Jean Garcia says Richard Yap wanted to do love scene with her in Mano Po 7: Chinoy

IMAGE From Instagram account of Jean Garcia

Richard Yap and Jean Garcia are cast as Wilson and Debbie Wong in Mano Po 7: Chinoy. Richard reportedly asked: "'Ba't ganun, wala kaming love scene ni Jean, e, kami ang mag-asawa 'tapos sila ni Jake [Cuenca], meron silang kissing scene?'"



Natawa na lang si Jean Garcia nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nabanggit ni Richard Yap na dati niyang crush ang aktres.

Si Jean ang gumaganap na asawa ni Richard sa pelikulang Mano Po 7: Chinoy ng Regal Films.

Pabirong reaksiyon niya, "Ewan ko diyan sa lolo mo.

"Kung ano ang pinagsasabi niya. Hahaha!

"Pero, sobrang bait niya, sobrang funny.

"Grabe ang sense of humor niya, at saka, sobrang bully.

"Sobrang bully niya talaga, promise!

"Nakakatuwa siya, pero sobrang gentleman niya."

Ano pa ba ang naging damdamin niya tungkol sa rebelasyon na ito ni "Ser Chief"?

Tugon ng That's Entertainment alumna, "E, 'di siyempre thank you.

"Ikaw ba naman Richard Yap crush ka, why not, 'di ba?

"Sabi ko naman, 'Thank you Richard and ikaw cute din.'"

"Tawa lang siya nang tawa."

Pagkatapos nito ay ibinulgar niya na wala silang love scene sa pelikulang Mano Po 7.

Kuwento ni Jean, "Sabi nga niya, 'Ba't walang love scene, mag-asawa 'di ba?'

"Hindi nga raw niya napanood yung The Escort kasi nasa abroad nga raw siya.

"Sabi pa nga niya kasi naglolokohan kami, "Direk [Ian Lorenos], ba't ganun, wala kaming love scene ni Jean, e, kami ang mag-asawa 'tapos sila ni Jake [Cuenca], meron silang kissing scene?'

"'Tapos sabi ni Direk, "'Di naman kailangan sa pelikula, pero 'pag kailangan, sige, aanuhin natin.'

"Hanggang sa matapos na, wala."

Ang karakter ni Jake ay maa-attract sa character ni Jean sa pelikula.

Para kay Jean at Richard, mas gusto nila na meron silang love scene.

Ani Jean, "Parang gusto lang, para maipakita lang na nagkasundo naman yung mag-asawa.

"Kasi the whole film, 'di niya ako kinakausap, puro away.

"The whole film ay ganun, problem ng family,

"So sana nga ganun na parang meron kaming moment na romance, yung romantic moment namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling magkaroon sila ng pagkakataon na may ganitong eksena sa future films nila, hindi ba siya mailang lalo na't alam niyang may dating crush sa kanya ang kaeksena niya?

Ayon sa kanya, "Hindi naman siguro dahil trabaho lang naman, 'di ba?

"E, si Richard trabaho din lang naman—very professional, e.

"Pero, 'di ko alam kasi dito nga, hindi naman namin ginawa.

"Hindi ko alam kung ano ang...hindi ko talaga alam."

Wala pa naman daw bagong offer na muli silang magkasama kaya saka na lang daw niya iisipin ang tungkol sa usaping ito.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN