Atak touched by hearty welcome of Vic Sotto, Dabarkads: "Beybing-beybi nga nila ako."

IMAGE Noel Orsal

Atak on Vic Sotto: "Ang layo niya sa iba kasi yung iba namimili, kahit nagkatrabaho na kayo, malayo pa rin sila sa iyo. Si Bossing, iba talaga."



Malaking bagay para sa komedyanteng si Atak ang mabigyan ng pagkakataong makasama si Vic Sotto sa pelikula nitong Enteng Kabisote 10 & the Abangers.

Si Atak ay matalik na kaibigan ng namayapang direktor na si Wenn Deramas, na siyang nasa likod ng mga box-office movies nina Vice Ganda at Ai-Ai delas Alas sa Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival

First time niyang makatrabaho si Bossing Vic at ilan sa Dabarkads ng Eat Bulaga!, pero ang pakiramdam raw ni Atak ay parang bahagi na siya ng grupong ito.

Aniya, "Ay sobrang asikaso nila ako, beybing-beybi nga nila ako kahit bago lang nila akong nakasama.

"Ako naman, I look up to them at gusto ko nga silang makatrabaho noon, pero magkaibang networks kami kaya ganun.

"So ngayon, dalawang networks na ako, kaya heto ako.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang komedyante sa grand presscon ng pelikulang Enteng Kabisote 10 & the Abangers na ginanap sa Annabel's Restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City nung Huwebes, November 24.

Ang pelikula ay produced ng OctoArts Films, M-Zet Productions, at APT Entertainment.

ONE OF A KIND. Pagbibigay-puri pa ni Atak sa isa sa mga haligi ng comedy films sa local industry, ”Ang layo niya sa iba.”

Paliwanag niya, “Kasi yung iba namimili, kahit nagkatrabaho na kayo, malayo pa rin sila sa iyo.

“May mga ganung artists, e, pero si Bossing, iba talaga.”

Bukod nga raw sa napaka-professional na katrabaho si Vic, obserbasyon pa ni Atak, "Si Bossing, nakapa-down-to-earth.

"Nandiyan na parang hari talaga namin siya, at first, may ilang ako nang konti.

“Pero sa days na makasama ko siya, maramdaman mo talaga ang pag-welcome niya sa iyo.”

Pati raw sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Wally Bayola at iba pa ay iisang pamilya ang turingan ng mga ito.

"Ang natutunan ko nga sa ganitong team, 'Huwag kang mamili.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikita ko talaga na wala silang pinipiling tao na makatrabaho as long as maayos kang makisama at makinig ka.

"Sasabihin nila, 'Welcome ka dito, welcome ka sa movie, hindi ka iba dito.

“’Huwag mag-isip at wag kang matakot.'

"Alam mo, kahit hindi nila sabihin, maramdaman mo dahil sa pakita nila."

Dugtong pa niya,"Sina Wally at Jose, walang problema kasi magkasama na kami sa comedy bar, so madali lang talaga.

"Si Paolo naman, nagkakasama na kami sa events, pero di pa talaga kami magkakilala.

"Ano, mabait din siya, walang problema.

"Basta, sa lahat ng cast, wala talagang problema."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN