Vhong Navarro on Kim Domingo: "Humanga po tayo sa kanyang kagandahan."

IMAGE Noel Orsal (Vhong)

Vhong Navarro on working with Kim Domingo: "Basta ang ayoko lang po ay iyong matawag ako na kuya o tito pag magkasama kami sa eksena."





Aminado si Vhong Navarro na nabighani siya sa kagandahan ng kanyang leading lady sa pelikulang Mang Kepweng Returns na si Kim Domingo.

Tanong tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ABS-CBN actor-TV host kung pinagpantasyahan niya rin ba ang GMA-7 actress, na tinaguriang Pantasya ng Bayan?

“Ako po ay isang tao lamang na humahanga po sa kagandahan ng mga kababaihan. At hangga’t maaari po ay hanggang tingin na lamang tayo. Humanga po tayo sa kanyang kagandahan,” sabi ni Vhong.

Nakausap ng PEP at iba pang press si Vhong sa presscon ng Mang Kepweng Returns na ginanap noong December 21 sa Max’s Restaurant sa Scout Tuason, Quezon City.

 
EXPERIENCES AND ADJUSTMENTS. Maganda raw ang naging karanasan ni Vhong sa pakikipagtrabaho kay Kim kahit first time lang niya itong makatambal.

“First time ko rin pong makatrabaho si Kim. Ako, wala rin pong masabi sa kanya, napakapropesyunal po, on time dumating sa set. Kumbaga kahit ano pong ipagawa ni Direk GB [Sampedro] ay talaga pong ginagawa niya. Saludo po ako kay Kim pagdating po sa trabaho. Noong nagsu-shooting po kami, maganda po ang naging experience ko sa kanya.”

Pero dumaan din daw sila sa adjustment moments dahil nga hindi pa nila kilala ang isa’t isa noong una.

“Ang medyo nahirapan lang po ako noong first day namin na magkaeksena kasi first time din po naming nag-meet kasi. So, iyon lang po noong una medyo nahirapang mag-adjust kasi kailangan ko pa po siyang makilala, e, para po sa amin, e, kailangan po yung konting, ‘Hi! Ano ang ang pangalan?’ Siyempre tanungan pa po kami.

“Basta ang ayoko lang po ay iyong matawag ako na kuya o tito pag magkasama kami sa eksena,” natatawang sabi pa niya.

Pero naging smooth na raw ang takbo ng shooting nang magkapalagayan na sila ng loob ni Kim. Thankful si Vhong sa Mang Kepweng Returns na bilang isang Kapamilya ay nagawa niyang makatrabaho ang mga artista mula sa ibang TV networks gaya ni Kim na isang Kapuso.

 
KISSING SCENE. Nagkaroon ba sila ng kissing scene ni Kim sa pelikula?
“Ayaw po ng parents ko,” biro ni Vhong. “Pero ako po’y sumunod lamang sa script at sa aking magaling na direktor na katabi ko. Kailangan po sa eksena.”

So, meron nga?

“Meron po, opo.”

Paano niya ide-describe ang eksena nilang ito? Nag-usap ba sila ni Kim bago gawin ang kissing scene?

“Sabi ko lang po sa kanya yung labi ko po masyadong malambot. Wow, nagbuhat ng sariling bangko.

“Natural lang po, kumbaga kung ano lang yung nasa script, kung ano po yung nasa eksena, iyon lang naman po yung ginawa namin.”

Kumusta naman yung halikan nila ni Kim?

“Okay naman po siya, nakapag-move on naman po kami. Ako po, steady lang po.”

Bukod kina Vhong at Kim, kasama rin sa cast sina Jaclyn Jose, Louise Delos Reyes, Sunshine Cruz, Juancho Triviño, James Blanco, Pen Medina, Valeen Montenegro, Jhong Hilario, Jackie Rice, Jobert Austria, Alex Calleja, Balang, Josh de Guzman, Chun Sa, Tuko, at marami pang iba.

Produced by Cineko Production at Viva Films, ang Mang Kepweng Returns ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa January 4, 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Stories We Are Tracking

What to expect from Vhong Navarro's Mang Kepweng Returns
What to expect from Vhong Navarro's Mang Kepweng Returns
Mang Kepweng director defends Kim Domingo from intrigues
Mang Kepweng director defends Kim Domingo from intrigues




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN