Ai-Ai delas Alas to return to Star Cinema in 2017

IMAGE Courtesy of Ai-Ai delas Alas

Ai-Ai delas Alas will do a movie again under Star Cinema in 2017. In this photo: (L-R) talent manager Boy Abunda, Star Cinema Creative group manager Danno Mariquit, Star Cinema Creative Head and Director Olivia Lamasan, Ai-Ai, Star Cinema Managing Director Malou N. Santos, and Star Cinema PR Head Roxy Liquigan.


Kinumpirma ni Ai-Ai delas Alas na muli siyang gagawa ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

Ang Star Cinema ang film arm ng ABS-CBN, ang dating home network ng Comedy Concert Queen sa loob ng 14 taon.

Ngayon ay nasa bakuran na ng GMA Network si Ai-Ai.

Sa kanyang Instagram account nitong Huwebes, December 15, ipinost ni Ai-Ai ang larawan kasama ang business executives ng Star Cinema na sina Malou N. Santos, managing director; Olivia Lamasan, creative head and director; Danno Mariquitat, creative group manager; at Roxy Liquigan, PR head.

Naroon din ang business manager ni Ai-Ai na si Boy Abunda.

Bahagi ng caption ng Comedy Queen: “I am very happy and excited para sa 2017. New Year, new movie... Wohoooo!”

Sa comments section, may mga fans na nagtanong kung indikasyon ba ito na muling babalik si Ai-Ai sa bakuran ng ABS-CBN.

Pero paglilinaw ng Sunday Pinasaya star, para lang ito sa isang pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

Meeting with the bosses of STAR CINEMA with my manger MR BOY ABUNDA .. Thank you po TITA MALOU INANG OLIVE ROXY DANO KRIS...MERRY CHRISTMAS .. ITS REALLY THE SEASON OF LOVE ..Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth.It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres..... I LOVE YOU PO ....IAM VERY HAPPY AND EXCITED PARA SA 2017 .. new year new movie ..WOHOOOOOOOOOOO ... #starcinemamovie2017 #balikpelikula #missthemverymuch????#sasobrangsayadkonaramdamananggutom GOD IS GOOD ALL THE TIME ????????ALL THE TIME GOD IS GOOD ????????????

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

Bago lumipat si Ai-Ai sa Kapuso network noong April 2015, nakagawa siya blockbuster hit movies sa Star Cinema, kagaya ng Ang Tanging Ina movie series.

Ang huling pelikulang ginawa ni Ai-Ai para sa Star Cinema ay ang Past Tense noong 2015, kasama sina Kim Chiu at Xian Lim.

Ang huli namang TV project niya sa Kapamilya network ay ang fantaseryeng Dyesebel (2014), na pinagbidahan ni Anne Curtis.

Matatandaan na last year, kinontra ni Ai-Ai ang claim ng Star Cinema na No. 1 ang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) nito na Beauty and the Bestie. 

Ayon kay Ai-Ai, "number one" ang pelikula niya noon na My Bebe Love: #Kiligpamore kunsaan kasama niya sina Vic Sotto, Alden Richards, at Maine Mendoza.

Ngunit, base sa Instagram post ng Star Cinema AdProm manager na si Mico del Rosario, mukhang maayos na ang lahat sa kanila dahil may photo sila ni Ai-Ai na magkayakap.


(Read: Ai-Ai delas Alas refutes Star Cinema's No. 1 claim in the MMFF box-office race)


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

With @msaiaidelasalas today. :)

A photo posted by Mico Del Rosario (@micodelrosario1) on






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN