Daniel Padilla and Kathryn Bernardo gearing up for romcom movie in 2017

IMAGE Reielle Deslate

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo will star in La Luna Sangre, the much-awaited sequel to ABS-CBN's Lobo and Imortal fantaseryes.



Mismong sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nagkumpirma na sila ang gagawa ng sequel ng fantaseryeng Lobo at Imortal ng ABS-CBN sa pamamagitan ng seryeng La Luna Sangre sa 2017.

Ang Lobo (2008) ay teleseryeng pinagbidahan nina Piolo Pascual at Angel Locsin, samantalang ang sequel naman nitong Imortal (2010) ay pinagtambalan nila Angel at John Lloyd Cruz.

Parehong mainit na tinaggap ng publiko at nagkamit ng mataas na rating ang naturang mga fantaserye.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kina Daniel at Kathryn, inamin ng magkapareha na nakakaramdam sila ng pressure at kaba bilang mga bida ng uumpisahang fantaserye.

Nakausap namin sila noong nakaraang Lunes sa Terminal 2 ng NAIA, kunsaan sinalubong sila ng ilang miyembro ng entertainment press mula sa special premiere ng Barcelona, A Love Untold sa Vietnam kamakailan.

Nagkuwento ang dalawa tungkol sa bago nilang project.

Panimula ni Daniel, “La Luna Sangre ang title niya. Para siyang Imortal saka Lobo.

“Nakaka-pressure talaga, pero siyempre, gusto mo rin naman na gandahan talaga sa parte mo.

“Siyempre ibibigay din namin ng 100% para ikaganda ng serye.”

Ayon naman kay Kathryn, “Para siyang continuation ng story nila.

“Of course, nandun yung pressure kasi sobrang successful ng dalawa.

“Grabe, nagpapasalamat kami na sa amin pinagkatiwala yung ganitong kalaking project.

“Hayun, excited kami kung paano yung training at lahat next year.


TRAINING FOR ACTION SCENES. Pinaghalong fantasy, love story at meron ding action scenes ang Lobo at Imortal.

Bukas naman sila Kath at Daniel para sa ganitong mga maaaksyong mga eskena sa La Luna Sangre.

Ani Daniel, “Mayroong mga ganun.

“Nagte-training kami. Si Kathryn nagte-training na ngayon.

“Ako hindi pa. Malapit na.”

Dagdag naman ni Kathryn, “May sinabi silang training pero aayusin yung mga schedules kasi marami daw kailangan na gagawin.

“Di naman puwedeng sabak na lang tayo. Maaayos yung lahat sa schedule.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WARM RECEPTION IN VIETNAM. Kagagaling lamang nina Daniel at Kathryn mula sa Vietnam para sa special premiere ng Barcelona: A Love Untold.

Nagpapasalamat ang Kathniel sa mainit na pagtanggap sa kanila at sa pelikula, hindi lang ng mga kababayan natin doon kundi maging ng mga Vietnamese fans na rin nila.

Lahad ni Daniel, “Siyempre very excited yung mga kapwa nating mga Filipino supporters dun.

“Very happy sila na may screening ng pelikula.

“Yung mga Vietnamese fans very happy din. Napapanood nila yung pelikula, excited rin sila.

“Ang galing! Talagang sigaw din sila nang sigaw dun sa pelikula.

Hirit naman ni Kathryn, “Mabilis lang pero nakakatuwa, kasi nagdalawang screening kami.

“Yung isa Pinoy, tapos yung isa puro Vietnamese.

“Pangalawa pa lang yun na Pinoy movie na napanood nila sa Vietnam, so sana magtuluy-tuloy ang ganun.

“Napaka-warm ng support nila mapa-Pinoy o Vietnamese.”


UPCOMING MOVIE PROJECT. Bukod sa teleserye ay isang pelikula rin ang sinisimulan nilang gawin.

Kuwento ni Daniel, “Mayroon kaming pelikulang gagawin pero ginagawa pa lang namin siya ngayon, next year siya ipapalabas.

“Mas light lang siya kaysa dun sa Barcelona.”

Dagdag ni Kathryn, “Romcom siya talaga, directed by Direk Mae [Czarina Cruz] again.

“Naka-ilang shooting days na rin kami and for next year pa yun.”

CHRISTMAS WITH FAMILY. Ang nalalapit na Kapaskuhan at Bagong Taon ang pagkakataon nina Kath at Daniel para makapagpahinga at i-celebrate ito kasama ang mga mahal nila sa buhay.

Ani Kathryn, “Bahay lang for Christmas and New Year.

“Pupunta din siguro after dun sa family, ganun naman kami parati.

“Basta dito lang muna.

“Christmas gift? Kahit sa family, kahit kay DJ, wala pa. Di pa ako nakakapag-Christmas shopping.”

Pahabol naman ni Daniel, “Plano ko sa Christmas is wala, bahay lang.

“Magre-relax lang kami ng pamilya, siyempre sila Kathryn.

“Christmas gift for Kath? Sa ngayon, wala pa.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN