Does Vice Ganda feel vindicated after exclusion from MMFF 2016?

IMAGE From Instagram account of Team Vice PH

Vice Ganda admits, "Nakaka-offend din kapag sinasabi na yung isang pelikula, e, basura."



Ipinarating ni Vice Ganda ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga tumangkilik at sumuporta sa blockbuster movie nila ni Coco Martin.

Ibinalita ni Vice Ganda na as of 12 noon yesterday, December 5, umabot na sa P250 million ang box-office gross ng Star Cinema film na The Super Parental Guardians.

Aniya, “Ang sarap dahil ito yung pagpapatunay na mahal na mahal pa rin nila ako. Na giliw na giliw pa rin sila dun sa paraan ng pagpapatawa ko.

“Na they look forward seeing me sa big screen na na-e-excite sila na panoorin ang pelikula ko, kahit hindi film fest, e, interesado pa rin. Kahit hindi film fest, panonoorin pa rin nila at aagahan nila yung panonood kasi maraming Pilipino ang naka-schedule na manood ng sine kapag Pasko pero since nawala yung schedule na ‘yon, itinuloy pa rin nila na mas maaga."

Dahil sa nangyaring ito, naalala ng It's Showtime host ang mga negative comments na sinabi tungkol sa kanya dati pa.

“Dati, di ba, lagi akong binabato ng tsikang, 'Salamat may film fest ka,' 'Nakiki-ride on ka sa popularity ng film fest kaya malaki yung kinikita ng pelikula mo,' 'Kaya ka top-grosser kasi nakiki-ride on ka lang sa popularity ng film fest.'

Maraming laging nagsasabi kay Vice Ganda na subukan niya na gumawa ng non-film fest entry.

“Sinasabi ko, meron naman akong non-film fest entry dati, yung unang Praybeyt Benjamin [2011], yung This Guy’s In Love With You Mare [2012]…

“Pero ito, ang saya ko, ang suwerte ko, mapalad ako at yung suporta sa akin ng mga tao, hindi siya nagbago, mas lumakas nga, mas malala.

“Ngayon ko na-prove na mas malala kaya sabi ko, siguro I must have done something right para ma-deserve ko ang blessing na ito dahil kung hindi rin naman siguro, hindi ipagkakaloob ng Diyos yung mga bagay na hindi natin deserve.”

Para kay Vice Ganda, ayaw niyang sabihin na big vindication na hindi nakasali sa 2016 Metro Manila Film Festival ang The Super Parental Guardians dahil para sa kanya, big blessing in disguise ang nangyari.

“Ayoko rin sabihin ‘yan kasi siyempre, to whom much is given, much is required.

“Ayoko naman na sa kalagitnaan ng tagumpay na ito, ayoko nang mag-maasim pa. Wala nang dahilan para umasim, magyabang ka pa, ngumiti na lang tayo.

“Lahat naman kasi ng pelikula na ginawa, pinaghirapan ‘yan kaya nga nakaka-offend din kapag sinasabi na yung isang pelikula, e, basura.

“Nakaka-offend kasi puwede nating sabihin na hindi natin gusto yung pelikula o hindi tayo nag-enjoy, hindi natin nagustuhan pero yung sasabihin natin na yung isang pelikula, e, basura, nakaka-offend ‘yon kasi ang daming tao na nagtrabaho diyan.

“Ang daming tao na nagpuyat diyan, ang daming tao na hindi nakauwi sa pamilya nila para matapos yung mga pelikula na ‘yan kaya ang wish ko, sana magtagumpay din sila.

“Mas maganda yung lahat tayo ay magtagumpay kasi yun naman ang hinahangad nating lahat kaya tayo nagtatrabaho para magtagumpay tayo at sa laki ng tagumpay na ibinigay sa akin ng Diyos, ayoko naman ipagkait sa ibang tao ‘yon.

“Sana, lahat magtagumpay kasi naghirap tayong lahat diyan,” ang dagdag na pahayag ni Vice na kinumpirma na masaya siya ngayon dahil in love siya.

“Masaya, masaya ang puso ko. In love ako, ang sarap mag-celebrate. Ang sarap magtrabaho ng in love, ang sarap mag-celebrate ng in love, ang sarap magtagumpay ng in love, ang sarap everyday kapag in love,” sabi pa ng ABS-CBN TV host-comedian na nilito ang entertainment press sa mga sagot niya para hindi madiskubre ang identity ng lalake na nagpapasaya sa kanya ngayon.



Stories We Are Tracking

TSPG earns over P246 million in 5 days, says Star Cinema
TSPG earns over P246 million in 5 days, says Star Cinema
Vice Ganda on MMFF exclusion:
Vice Ganda on MMFF exclusion: "Sa tingin ko, malaking kawalan ito."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN