Sharon reveals when she will start shooting movie with ex-husband Gabby


Magtatambal ang dating mag-asawang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion pagkatapos ng higit sa dalawang dekada mula nang huli silang magtambal sa isang pelikula.

Ayon sa Megastar, nakatakda silang magsimula ng shooting by the end of the month. 

Ito ang in-announce ni Sharon earlier today, January 8, sa birthday celebration niya kanina sa ASAP.

Huling nagkatrabaho sina Sharon at Gabby 24 tears ago para sa 1992 movie na Tayong Dalawa.

Sa kanyang Facebook account noong December 15, kinumpirma ng Megastar ang balik-tambalan nila ni Gabby.

Post noon ni Sharon: “I finally have a leading man. Yes, it's really happening.

“Everyone, I am happy to announce the return of Sharon and Gabby on the big screen.

“Shooting begins January 2017.

“Tentative showing month: May 2017!”

Ang pelikula ay ididirek ni Direk Cathy Garcia-Molina sa ilalim ng Star Cinema.

Pagkatapos ang announcement, sunud-sunod ang post ni Sharon ng mga posters ng mga dating pelikula nila ni Gabby na naging mga blockbuster din noon.

Huling nagtambal sina Sharon at Gabby sa pelikulang Tayong Dalawa noong 1992.

Itinuturing na isa sa mga pinakasikat na tambalan sa local cinema sina Sharon at Gabby na nauwi sa kasalanan noong 1984 at na-annul ang kasal noong 1993.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN