Angeline Quinto on torrid kiss with Jake Cuenca: "Ang sarap pala!"

IMAGE Noel Orsal



Isa sa mga highlights ng pelikulang Foolish Love ay ang torrid kissing scene nina Angeline Quinto at Jake Cuenca.

Si Joel Lamangan ang director ng rom-com na ito na produced ng Regal Entertainment Inc.

Sa January 12 press conference na ginanap sa Valencia Events Place, San Juan City, sinabi ni Direk Joel na kailangang gawin nina Jake at Angeline ang eksena dahil importante ito sa buong istorya at karakter na ginagampanan nila.

Magkamali man ang dalawa sa unang shot, uulitin pa rin nilang gawin ang eksena kahit umabot sila ng dalawangpung beses na take.

Kaya instruction ni Direk Joel kay Angeline, ibigay na nito ang lahat ng kaya para hindi na uulitin pang kunan ang torrid kissing scene nila.

First time sa buong acting career ni Angeline ang magkaroon ng torrid kiss sa leading man niya sa pelikula kaya naman nag-alangan siyang gawin noong una ang eksena.

Saad ng ABS-CBN singer-actress, “sa totoo lang nag-alangan ako siyempre, kasi ayoko naman na tanggapin ang pelikula na hindi ako kumportable. Unang-una, laging inilalatag sa amin kuyng ano ang takbo ng istorya at kung ano ang magiging role ko.

“So, nung nalaman ko na meron akong kissing scene, ang unang nilapitan ko ay yung manager ko, si Sir Erickson [Raymundo of Cornerstone]. Ipinaliwanag naman po.

“After nun kay Direk Joel na, huwag raw akong mag-alala kasi hindi naman niya ako pababayaan sa mga eksenang ipapagawa niya sa akin. So, nagtiwala naman po ako, okay naman dun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline matapos ang presscon proper ng kanyang pelikula kagabi.

Kilala sa kanyang wholesome image bilang singer si Angeline kaya isang malaking showbiz career ang pagsalang niya sa torrid kissing scene sa pelikula.

Paglilinaw niya hindi raw paglayo na sa kanyang wholesome image ang rason kung bakit siya tumanggap nang mature role.

Sabi pa niya, “Hindi naman po, siguro masasabi ko lang din hindi rin naman po masama kung subukan ko yung mga bagay na hindi ko pa na-try lalo na pagdating sa acting.”

Nang tanungin siya tungkol sa kissing scene nila ni Jake Cuenca, sagot ni Angeline, "Ang sarap pala!"

Ang paglalarawan naman ni Angeline sa mga labi ni Jake: "Matamis."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Angeline Quinto on doing torrid kiss for #FoolishLoveMovie: "Ang sarap pala!"

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN