Vilma Santos reveals offer to be part of Mike de Leon film

IMAGE Julie Bonifacio





Ayon kay Vilma Santos, makakasama sana siya sa last movie na gagawin ni Mike de Leon.

Ito ang kanyang kinuwento kamakailan nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang plano na bumalik sa paggawa ng pelikula.

Masusundan na ba uli ang last movie niya na Everything About Her?

Ito ay ang 2016 movie ni Vilma kasama sina Angel Locsin at Xian Lim.

“Gusto ko po, gusto ko.

“Hindi ba nabalitaan ninyo yung offer sana sa akin ni Mike de Leon?

“E, hindi ko pa nga matanggap kasi gusto na nila na sagutin ko two months ago. Nasaan ba ako noon? Sa Macau?

“Two to three months ago, e, magdi-direk siya. Last movie na gagawin niya. Tapos ipinadala na niya sa email. Istorya kasi ng LVN, ni Dona Sisang."

Ang tinutukoy niya ay si Dona Narcisa de Leon, isa sa mga founders ng de Leon, Villonco and Navoa Pictures o mas kilala bilang LVN Pictures.

Pagpapatuloy ni Ms. Vilma, “Pinadalhan na niya ako, kaya lang gusto niya sagutin ko na agad. Pero hindi ko masagot kasi hindi pa ako nago-opisina. Wala pa ngang ano noon, e, SONA [State of the Nation Address].

“Nag-umpisa ako magtrabaho after ng SONA.

“Right after ng SONA yun na yung pasok niyo sa plenary na.

“So, hindi ko siya masagot. Wala pa akong alam. Kailangan trabahuin ko yung Congress. Kasi ayoko namang mapagbintangan na, ‘Anong ginawa mo? Pelikula agad?’ Hindi naman."

Ibinahagi ni Ms. Vilma na dapat sana ay early 2017 gagawin ang pelikula na period film.

“Pero shooting supposed to be sabi ni Mike de Leon first quarter of next year kasi period movie. E, gusto niya na sagutin ko.

“Sabi ko, 'Direk, hindi ako makakasagot talaga till malaman ko muna ang schedule ko sa Congress.'"

Ano ang final sa usapan nila ni Direk Mike?

“Wala, e. Hindi na kami nagkapag-meet, e. Basta, at the end sabi ko huwag siyang magtatampo sa akin. Tamponera yun, e. Hahaha!

“Ang target ng shooting dapat is on the  first quarter ng 2017. E, pero hindi na nga ako makasagot nga. Pero sabi ko na lang, maging ako man o hindi ang gagawa sa last film mo, sabi ko kay Direk Mike, ‘The mere fact marinig ko na balalik ka ulit at gagawa ng movie, malaking bagay na sa akin yun. So, I wish you good luck.  I want to see Mike de Leon again sa movie industry.’"

Para sa congresswoman ng 6th district of Batangas, ang priority ng Star For All Seasons ay ang kanyang constituents.  

“Ngayon kasi nga ang concentration ko is to learn more, dito muna.  And to deliver the service muna sa Lipa. Parang noong una rin akong Mayor and Governor na hindi rin tayo madalas kasi pinagaaralan ko, tama?

Kung papipiliin siya, ano’ng role ang gusto niyang gawin for her next film assignment?

“Kasi ako ngayon at this point in time, whether indie or sa mainstream ang

inaka-ano sa akin yung script, e. Kasi isina-saalangalang ang gagawin ko kapag hindi pa naman pili, magiging one of those lang kasi metikuloso na rin ang viewers ngayon, e.

“Every time may napapanod ako’ng pelikula, ‘Ay! Gusto ko 'yan.’ Siguro nami-miss ko lang mag-shooting kasi lahat ng pelikulang napapanood ko, mapa-English o mapa-Tagalog, ‘Ay, gusto ko yung role na ‘yan.

“Lahat gusto ko, e. Siguro nami-miss ko lang yung showbiz. So, basta’t any script na nakaka-ano lang sa 'kin.”

 
THE NEXT DARNA. Tingin ba niya bagay din kay Jessy Mendiola ang role na Darna?

“E, bakit hindi? Maganda rin naman ang katawan ni Jessy. Saka mga athlete din, e. Kasi si Darna kailngan ano, hindi pwedeng malambot.

“Dapat strong. Kailangan kasi para believable yung role. Kung si Angel [Locsin], may mga karakter, e, so pwede.”

May gusto ba siyang gawin ulit sa showbiz?

“Ano lang, kapag nanonood ako ng Maalaala [Mo Kaya], teleserye. Ang tagal na nung huli kong ginagawa sa Maalaala.

“Isa lang ang nagawa ko sa kanila. Dalagang-dalaga pa noon si Maja [Salvador].

“Kapag may right script, why not? Gusto ko rin bakit hindi?

“I don’t mind lalo ngayon may time ako. Mas maluwag ako. Kaya lang at this point kasi nag-aaral pa ako. Pero kapag ‘yan, by next year siguro magiging maluwag na ang schedule ko. Kaya ang sabi ko di hamak na mas maalwal ang time ko rito.”







ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN