Vic Sotto reveals inspiration behind his tradition of producing movies for kids for the MMFF

Vic Sotto (left) says it was the late Fernando Poe Jr. who inspired him to make it a yearly tradition to produce movies that will appeal to kids: "Si FPJ ang nag-instill sa utak ko na pag Pasko, kailangan may mapanood ang mga bata. Siya yung nagsiksik sa utak ko at sa damdamin ko na tuwing gagawa ako, kailangan puwedeng panoorin ng mga bata."


Panata na kung ituring ni Vic Sotto ang paggawa niya ng pelikula para sa taunang Metro Manila Film Festival, kaya ikinalungkot niya na hindi napasama sa walong official entries sa MMFF 2016 ang pelikula niyang Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Ganun na lang kasigasig si Bossing Vic na magpasok ng entry sa MMFF every year dahil gusto niyang mabigyan ng kasiyahan ang buong pamilya, lalong-lalo na ang mga bata.

Pag-amin pa niya, impluwensiya raw ito sa kanya ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Si FPJ daw ang nag-convince sa kanya na gawing pelikula ang hit sitcom niya noong Okay Ka, Fairy Ko at isali sa MMFF.

Kuwento ni Vic, “I got into producing Okay Ka, Fairy Ko The Movie way back in 1991.

“Ang naging inspirasyon ko roon ay si FPJ.

“Before that, yung mga Panday era yun e, Panday 1, 2, 3, 4.

“At that time, nagkausap kami in one of the gatherings with Ms. Charito Solis.

“Sabi niya, ‘Last ko na ito, Panday 4. Pag-isipan mo naman baka gusto mong gawin yung Okay Ka, Fairy Ko para sa mga bata.’

“Si FPJ ang nag-instill sa utak ko na pag Pasko, kailangan may mapanood ang mga bata.

“Siya yung nagsiksik sa utak ko at sa damdamin ko na tuwing gagawa ako, kailangan puwedeng panoorin ng mga bata.

“Maliliit pa sina Danica noon, sina Oyo [mga anak ni Vic].

“So, si FPJ talaga yung nagtulak sa akin, nagpalakas ng loob ko na, ‘Eto last na ako, wala nang panonoorin yung mga bata.

“Pag-isipan mo yung Okay Ka, Fairy Ko. Gawin mong pelikula.’”

Ito ang naging pahayag ni Bossing Vic sa grand media launch ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers na ginanap sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City noong Nobyembre 24.

Ang pampamilyang pelikulang ito ay jointly produced ng OctoArts Films, APT Entertainment, at M-Zet Production. Sa direksyon nina Tony Y. Reyes at Marlon Rivera, ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa November 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENTENG KABISOTE IS VIC’S MOST LOVED CHARACTER. Nagsimulang gampanan ni Bossing Vic si Enteng Kabisote sa sitcom na Okay Ka, Fairy Ko noong 1987 sa IBC 13 (1987-1989).

Napunta ito sa ABS-CBN noong 1989 hanggang 1995. Lumipat naman ito sa GMA Network noong 1995 hanggang 1997.

Nagsimula itong gawing pelikula noong 1991 gamit ang titulong Okay Ka, Fairy Ko! The Movie. Nasundan ito ng Okay Ka, Fairy Ko! Part 2 (1992); Enteng Kabisote: Okay Ka, Fairy Ko The Legend (2004); Enteng Kabisote 2: Okay Ka Fairy Ko The Legend Continues (2005); Enteng Kabisote 3: Okay Ka, Fairy Ko The Legend Goes On and On and On (2006); Enteng Kabisote 4: Okay Ka, Fairy Ko The Beginning of the Legend (2007); Si Agimat at si Enteng Kabisote (2010); Enteng ng Ina Mo (2011); Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako (2012); at ngayong taon nga ay ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Ano ang mayroon kay Enteng Kabisote kaya mahal na mahal ni Bossing ang karakter na ito?

“Anong mayroon kay Enteng Kabisote? Mahal siya ng mga tao e.

“Not for anything else, pero ever since Okay Ka, Fairy Ko, malapit na sa puso ko yung karakter ng Enteng Kabisote dahil diyan ako nagsimula as a producer.

“Yung Okay Ka, Fairy Ko, the TV series, yun ang una kong venture sa pagpo-produce.

“And from there medyo naka-graduate ako sa pagpo-produce ng mga pelikula.

“Malaking bagay sa akin ito as a producer, as an actor, yung character ni Enteng Kabisote.

“Kasi taong-tao siya, e.

"Ang ginagalawan niyang mundo puro engkantado at engkantada, pero he makes it a point na huwag gumamit ng kapangyarihan.

“Kung ano man ang problema, so-solve-in ko sa kapasidad ng isang taga-lupa.

“But of course, paminsan-minsan kailangan pag emergency, kailangan ko ng tulong.

“Lalo na in this movie, tulong ng mga Abangers. So, Enteng Kabisote is very close to me.

“And Enteng Kabisote, I know, is very close to people of all ages. Kasi yung mga bata noong Okay Ka, Fairy Ko days e sila na yung mga adults ngayon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, yung Enteng Kabisote the movies, yun ang mga inabot naman ng mga kabataan ngayon. Kaya for all ages ang nakakagusto sa kanya.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN