GB Sampedro confident about box-office performance of Vhong Navarro's Mang Kepweng Returns

IMAGE Noel Orsal

Mang Kepweng Returns director GB Sampedro (leftmost) says, "Ako malaki ang pananampalataya ko kay Vhong [Navarro, second from left], malaki ang pananamplataya ko sa project." This film also stars Valeen Montenegro and Juancho Trivino (rightmost).




Ngayong araw, January 4, ang first showing day ng comedy movie na Mang Kepweng Returns.

Ito ang pelikulang unang pinagbidahan ng yumaong komedyante na si Chiquito at ngayon ay binigyang buhay ni Vhong Navarro.

Mang Kepweng Returns ang isa sa mga pelikulang hindi pinalad na makapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival dahil sa pagbabago ng criteria sa pagpili ng official entries.

Hindi naman tinago ni Direk GB Sampedro, direktor ng Mang Kepweng Returns, na nakaramdam sila ng panghihinayang noong una pero madali niya namang natanggap ang naging desisyon ng pamunuan ng MMFF at nag-move sa nangyari.

“Kasi nakakapanghinayang kasi ang gandang venue sana na ipapalabas ka bago mag-holiday. Nakakapanghinayang pero sa lahat naman ng bagay, tanggapin mo ang nangyari at mag-move on ka na.”

Di tinago ni Direk GB na isa siya sa nagulat sa pagbabagong-bihis ng MMFF 2016.

“Nagulat ako kasi ibang-iba siya, ibang-iba siya sa mga nakaraang festival. Ako nung ginagawa ko itong Mang Kepweng, nandun tayo sa panlasang kinagisnan ko. Siyempre iba ngayon, ganun talaga, e.”

“Yung mga jury at lahat ng bumubuo ng MMFF may mga kaibigan din tayo diyan. Ako ginagalang ko ang bagong sinusulong nila na uri ng festival. Sa akin kanya-kanyang taste ‘yan, nagkataon na ito yung gusto nila, ito yung panlasa nila ngayon sino naman tayo para kontrahin yun at di igalang ang kanilang desisyon.”

Sa kabila nito ay buo pa rin ang suporta at tiwala na binibigay ni Direk GB sa pamunuan ng MMFF dahil para sa kanya ang tagumpay na matatamo ng film fest ay tagumpay na rin ng industriya kung saan kabilang siya.

“Ako I just wish them well na sana kasi kung anuman ang magiging tagumpay ng bagong Metro Manila Film Festival ay tagumpay ng industriya kung saan nandun ako at bahagi na rin ako. Ako I just wish them well, malaking challenge para sa kanila. Basta ako I’m here to support.”

“Nakakapanghinayang kung sa nakakapanghinayang although ako naman tingin ko mayroon din sigurong ilang pambata diyan pero tingin ko more on parental guidance pa rin.

“Siyempre nakakalungkot na di nakalusot ang mga the usual na napapanood ng kabataan pero nagkaroon din naman sila ng opportunity na mapalabas. Napaaga pa nga ang playdate nila. Lahat naman yan may solusyon, mahirap kasing mag-focus dun sa nagiging parang problema tuloy yung nangyari. Actually dapat nating tanggapin yun as pagbabago, tanggapin natin yun na yun ang katotohanan sa ngayon. Acceptance lang talaga ng sitwasyon.”

Sabay ang showing ng Super Parental Guardians at Enteng Kabisote 10 and the Abangers noong November 30. Marami ang nag-abang kung makikipagbangaan sa nasabing playdate ang Mang Kepweng pero di nga ito tumuloy. Pinaliwanag ni Direk GB ay desisyon ito ng producers ng Mang Kepweng Returns.

“Actually desisyon 'yan ng ng Cineko at Viva. Ako naman ginagalang ko ang desisyon nila, siguro tiningan din ng mga producers ko gaya ng Cine Ko nab ago sa playground na ito, tininingnan din nila kung ano ang makakabuti sa project. Tingin ko naman tama din na desisyon na wag nang isabay kasi nga mag-aagawan pa tayo sa sinehan.

“Sa ngayon nga parang mas nakakatakot na may playdate na. Nung una medyo relax pa ngayon nakakatensyon na. First time ko ito, first timer tayo, first mainstream movie ko ito.

“Iba ang competition ng indie film sa mainstream. Dito mas malaki ang pressure.”

Positibo naman si Direk GB sa magiging resulta ng Mang Kepweng lalo’t malaki ang paniniwala niya kay Vhong at sa istorya ng pelikula.

“Ako malaki ang pananampalataya ko kay Vhong, malaki ang pananamplataya ko sa project. Sana lang yung pagkabigo na makapasok sa MMFF, e, mapalitan naman ng magandang resulta sa pagpapalabas namin sa start ng January 2017.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN