Did Luis Manzano get jealous of Jessy Mendiola's love scene with Enchong Dee?

Jessy Mendiola says she could not bring herself to dub the kissing sounds needed for her intimate scenes with Enchong Dee in Mano Po 7: Chinoy.



Naudlot ang unang pagsabak sana ni Jessy Mendiola sa 2016 Metro Manila Film Festival nang hindi makapasok ang Mano Po 7: Chinoy.

Ang Regal Entertainment movie na ito ay pinagbibidahan nina Jean Garcia, Richard Yap, Enchong Dee, Jake Cuenca, Janella Salvador, Marlo Mortell, Eric Quizon at iba pa, sa direksyon ni Ian Lorenos. Ipalalabas ito sa mga sinehan ngayong December 14.

Pahayag ni Jessy sa naramdamang pagkabigo na makaranas ng MMFF, “medyo malungkot naman pero yun nga po gaya nang sabi namin, hindi man nakapasok o pumasok pang-MMFF quality naman yung movie.

“I’m sure mai-enjoy nang mga tao yung movie kasi very family-oriented story talaga siya, e. I think sa panahon ngayon kailangan nating panoorin.”

First time ni Jessy na gumawa ng pelikula sa Regal, sa director nilang si Ian at sa mga cast members na sina Jean at Richard.

Lahat ng movie project ni Jessy ay gawa ng Star Cinema. Pero ayon sa aktres, maayos ang pakikitungo sa kanya ng Regal Entertainment staff.

Sabi pa niya, “very professional naman po sila. Saka sobrang bait po nila. Gusto ko nila, anyway possible maging maganda yung quality ng film.

“So, kahit nong time na yun na hinahabol po kasi naman yung deadline ng MMFF, alam mong gusto talaga nilang maganda ang pelikula.

“So, in anyway possible, kahit may cut-off [working time] yung mga ibang artista, may segue yung iba, ginagawa po talaga nila yung best nila para sa amin at kami rin po sa kanila.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy matapos ang presscon proper ng Mano Po 7 na ginanap sa Valencia Events Place, San Juan.

Sa ipinalabas na trailer makikita ang mainit na kissing scene at bed scene nina Jessy at Enchong na magkapareha sa movie.

Natawa si Jessy nang malaman niyang ipinakita sa presscon ang trailer ng movie.
Paliwanag niya sa pagpayag niya sa eksena kasama si Enchong, “si Enchong po kasi matagal ko na pong nakatrabaho yan. Yun nga po sabi ko halos lahat ng films ko siya ang leading man ko.

“So, pagdating sa kissing scene, intimate scenes alam naming kung ano yung hindi puwede at puwede.

“Siguro very comfortable kami sa isa’t-isa.”

Patuloy pa ni Jessy, hindi raw niya gustong makita o panoorin ang eksena nila ni Enchong sa post production-dubbing.

Kuwento ng FHM 2016 Sexiest Woman of the World, “ano nga po e, pinapa-dub ko nga sa iba. Sabi ko, hindi ko po kaya. Kayo na lang po sa mga halik.

“Yun pong mga ‘tsup-tsup.’ Hindi ko po kaya. Kayo na lang po.”

Kaya bang panoorin ni Luis Manzano ang love scene at kissing scene mo? Si Luis ang nababalitang boyfriend ngayon ni Jessy.

Tugon niya, “Sabi po niya sa films ko panonoorin po niya. Kasi meron pa akong isa na film din na lalabas din. Sabi niya panonoorin rin raw niya.”

Dagdag pa ni Jessy tungkol kay Luis at sa kanyang intimate scenes kasama si Enchong, “alam naman po niya yun.”

Paglilinaw niya, “kinukuwento ko kung ano yung role ko.”

Biniro nga raw si Jessy ni Luis sa pelikula niya.

Pagpapatunay pa ng Kapamilya star, “sabi niya [Luis], mag-cameo raw siya.

"Kinukulit na nga niya si Mother Lily [Monteverde, movie producer]. Sabi niya, sige text ko siya, text ko siya.”

Hindi ba sinasabi ni Luis na sana siya na lang si Enchong?

“Diyos ko, sa busy ba naman po ng schedule niya, kakayanin pa ba niya?”




Stories We Are Tracking

MMFF 2016 officials deny snubbing big franchise films
MMFF 2016 officials deny snubbing big franchise films
MMFF 2016 touted to be
MMFF 2016 touted to be "renaissance in Philippine cinema"



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN