Highlights and sidelights of "For The First Time" premiere


Richard Gutierrez and KC Concepcion were overwhelmed by the tremendous success of the premiere night of their first movie together, For The First Time from Star Cinema.



Ilang araw nang ipinapalabas sa mga sinehan ang pelikulanina Richard Gutierrez at KC Concepcion, ang For The First Time ng Star Cinema,pero usap-usapan pa rin ang mga naganap sa kontrobersiyal na premiere nightnito noong Martes, August 26. Marami ang nasagot sa mga tanong tungkol sakaganapan sa premiere night na detalyadong ipinalabas sa The Buzz sa ABS-CBNkahapon, August 31.

Bandang alas-tres ng hapon, kapansin-pansin na ang pagkapalng tao sa Cinemas 9 and 10 ng SM Megamall. Lahat ay naghihintay sa pagdating ngmga bituin. Nang mag-alas sais ng gabi, halos hindi na makagalaw sa sobrangdami ng dumating para sumuporta't masilayan sina Richard at KC.

Ayon sa isang taga-Megamall, "First time na ganun kadaming tao. Sobrang kapal ngcrowd. Kailangan pa naming mag-pullout ng more additional securitypersonnel para doon. Nag-add kami ngextra barricades. Siguro mga four thousand yung dumating."

Nagsimula nang nagdatingan ang mga artistang sumuporta kinaKC at Richard mula sa GMA-7 at ABS-CBN, pati na co-stars nila sa movie bandangalas-otso ng gabi.

Narito ang pahayag ng ilang mga artistang dumalo sa premierenight ng For The First Time:

Candy Pangilinan: Namangha ako sa dami ng tao. Yung sigawhindi natatapos. Siguro kalahati ng audience, paos. Kung hindi n'yo panapapanood, hindi kayo in.

Mariel Rodriguez: First time ko kasi mag-cover ng isangpremiere night for Entertainment Live!Nakipagsiksikan ako at ‘pag may artistang dumarating na, nakikipagtakbuhan akoand it's not easy, ha! Grabe pala yung supporters ng dalawa [Richard and KC].Grabe talaga!

Dumalo rin sa premiere night ang mga ABS-CBN executives, mgakamag-anak, at malalapit na kaibigan nina KC at Richard sa industriya.

Annabelle Rama: Sa dami ng premiere night na na-attend-anko, nakita ko talaga first time ang tao grabe! Habang naglalakad ako, tumataasang balahibo ko. Hindi ko alam kung nananginip ba ako o totoo ba ang nakikita ko.Grabe!

Noong 8:15 p.m. mula sa back door ng sinehan ng Megamall aydumating ang Megastar na si Sharon Cuneta kasama ang mister niyang si SenatorFrancis "Kiko" Pangilinan. Sandali silang umakyat sa stage sa labas ng sinehanpara magpasalamat sa lahat ng taong dumating. Pagkatapos nito ay pumasok na si Sharonsa Cinema 10, kung saan naroon ang pamilya Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito naman ang mga pahayag ng mga pamilya nina Richard atKC:

Raymond Gutierrez: Talagang na-impress kami ng family ko satrato ng Star Cinema sa kapatid namin, so maraming salamat po.

Ruffa Gutierrez: Natutuwa po kami dahil napakaraming tao.Thank you very much.

Annabelle Rama: Proud na proud ako sa anak ko at kay KC. Itong pelikulang ito pinaghirapanng dalawang bata.

Eddie Gutierrez: I'm very proud of them, talagang they foughtfor this film.

Kiko Pangilinan: We're just excited that finally after allthe hard work, this is her [KC] first movie, we're here to support her and welove her very much.

Sharon Cuneta: Kung Masaya si KC, siguro ako mga times 100.So, grabe talaga yung pride ko sa turnout ng mga sumusuporta kay Richard at KCdito sa premiere. I'm just so thankful po sa inyong lahat. Baby ko naman ngayonang inyong minamahal at si Richard din.

Habang ini-interview ng The Buzz ang Megastar sa loob ngCinema 10, dumating naman si Gabby Concepcion na dumaan din sa back door nadinaanan ng Megastar. Lumalabas na labinlimang minuto lang ang pagitan ngpagdating ng mga magulang ni KC.

Dumiretso si Gabby sa loob ng Cinema 9 kasama ang kanyangmga kapatid. Ayon kay Gabby, hindi alam ni KC na makakarating siya.

Ani Gabby, "I'm very happy. Naku, excited ako! Hindi ko ngasinasabi na nandito ako, e. Basta, Baby, I'm here for you. Kahit nasaan ka,kahit nasaan ako, sa puso ko nandiyan para sa kanya and she knows that."

Samantala, habang ini-interview si Gabby sa labas ngsinehan, bandang 8:40 p.m. ay dumatingsa Megamall ang inaabangang tambalan nina KC at Richard.

Halos magiba ang buong Megamall sa lakas ng hiyawan atpagkakagulo ng tao sa paglalakad nina KC at Richard mula sa ground floorhanggang sa red-carpet area.

Unang tumuloy sina KC at Richard sa Cinema 9 kung saannaroon si Gabby. Kaagad na hinanap ni KC ang kanyang ama sa crowd. "Oh, mygosh, Pa! Where are you? I love you.Thank you for being here," sambit ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula sa kanyang kinauupuan ay tumayo si Gabby para kumaway atbumati sa kanyang anak. At ilang sandali lang nagdesisyon si Gabby na bumabamula sa itaas ng sinehan para lapitan ang anak sa stage.

Sa kanilang paghaharap, isang maramdamin at mahigpit nayakapan ang naganap sa pagitan ng mag-ama.

"This movie is about KC and Richard," sabi ni Gabby. "Nanditolang po ako para sumuporta. Your titos and titas are here. Tito Ricky, galing siya ng Amerika kahapon.Sana po panoorin ninyo yung pelikula, For The First Time, napakaganda po nito."

Nang mga sandaling ‘yon ay naghihintay naman sa Cinema 10ang Megastar. Pagkagaling sa Cinema 9, lumabas sina KC at Richard sa fire exitng sinehan para tumuloy naman sa Cinema 10.

Richard Gutierrez: Thank you so much. Sana ma-enjoy ninyoang pelikula. Handog ng Star Cinema para sa inyo.

KC Concepcion: This is a dream come true. Wala pongimposible sa mundo. I love you, Mom [Sharon]. I can see you from here. Dad[Kiko], I can see you. All of my family. Mamita [Elaine Cuneta], yung lola kopo. Sobrang thank you sa lahat ng dumating. Hindi ko makakalimutan lahat ngito."

Nang magsimula ang pelikula, lahat ng mga tao sa dalawangsinehan ay tinutukan ang 15th anniversary offering ng Star Cinema.

Naunang magpalabas sa Cinema 9 ng halos 20 minutes at bagomatapos ang pelikula, nagdesisyon si Gabby na lumabas na. Hindi naging posibleang pagku-krus ng landas nila ni Sharon,na noong mga sandaling yun ay nanonood pa sa Cinema 10.

"I'm very, very happy for her," sabi ni Gabby habang palabasng sinehan. "Siguradong maraming makakagusto sa pelikula. You have to watchthe movie. Ang ganda talaga ng pelikula. Siguradong hindi kayo mabibigo. Sakamagaganda yung mga eksena. Maganda yung mga kuha sa Greece, pati yung mga localscenes dito. Yes, I'm very, very proud. Ang galing talaga gumawa ng ABS-CBN."

Pagkatapos ng screening sa Cinema 10, naging mahigpit dinang naging yakapan nina Sharon at KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Overwhelmed naman sina KC at Richard pagkatapos mapanood angpelikua.

Richard: Mixed emotions! Sobrang saya. Sobrang overwhelmed!

KC Concepcion: Nakakatuwang marinig yung audience nanagre-react.

Para naman kay Mega, tanging papuri lang ang mabibigay niya para kina KC at Richard parasa buong pelikula.

Sharon: Ang galing! Pinakamagaling na artista sa planeta! Hindi,ang ganda-ganda ng movie. Paglabas ninyo ng sine, masaya kayo. Pero may momentsdin na mata-touch kayo. Umiiyak ako. Ginaganyan [sinisiko] ko si Kiko. Angganda! And I'm proud of KC and Richard. Sana po panoorin ninyo. Hindi sayangang pera ninyo.

Kiko: Na-guilty ako kasi...

Sharon: Parang siya yung maraming pinatatamaan doon.

Kiko: Parang ako yung strict na tatay, e.

Sharon: Ginaganun [sinisiko] ko siya. ‘Uhm! Ganyan ka,ganyan ka!'

Kiko: We're very, very proud. Wonderful film. Lahat ngemotions, comedy, lahat ng nakakaiyak.

Sharon: Hindi pilit anything in the movie. Beautifullocation. Great support din.

Mula sa Megamall ay dumiretso na sina KC at Richard at iba panilang co-stars sa cast party. Hindi na sumama doon si Gabby at maging sinaSharon at Kiko. Sa nasabing party, mas nailabas nina KC at Richard ang tuwa atpasasalamat nila sa naging resulta ng pelikula.

KC: Nagpapasalamat kami kay God first of all, pray nga kaminang pray, e. Thank you talaga sa mga pamilya namin. Grabe! Lahat ng minamahalnamin nandito.

Richard: And of course, we would like to thank bothnetworks, GMA-7, Star Cinema, thank you so much for all your support and trust.Thank you so much for making this happen.

KC: Para ito sa lahat ng Kapuso, sa lahat ng Kapamilya.

Richard: Nasa isang lugar lahat ng Kapuso, lahat ngKapamilya, nagkaisa.

KC: At nagbabatian!

Nagpahayag din si KC tungkol sa pagdating ng kanyang PapaGabby.

KC: Hindi ako makapaniwala talaga. Hinanap ko siya siyempre,and nung nakita ko, wow! Hindi ko ine-expect na makikita ko siya doon. Sobrangteka, gusto ko munang i-absorb. Parang ayoko munang...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Richard: Kasi fresh pa lahat, e. Let's give her time toexperience it, to absorb it, then after a few days, she'll realize it reallyhappened.

Masayang-masaya rin si KC dahil proud na proud sa kanya ang kanyangina.

KC: That's my goal, to make her proud. If that made herproud, then I'm very thankful. Sobrang excited ng mom ko. Hindi siya sumandalat all ng dalawang oras na pelikula na yun

Certified box-office hit ang unang tambalan nina Richard at KC mula sa Star Cinema.

As of yesterday, August 31, nakaka-P60 million na raw ito satakilya.

Sa Huwebes naman nakatakdang umalis si KC papuntang LosAngeles at San Francisco para sa world premiere ng For The First Time.





Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN