita ng iba.

“I’m very thankful and grateful na binibigyan niya ko ng opportunity rito sa Regal.

“Nami-miss ko na rin ang acting sa totoo lang, after Haunted Mansion, wala.

“Pero may work din naman ako every day… masaya naman ako as a host, singer, ganyan.

“Naipapakita ko rin naman I’m versatile, I hope na sana dumating na rin yung time ko.”

Sa kabilang banda, taliwas sa inaasahan ng marami, hindi nakasama ang Mano Po 7 Chinoy sa Metro Manila Film Festival.

Nalungkot daw si Marlo nang malamang hindi nakasali ang pelikula nila.

Saad niya, “Inassume na namin, kapag ina-announce namin, sinasabi na naming entry ito for MMFF.

“Balita sa news, e, at saka confident kami sa material.

“Kaya nagulat kami na hindi nakapasok, pero okay lang.

“For sure naman, magagaling talaga ang mga pelikulang nakapasok.”

Halos ganito rin ang pakiramdam ng love team partner ni Marlo na si Janella Salvador.

Pag-amin ni Janella, “Ah, siyempre nung una nalungkot kaming lahat.

“But I realized na it’s doesn’t...it’s not really a big deal kasi as long as you make a beautiful film and you gave your best and all of us, we gave our best talaga.

“Hopefully, people will watch it kasi it’s really nice and it’s worth watching.”

Directed by Ian Lorenos and produced by Regal Films, ang Mano Po 7: Chinoy ay ipapalabas na ngayong December 14.


MARNELLA REUNION. Nagkasama na noon sina Marlo at Janella sa Be Careful With My Heart at dahil dito, nakilala sila bilang Marnella tandem.

Sa blog con ng Mano Po 7 kamakailan, natanong ang dalawa kung ano ba ang kaibahan ng mga karakter nila Be Careful With My Heart at sa Mano Po 7?

Sabi ni Janella tungkol sa karakter niya sa ABS-CBN teleserye na umere ng two years, “Ako, actually, si Nikki to na nabawasan lang ng kaartehan. Hindi, joke lang.

"Siguro I can say na more mature kasi magko-college na siya. E, sa Be Careful, si Nikki, high school pa lang siya, freshman.

“Ito naman [sa Mano Po 7], freshman siya sa college and she has a deeper problem kasi, in her heart, gusto niya talaga kumanta. Mahilig siya sa music, pero pinilit siya mag-Cello so may struggle din siya sa dad niya and all.

"Pero yun nga, mas deep si Caroline, mas mature.”

Marlo added, “Si Nicolo [sa BCWMH] siyempre sobrang makulit. Pero dito, medyo hindi siya ganun kakulit pero may lihim pa din na pagtingin kay Caroline, parang sa Be Careful dahil crush ko din si Nikki.

"Dito, may something rin ako para sa kanya so yun din po.

“Mas matured na tayo dito kasi nga college na din.”

Paano nagbago ang kanilang relasyon sa isa't isa in real life?

Sagot ni Janella, “Actually walang nagbago, same pa rin kami towards each other."

May binulong si Marlo sa kanyang leading lady at nagpatuloy si Janella, “Ako daw nagbago? Hindi, same pa rin kami. Close pa rin kami sa isa’t-isa and even if nagkahiwalay kami as a love team, we would still communicate with each other and nagkakamustahan kami, so same pa rin.”

Kuwento naman ni Marlo, “Wala naman masyado nagbago. Ang nagbago lang nagkaroon kami ng pahinga, na hindi magkasama, kasi tuloy tuloy kami dati, e. From Be Careful, diretso kami agad ng Oh My G! then Haunted Mansion so ang nagbago lang is di namin nakikita masyado ang isa’t-isa. Pero yung trato namin sa isa’t-isa, sobrang friends pa rin talaga.

"Yung nadevelop naming closeness together, through the years, I think hindi naman magbabago.”




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN